Showing posts with label #nursing. Show all posts
Showing posts with label #nursing. Show all posts

Thursday, December 19, 2013

Looking.. Searching..

It's December 20 already and 2014 is just few kembots away. And to update myself, I'm on my 5th month as an unemployed RN. Moving on, I'm going to pass my resume already by next week but I'm a bit anxious since undergoing training (hospitals don't usually hire nurses right away) is somewhat a different arena compared to those duty days I had in college.

Yesterday, me and my friends are talking about something when I asked one of them if what was the skills he wrote in his resume. Hahaha. Honestly, I've been having a hard time in making resumes since my Advo application days. I had to follow Cindy's outline then because I don't know where to start. Any, they just joked that I should put "bed making" skills there. Hahaha. Well, bed making is also a part of our RLE Skills Lab then, so it's a bit correct if I would write it there. LOL. But one of them asked if where am I going to apply for a job, and I told him a certain hospital that was a bit far from my current place. So, he suggested that I should pass an application in SLMC-QC since it was just a 15-20 mins ride away.

So here's my current problem now, after searching about the application chuchus for some hospitals, I found myself staring blankly, thinking about those requirements I have to pass. Aaaand, I also read some blog entries about Post-Graduate Nurse Training (PGNT). Honestly, I'm a bit excited and a bit nervous about it. But yeah, it's natural to feel that way. I'm just praying that I would start my 2014 training already. I'm tired being a lazy kid, sleeping the whole day inside my room. And this sedentary lifestyle would definitely kill me. Any, let's just do hope that I would get accepted. If not, then I'll look for another hospital (kahit saang parte pa ng Manila yan!)

Any, GO LHEA! (Self motivation is the key!) :)

Monday, April 29, 2013

Dot. Dot. Dot.

33 days to go, BOARD EXAM na. Seriously, parang di ko pa kaya mag-exam. Ang hirap pala mag-review! Jusko. Kaso iniisip ko na lang na "Lhea, kung na-survive mo yung 4 years sa Nursing, 2 months na review pa kaya?" Pero yung totoo, parang gusto kong di na muna mag-take, kaso sayang. HELLO! Effort na effort kaya ako mag-ayos ng PRC cases ko tapos mag-file sa PRC! Wow ha.

Eto, seryoso na talaga. Ang hirap eh, as in. Actually gustong-gusto ko talaga sabihin to sa isang tao kaso di ko alam kung kanino ko sya isi-share (Okey, naisip ko na, si Lola!). Unang-una, naiisip ko na baka bumagsak lang ako kasi hindi ako handa. Seryoso, as in hindi talaga. At pangalawa, feeling ko may kulang sakin.

Thank you pala sa mga taong nagmo-motivate sakin mag-aral, mag-review, at i-TOP ang board exam. Kayo na lang talaga ang dahilan kung bakit ko ginagawa to maliban sa parents ko at sa dream ko maging registered nurse. Salamat dahil naniniwala kayo sakin na kaya ko, na matalino ako, at lahat-lahat na.

Kaso isa lang talaga yung gusto ko eh, gusto ko ng magulang sa tabi ko. Yeah, parent. Well, sa lahat ng parent ko, si Papa lang yung malamang na makakasama ko in the coming weeks (well depende pa kung dito sya sa apartment ko magsstay or dun sa Alabang). Pero di eh, ibang magulang yung kelangan ko, si Nanay kasi yun. Gusto ko ng pinipilit ako na mag-review, magising ng maaga (dahil madalas akong absent sa review), at pinapagalitan ako. Siguro yung care and concern talaga yung nami-miss ko, maliban pa dun sa mga paglalambing ni Nanay sakin. Hay, miss ko na talaga sya eh. Every night na lang akong umiiyak kasi nami-miss ko na sya, at kelangan ko sya sa mga panahong ito kaso wala na sya eh. Medyo hindi okey para sakin tong pag-eemote kasi mas made-depress pa ko. Ako na lang mismo sa sarili ko yung nagsasabi na "Wag ka nga magdrama dyan, makakasama lang yan", "Pumasok ka nga!" (Okey, ang drama-drama ko. Very wrong)

Hay. (On the lighter side! Di na ko magdadrama!) Nitong mga nakaraang araw, may isang tao na feeling ko eh "sinapian" ni Nanay. Well, friend ko naman kasi to, so malamang eh mangungumusta sa pagre-review ko. Kaso nung huli eh pinapagalitan na ko. "Di ka nga umiinom, babad ka naman ata sa tv." Nakakaloka, magagalit, tapos magtatampo. Aynako. Tapos nung Saturday, muntikan na ko atakihin sa puso dun sa text nya na "Hoy ikaw ha. Tumakas ka sa review kanina." HAHAHA. Actually di ako tumakas, wala akong pera pang-enrol para sa Critical lecture namin that day. Since ayoko naman ma-bano sa bahay at para isabay ko na sa pagpunta ko sa puntod ni nanay eh nanuod na rin ako ng game sa San Juan Arena. Pagkagising ko the next day, nagtext sya ng "Galingan mo :)" Nakaka-empower eh no! Hulaan nyo na lang kung sino ang taong to kasi malamang eh mahuhulaan nyo. Ayun, we don't text or talk (or tweet!) a lot, pero kasi malaking bagay na sakin yung mga bagay na nagpapaalala sakin kay Nanay (na ginagawa nya), and thank you kasi in times like this, mga kaibigan ko talaga yung masasandalan ko. 

Malalampasan ko rin tong board exam na to. Sana bigyan ako ni Lord ng tibay ng loob and sharp memory para mai-top at mai-pasa ko tong NLE. Aba! Walang masamang mangarap na maging topnotcher no. Pangarap kong mailagay yung pangalan ko sa tarpaulin sa tapat ng Tech Bldg tapos mai-feature sa Advocate! Oh yeah! Ayoko muna mag-wish masyado kay Lord, masyado na kasing marami yung hiniling ko sa kanya. Matapos lang tong NLE na to! :))

Good luck Lhea! Panindigan mo yang FUTURE NURSE LEI mo ha!

Wednesday, March 13, 2013

Tapatan 2013

And I'm going to tell him that I like him.

There's no turning back, I need to do it now. At first,  I have no plans of telling him about it. But there's an internal struggle that I must release. Any, I wouldn't ask him anything, I'll just tell him that I like him. That's all.

Ever since, I never asked someone to like me back. I think it's pathetic and not nice to look at. Well, might be a case-to-case basis. Last October, I was able to settle my issues with Joshua, umm, as well as his issues too. I told him that I really like him, but I want to get rid of it because I want to move on. But one of the reasons why I'm still stucked because I still have a lot of unanswered questions. After our serious talk, I finally understood everything. And just like old friends, we tease each other about our craziness. That's it, no dramas and all chuchus.

This time, it'll be different. I'll be confronting someone whom I consider as one of my closest guy friends in college. My partner-in-cover, my instant companion, and an elder brother that I consult with some serious matters. This second sem, I always think twice whether to tell him about it or not. But whenever my friends teases me, I feel like he already knows about it, and he did! I always prayed that he wont act awkward whenever Im around because it'll definitely hard for me to approach him. Knowing that our sections are tag-teams, we will surely be inseparable during our covers. But few months ago, I started to act strangely whenever he's around. Like when he enters or exits the office, I try not to look or notice him. And I rarely talk to him whenever we're inside the office. IDK, maybe my hormones are just acting up. Lately, aside from acting strange, I felt something gushing in my blood. Some kind of energy, neurons, or whatever you call it that makes me feel,.... jealous. HAHAHA, you read it right! I know it's really bad, but that's what I feel. I dont tell anyone about it, and I always try to swallow it up, and ignore it as much as I can. HAHAHAHA. Braaaave! LOL

Moving on, I'll just tell about it then.... ding! Okey, move on! hahahaha

Monday, December 24, 2012

Holiday rundown

Since isa akong napakalaking tamad, iso-sort ko nalang yung topics keme dito :))

Acads:
Seryoso, nakakapagod! Partida 1 month and 1/2 pa lang yan? Buti na lang may Christmas break! Sana may Valentines Day break din! :)

Advo Christmas Party:
Seryoso, sa byahe ako super napagod. Papunta and pauwi, grabe yung dinanas ko (exagge yung grabe ha!). Maria Clara-Morayta-Ortigas-Buendia-Pansol. tapos nagtext si Joshua na sa Morayta daw sya. Malas naman, nagkita pa sana kami. Kaso nakakainis, nagpapaload sakin? Wow, ano kami? Magjowa? Ngek! fast forward! Sa byahe, di ako ma-kalma kasi gagabihin na ako then wala pa akong nabibiling food. Good thing eh updated ako sa ganap ni JH kaya sya na lang inutusan ko. Tapos nung di sya makontak ng madla, ako pa tumatawag. Haynako, call center na akez. Super forward! Pagdating sa venue, medyo nahirapan ako mag-blend sa mga tao. Ewan ko ba? Since may nararamdaman ako sa katawan ko, hormonal imbalance to malamang. Buti na lang eh di ako nag-iisa sa pakiramdam na yun at nag-bonding kami ni Pinsan Marione sa rooftop. Pagbaba namin, wala ng food. Kdie. Halos di ako makasingit as videoke, pila-pila eh. 

Tapos nung may inuman na, uminom na ko para lang may magawa ako sa buhay ko. Lame. Nung games na, ayun nagkandahilo-hilo ako. Tapos may games din samin na outgoing na super tagal kaya inabot kami ng madaling araw. Tss. So ayun nga, nag-swimming na lang ako after with Cindy and Sports tapos may pare-pare session na naman dun sa gilid pero di na ko sumali. Grabe, para akong biik na hinahatak papunta dun kaso ayoko. Hello? Tinatanong pa ba yun? Ayoko sumali kasi andun si JH. Eh baka sabunin ako. Pag minamalas ka nga nman, ako pa unang challenge. Iki-kiss daw ako ni JH. SERYOSO KAYO? Eh syempre conservative ako kaya ayoko. Eh pano kung na-push yun? Jusko, baka nilunod ko na sarili ko on the spot. Pinuntahan pa nya ako sa kinauupuan ko ha. He knows me very well, syempre bilang andami ko na naikwento sa kanya. Kaya nung sinabi ko na "No, JH. You know me", di na nya tinuloy. Pero seryoso number2, iba yung tono ng pagkakasabi nya ng "game". 

Juskupo! Moving on, tinanong ako ni Cindy kung okey lang ako. Well, wala naman akong problema, sanay na ko pag may kalokohan ang barkada kaya napagpapasensyahan. Pero si JH syempre iniisip ko kaya kinausap ko sya. Chill lang naman na usapan, tropa-tropa. Di nga lang napatagal kasi kinorner sya ni Cielo at hanggang nag-inuman na sila hanggang umaga. Samantalang ako, bantay sarado ni Cindy. HAHA. Syempre 19 pa lang ako tapos 21 na sya, halos papasa na syang guardian maliban sa editor ko :))

Nung umaga na, certified bangenge na sya. HAHA. Ume-english na eh tapos iba-iba na facial expressions nya. Nakakatuwa lang. Haha. Naloka ako nung sinabi nya na "Lhea, kakanta pa tayo ng boyband!". naalala pa nya yun? Eh tagal na namin napag-usapan yun ha. Tapos meron pang "Kita mo, kahit lasing na ko nakakanta ko pa yan ng maayos", "Ngayon lang ako nalasing ulit after 1st year", "Aware pa naman ako sa mga ginagawa ko", "Masaya naman. Bawal ba maging masaya?" :)

Nag-split na kami nung maliligo na sya at maliligo na rin ako. After nun, dumiretso ako sa kubo para manuod ng Inuyasha tapos nakatulog ako habang nakasandal si pinsan Marione. Nung nagising ako, andun na si Cindy then lumipat na ko sa girls room with pamangkin Aaron. Paggising ko, exchange gift na! Eh naiwan ko pala yung regalo ko kay Marione! FAIL! :P Binigay ko na rin gift ko  kay Cindy and Sports boys. Umakyat kaming lahat sa rooftop then picture na with the whole advo. 30 pala kami eksakto! Nung medyo nagkakagulo ang people, binigay ko na yung gift. Ayun, masaya naman sya. tapos may picture pa kami na parang bigayan lang ng diploma! HAHAHA.

Nung umalis na yung 1st batch, tumambay muna ako sa may billiards (2nd floor) then nag-videoke with Buts and Jerome. Nung huli, magka-duet na kami ni JH plus rap session pa. Moving on, umuwi na yung 2nd batch then gumala pa kami ng calamba. As usual, kami na naman magkasama. then picture picture dun sa bantayog ni Rizal then SM Calamba. Dami na naman naming napag-usapan pati na mga cake. Since matagal ang food sa chowking, pumila kami para sa cake. Tapos nung pauwi, hinatid nya kami sa sakayan ng bus. Then 2 hours byahe namin. Nakatulog na ko ha, tapos nagising ako, Makati na. tapos nag-jeep pa kami ni rogie. KFINE.

Christmas Shopping
Anlaki ng gastos ko SWEAR! Aabot ata sa 5K. Tepok ako neto. Kaya namumuhay ako ng tipid after christmas. HAHA

Christmas Gala.
Ilang beses na rin ako gumala. Una with Ate Reich, Don, Janice then Bro Franz. Di na ko napagod eh no.

Advices.
Puro love lang naman inaadvice sakin eh. Isa raw akong napakalaking bobo. Sabi nga ni Catherine "matalino ka nga sa academics, bobo ka naman sa love". HAHAHA. Thank you friends! :P Since super vinavalue ko ang sinasabi ng ibang tao, parang gusto ko na gumawa ng aklat. HAHA. Syempre iba pa rin pag may advices. Mahirap maging impulsive, dapat pinag-iisipan lahat ng bagay.

Reminiscing Christmas with Lola and Nanay.
Miss ko na sila. Miss ko na yung simpleng Nochue Buena namin. Magsisimba, tapos uuwi ng bahay na may pancit, sinakol, suman and cake. tapos anlamig pa ng simoy ng hangin. Aww. naiiyak ako. Di na mauulit yun kahit kelan. Naiinggit ako sa mga bata na kasama pa nila nanay nila, sana i-treasure nila yung mga moments na magkakasama sila kasi di mo alam kung hanggang kelan kayo magkasama. Partida super tinreasure ko moments namin pero ang hirap pa rin pala. 

OC attack. 
Since 2 na lang kami ni Ate, malinis na ang bahay. Yuhooo! :D

Katamaran
Di ako pumunta kina Tita Flor. Tinamad ako eh!

----Di man lang pala ako nakapagsimba -_____-

Tuesday, October 23, 2012

Final 1st semester

Sabihin ko man na kalmado, positive and chill ako these past few days, pero tonight, kinakabahan na ako para bukas.

Lemme assess 1st semester

  • Busy sa research. Trust me, di kami makaka-1.25 kung di namin pinaghirapan yun. We failed 4 times and yet tumayo kami more than 5 times.
  • Skipped NOL sessions. Bagong balita ba yan?
  • Skipped NCI-NCA classes. Ang alam ko, once lang ako nawala sa NCA, pero 3 or 4 times ata sa NCI.
  • Better grades in NCM concepts 2 and 4. Yes, di na sya palakol o buntis gaya nung 1st sem last year.
  • A lot more sensitive because of Elective. Oh yeaah! Yan ang subject na lagi akong pinapaiyak.
  • Ngarag sa duty lalo na sa NRMF. Swear, basag bungo ko sa medicine computation.
  • Coverage. As usual, pasok na pasok sa sked ko. HAHA. Kaso ngarag ako kasi laging article ko ang nattsambang hinihintay para maiprint na ang dyaryo. After game, pasa agad.
  • Lumuluwag na turnilyo sa RLE. HAHAHA. Isa pa yan eh! Nagkaroon ako ng "slump" keme.
  • Late na pagdating ni LOVELIFE (edit:CRUSHLIFE!). Ngayong sem lang na to ako nawalan ng lovelife. 1st year 1st sem: Zeke. 2nd year 1st sem: TR. 3rd year 1st sem: Joshua. 4th year 1st sem: ???.. Well, pwede na ring si (deleted 2017) bilang madalas kaming magkasama ulit. HAHAHA. Joke lang. Pero si Joshua talaga eh. Pasulpot-sulpot sya. Pero dumarating sya sa panahong down ako tapos pag nagkausap kami, biglang shoot up ang grades/quizzes/exams ko gaya ng hina-highblood na tao! Yun pala yun eh. Kaso late na talaga sya bumalik ng medyo matagal. Ayun lang.

What went wrong?
  • Yung paasa na grade sa Elective. grabe, may CI akong napa-comment bigla ah. Kasi si Mam ambaba magbigay ng grade tapos wala naman kaming inaatupag kundi lecture. mas mabuti pang nagssharing kami lagi.
  • Yung NCA and NCI na di ko deserve. SRSLY? mas mataas pa sakin yung di pumapasok?
  • NCM. Nakita ko 2 concept grades ko, pasok pa sa 2.25 yun. BAKIT 2.75 lang? parang di ako nag-aral ng matino ah!
  • THESIS: masyadong nagfocus? pati ibang obligasyon nawala?
  • 14 units. IKAKAMATAY KO TO!

Honestly, naiinggit ako sa mga nakakakuha ng line of 1 na GWA. Pero iba naman kaso ko sa kanila eh. NURSING ako. 14 UNITS ang subject ko. Anlaking difference diba? 

Gaya nga ng sabi ni Ate Chin. THINK POSITIVE! :)

Tuesday, September 18, 2012

And I'm so back!

Hello there my dearest blog, ang baul ng aking very brilliant mind. LOL. So ayun nga, I'm so back na. Define pagbabalik. Nakakairita lang kasi puro Joshua-related na naman blog ko, uso mag-move on te!

Time check: 4:20. Wala pa akong tulog at wala pa akong NCP. Lechugas diba? Buti na lang wala kaming duty bukas, Case Pres and Post Quiz :)  Later ko na nga lang gagawin! Define katamaran diba?

Ang aga ko umalis kanina for duty, kasi balak kong tumambay muna sa Starbucks at gumawa ng NCP. Binayo kami ng ulan bandang Commonwealth, but di naman binaha dun sa may Regalado. Phew! Kasabay ko naman sina Chels and Muri nun. Then tumambay kami sa Starbucks hanggang 3pm :)

Rejoice! Di natuloy i-discharge yung patient ko. HIHI. Atleast naalagaan ko pa sya. LOL. :) So nag-VS ako, and sumama si Ana. Aba! Inunahan pa akong kamustahin si AJ! (Patient ko) Tapos eto namang si Aps eh kung anu-anong tinatanong kay AJ at dinadamay pa ko. Kaloka. Parang ike-case pres lang sa dami ng tanong. Chinika ko rin sya about acads. GOSH! May plan sya mag-MED! Parang bet ko rin eh! :)) Para classmates/seatmates kami! Kumusta naman yung surname nya diba? AJ Bago, tapos LJ Bagona naman ako. HAHAHA. Meant to be! On the other hand, tahimik sya at mahiyain pero parang naging comfortable naman din sya sakin after ko kausapin.

Moving on! Ayun, di ko akalain na last day ko na pala sa FEU-NRMF kanina. Since nganga kami after paperworks, todo Twitter naman ako. From Koko, You, Ate Isai, Zee, Ate Bien, andami ko ng naka-chat and natweet. Tapos nanghingi pa si Russel ng number ni Sir Ian. Hahaha.

Nung dinner naman, di ko naubos food ko, di ko kinaya yung Katsudon. Tapos usapang buhay and kalokohan naman kami ni Ate Rej. pagbalik ng duty, VS ulit and kinausap ko na naman si AJ. (READ: Nakita ko number nya sa chart!). GC pala sya! Sigurado matalino to. Actually, GC naman ako, di lang ganun kalakas pagka-GC ko :P

Lahat yata ng girls sa group namin, bet si AJ. Sorry, patient ko syaaa :)

Nung pauwi, nag-resume na naman yung banatan namin ni JA. HAHAHA. Nung pauwi naman ako, mag-isa na lang ako syempre. Naka-chat ko na naman si Mark Espiritu aka Maju kanina. 2 nights na kaming magka-chat at usapang thesis, cartooning at duty kami (buhay 4th yr indeed). Tapos kaloka pa mga hirit nya.

"Lhea, pa-share naman yung picture (fashion show) sabi ni (James) Soteco"
"Lhea, gawan mo raw si Soteco ng medical certificate"

Haha, napakabuting kaibigan indeed. Haha, at may pagsambit sa pangalan ni Soteco. (Note: Crush ko kasi yung barkada nilang si James Soteco, though akala ng mga taga-Advo eh si Mark ang crush ko. HAHAHA Example ng maling akala: Armen)

Shinare ko naman yung photo, tsaka mas nauna akong nagshare kesa dun sa message ni mark. then yung sa medCert naman, sabi ko "sana sinabi mo agad! may RX pad sana kanina eh! :P). Since di naman ako pwedeng mag falsify, inendorse ko na lang yung Recto. HAHAHA.

Nakakainis, galing akong duty sa Oct 3. Di bale, uuwi ako't maliligo ulit  para di ako bad hair day na manunuod. Malay natin andun si James! :P Pero pupunta talaga ako dun para sa mga friends ko (Pat, Yon, Rits, Mark, Anjo). tsaka di rin ako nakapanuod last year kaya babawi ako ngayon!

Saturday, August 4, 2012

Absences

Yes, I'm very particular with my absences for this year. Actually, nung 3rd year-1st sem, once lang ako umabsent (Ethics, Humanities, Rizal, all in one day) dahil sa FEU-Adamson Semis Game 1. Ako kasi yung nag-volunteer na magcover nun bilang puro majors ang klase nina Tito Ace and Cindy. Pero, super dami naman ang absences ko sa NOL. HAHAHA. Diba sabi ko nga kanina eh "very particular" ako, eto tuloy, nililista ko mga absences ko.

NCM
1st day of classes pa lang eh wala na ko dito kasi tinamad ako bumangon. HAHA. Gandang rason diba? So natulog na lang talaga ako nun. :)

Elective
Same din with NCM. Dalawa lang kasi subject ko nung 1st day eh :)

NCI
Umabsent ako dito dahil sa FEU vs Adamson game last week. Eh kasi naman, di talaga ako manunuod. Eh kaso pagdating ko ng office, nag-aya si Armen, ayun absent na tuloy. Hirap talaga umayaw sa barkada :))

NCA
Absent ako nung Thursday! Almost 1:30 na kasi natapos yung media prep  namin for research, tapos nag-lunch pa kami ni Ate Reich kaya ayun, di na ko nakapasok.

Research
Sa lahat ng di ko papasukan, eto pa? Actually, sarap ng tulog ko kaya napabayaan ko to. Super kaba ko kasi may quiz yata kami. IM DEAD! Tapos di pa nagrereply yung Co-Leader ko, kaya feeling ko galit sila sakin. Waaaaah.

NOL
Kailangan pa bang isama to? Ayun, as usual eh lagi akong wala dito. Pero sorry na lang, 3 lang absent ko dito, out of 6 :))))


--Sorry na, napakatamad ko yatang bata. Di na ko papasobra ng absent dyan. SWEAR! :)

Tuesday, July 17, 2012

Of disappointments

Last week seemed to be the most disappointing week of my life. Thing didn't go well especially in my academics. Yes, I got zero on my Medical Calculation practical quiz, and got 50 on the other one. I'm afraid that I might have a Revalida before the end of the sem.

What went wrong?

Well actually, I chose to sleep rather than to review. I prioritized my physiological need rather than the other one. I took things too lightly, maybe because I think it's easy. I don't usually fail in our skills lab, which seems to be my forte even before (exclude Health Assessment here). I think, maybe because of the type of practical exam why I failed. Well, I think so. I just need to bounce back next week. I dont wanna be late again or to have a failing grade. I will do my best this time. Swear!

I will also study my lessons on NCA, I will not take it for granted again. I'll prioritize my obligations well.
----

Come Friday, everything's changed. I was really enthusiasted in our new concept in NCM which is Communicable Disease. Our professor described herself as a terror teacher, but I dont see her like that. Maybe she just wanted us to do our best and study more in her concept. She did asked a lot of questions during the start of classes, and me being the "best in recitation" kid (hahaha, no doubt!), I always raise my hand and answer her. She gets irritated when everytime she throws new questions, and no one raises their hands, except mine. :)

HAHA. I hope I'll have good grades in her concept :D

---
And yes, I missed blogging here!

Sunday, May 13, 2012

It's been a while :)

HA! Kumusta blogspot? Anyare? Anong ganap? KGOPUSHTHATBUTTON.

Ang baliw-baliwan ko lang diba? So ayun nga sabaw pa rin ako. Two consecutive days na akong nagccover. HAHA, ako na busy ngayong summer. Kaso, ewan ko, parang di ko bet magsulat or di pa pumapasok sa sistema ko na gumawa ng article. Dedbols ako neto kay Madam SE :)))

Ayun, bilang patapos na ang summer classes, feeling ko eh busy pa rin ako. Bakit kamo? Kasi nga... Busy ako :))) In some way, kelangan kong i-enjoy tong busy-busyhan peg ko. HALAAAA, last 2 sems ko na sa FEU teh!

Bilang ngayon pa lang eh pinagpaplanuhan ko na ang upcoming life ko after grad (GAGRADUATE AKO,K!), feeling ko eh busy pa rin ako. Siguro ako na yung taong excited gumraduate pero di ko kayang iwan ang FEU. If ever kasi na di ako aalis ng FEU, ganito ang ganap ko.

1. Magma-masteral ako sa IN. (Batopkors!)
2. Kukuha ng units for masscom.
3. Keme pa rin sa sports or uaap (let us not define keme as of the moment)
4. Magwwork sa FEU (haha, wala akong maisip)

And if ever na di ako mag-aaral ulit...

1. Will look for a media-related work (writing, etc. Sana naman sports related pa rin!) Pwede na rin sa mga teen magazines or Sports mag na rin (but before that, kelangan ko munang tapusin yung sophomore  jinx ko. K)
2. Work as a nurse sa Palawan (pero pwede naman ding sa Manila. Jusko, mamimiss ko buhay ko dito!)

Ngayon pa lang, puno na check list ko. Any, I dont wanna work agad as a nurse (pero syempre mag-eexam muna ako, kukuha ng BLS and IVT license ) kasi gusto ko munang maexperience yung ibang trabaho. Kumbaga, eto yung BAKASYON ko. Si papa naman kasi, gusto akong maging certified bum after college. Helooo? Magtatamad-tamaran ako for 2 years? NAMAN! Eh atat na akong gumastos ng sarili kong pera. HAHA, pera agad iniisip ko eh no.

Sa ngayon, marami na agad plano si Mommy para sakin and happy naman ako na atleast may sure job na ako. Pero sana kahit 2 years man lang eh makapagstay pa ako rito :)

Moving on, dahil sa masyado akong excited gumraduate.. ANAR na TE? Yan ba leader ng CASE PRESS at THESIS? San na yung gram staining kemper mo? Kumusta na yung pathophysio? EK? 9pm na! I must sleep na mamaya dahil 4am ako magigising tapos duty pa ng 6am- 2pm. Tapos  kung kelan pauwi na kami, dun pa dumarating yung pasyente! HAHA.

Share ko lang, ansaya ko last week sa duty, kasi 2 kami nung groupmate ko na nag-explain ng lahat ng keme dun sa Emergency Room. Napalaban kami sa english! RN-slash-CI-slash OB Gyne yung bisita namin from China :) Tapos nakapag-ECG twice! Yung una, kasama ko pa si Ana dun sa private ward. Tapos yung sunod naman, emergency case! So ako na lahat, from vital signs then ECG! Kelangan pala mabilis sa ER. ANd Im quite enjoying ER na rin. Dati kasi bet ko yung Delivery or Operating Room :) MAhilig ako sa madugo eh.

So guys, bye bye na. Ittry ko gumawa ng article tonight and kukumustahin ko muna mga staffers ko, este groupmates ko. HAHA. BYERS! :D