Thursday, March 15, 2012

Eto na naman tayo

KUMUSTA na Lhea Jane Socrates Bagona, the future RN?

AAAAAAH! Eto na naman ako sa pagiging fail ko. And for the nth time this sem, LATE na naman ako sa pagpasa. EEEEEEEEEH :(

Anyare sayo Lhea? Nagawa mo na lahat, kumain, natulog, nagpahinga, at nagmall ka na, pero waley ganap pa rin? Gawa-gawa din, okey?

Sunday, March 4, 2012

Decisions

HELL WEEK? Naaah. :)

First, bakit ba Decisions ang title ng blog ko? Umm, wala lang :D

IDK kung alam ng lahat na dream ko mag-CSR for FEU kaso maraming di pwede. First, NURSING ako: hectic sked, thesis, plus acads. Second, Di talaga pwede, FOR NOW.
 
That CSR dream started when I was still in 2nd year, then 3rd year 1st sem, and ngayong birthday ko. Me and my bestfriend were watching UAAP, then biglang nag-commercial for CSR auditions. So my BFF insisted that I should give it a try; send resume and hope that I would get a call back. I told her na di pwede dahil nga sa mga reason na nabanggit ko. Pero sabi niya, i-try ko lang daw, wala namang masama and experience naa rin once naka-graduate na ako and mag--aapply ako. 

I told Sir Ian about this thing (dahil tinanong niya ako dati kung gusto ko raw sumali) and asked me to come to his office. He explained to me the drills on the courtside and showed me some videos in the huddle and some practice reports by Andy before. He asked me to make a short report and deliver it. Medyo ma-technical yung gawa ko, more likely parang article (siguro dahil sanay ako sa ganun). And then, he also took a video of me while doing the reporting (di ako comfortable magsalita sa harap ng camera. HAHA). Ang awkward tignan nung mukha ko eh, naka-duty uniform ba naman. I know that its really difficult to speak in front of camera and make a report right away. Aminado akong mabagal akong magsulat :D And the way I delivered the report, kulang sa confidence and parang di ko pa "performance level". Maybe I should practice more in front of the mirror.

Nung nalaman ko na yung pre-screening, which will be on Wed, di na ako umasa. Yeah, may duty ako. And besides naalala ko na "Oo nga pala, sasali alng ako sa pre-screening pero wala akong balak sumali ngayon. I'll be attending the pre-screening for 'experience'". magkaganun man, nag-practice pa rin akong magsalita kanina. HAHA. The last time I did some reporting was way back Sept 2010 for our Speech class. It was a Sports reporting and I got 100%. Nakalimutan ko na nga lang yung comment ni Mam pero she was happy  that our team did very well.

This week, sabay yung Revalida and Editorial Exam plus NOL pa. Basag na utak ko nun panigurado. It'll be my second time to take the Sports editorial exam and medyo expected ko na yung mga tanong dun (if ever di magbago :D) Actually, wala akong planong mag-sign up for the exams (teka, di naman kami nag-sign up last year eh!) dahil sa andaming aasikasuhin next year. Di niyo ako masisisi kasi ako yung tao na mas iniisip yung mga mangyayari if ever (ugaling namana ko kina Lola at Nanay, ganun mag-isip yung mga yun, ADVANCED!). At dahil nga sa explanations ni Ate Reich, nagkaroon ako ng second thoughts. Napaisip ako sa sinabi ni Juneys na "yung ginagawa mo yung isang bagay tapos di mo alam kung ano ba talaga yung dahilan kung bakit mo ginagawa yun", (parang ganun). Iniisip ko, bakit ko nga ba ginagawa/gagawin to? Wala pa rin akong maisip na dahilan actually. Magte-take na lang ako ng exam, bahala na kung may maiisip ako na dahilan o wala. Maybe preoccupied lang talaga utak ko sa acads dahil sa bebe NCA ko, tapos dumagdag pa si Thesis lecture (partida isang fail na quiz lang at 2% decrease sa exam yung ganap dun?)

Kaya ko sineseryoso yung acads ko kasi ayokong iwan yung tinuturing kong 2nd home and family ko, and ayokong tumagal pa sa FEU, gusto ko na gumradweyt! Iba pala talaga yung pressure pag malapit ka na sa finish line. Kaya naiintindihan ko na sina Dairen, Kuya Bill, Beatty, Nikko at lahat ng mga graduating ngayon.


Oh well, EXAMS (acads), REVALIDA, and DEFENSE na muna aatupagin ko  ngayon. Next year na si CSR at sa saturday na lang si ED EXAM. HAHA :D
 

Saturday, March 3, 2012

Hey MARCH!

KUMUSTA naman MARCH?


Grabe, feel na feel ko na ang buwan na to. Kung last month eh emotional ako, ngaayon naman eh NGARAG. Kelangang mag-double time para humabol sa grades. Ganun talaga! :)

So ayun nga, sinimulan ko ang buwan na to sa NOL. Feel kong tagilid ako dito, aminado ako, kaso kelangan kong gumalaw na. Eto yung consequence dun sa katamaran ko eh. Sana kahit matapos ko na lang yung Fundamentals, MCN and Psych Nsg. May time pa naman ako. Wala akong masabi sa session kanina, di ako inantok! :))))

Sa Nursing Research naman, nagkakagulo na kami. Sorry naman, 3 groups na raw kami. HAHA. Mabuhay si Azel! :)) Medyo nakakainis lang yung group leader namin, imba yung pagka-authoritative. Nag-eeffort akong maintindihan  siya pero iba lang talaga ugali nun. Di siya madaldal pero iba trip niya sa buhay (pake ko sa trip niya sa buhay), tapos madali maimpluwensiyahan, pero matigas ang ulo, taklesa, akala niya siya lang nag-iisip.Pasensiya naman daw, parang hindi mga GC yung mga ka-grupo niya diba? Then, paagkatapos mong magpakapuyat sa &*%$+@!?^ thesis, sasabihan ka pang di nag-iisip? eh &*%$+@!?^ ka! Siya kaya utusan kong gumawa ng article, tignan natin kung makakagawa siya nun. Wagas lang umasta eh. Tapos isa pa, grabe makapag-reklamo, mapa-member man siya o leader. Ewan ko ba, dinadaan sa TANDA yung pagli-lead ng grupo namin pero kung sino pa yung umaastang MATATANDA, yun pa ang kulang sa MATURITY. Grow up KIDDOS, learn to adjust to your members, BITCHES.

Kung di  lang ako busy sa ibang bagay, ako na talaga yung magle-lead ng grupo namin. Kaso, how will you lead a group na maraming nagmamagaling, nagpapaka-leader, na utang na loob pa namin na ginagawa niya lahat. Buong buhay ko, leader na ako sa grupo na kasama ako, pero kasi ni minsan di ako nagmalaki na AKO YUNG GUMAWA NG LAHAT. Kahit ako man gumawa, GROUP EFFORT pa rin paningin ko dun. Kumbaga, wag mong solohin ang lahat, kaya nga group eh. Tapos yung iba nagmamalinis pa, nakakainis diba?

MOVING ON!

Nursing Research lec naman, 2.75 ako dun. From 81.6, naging 76.9 (75 kasi base namin). Kainis diba? isang bagsak na quiz at exam lang, bumaba ng ganun? Tapos sasabihin pa ng group leader na ibabagsak niya kami sa peer eval? Subukan niya!

Yung NCA lec naman, tinulugan ko  na naman kanina. Buti lang nung hapon, nag-Moonleaf ako kaya di ako inantok sa NOL. HAHA, gising diwa ko eh :D Sayang lang nung nag-exam kami, 1 na lang at 50 na ako. :|

Kahit gusto ko ng BB, iPad, D&G Light Blue perfume, hindi ko na hiningi kina Mommy, Papa at Lola, PRAYERS lang yung hinihingi ko. Alam ko namang darating din kami sa regaluhan part pero kasi mas importante to, STUDIES to eh. I dont wanna falter kung kelan malapit na ako. Konting kembot na lang eh! Tsaka maraming maaapektuhan pag bumagsak ako eh. Alam mo yung may babalikan akong subject, yung nag-iisang subject na di ka makakagraduate kung di mo maipapasa yun. BASTA! Kelangan kong pumasa, PAPASA AKO! :)

Wala na rin  akong problem sa section namin maliban lang dun sa nai-confide ko kay Tito Juneys last time. Yung exam na ite-take ko for the second time yung hot topic ngayon. Buti lang di na kelangan magreview dun ah :DD

Dumako naman tayo sa usapang lovelife. EH? Magkatext na naman kami ni Joshua. EK? Nagsimula to nnung birthday ko, tapos natapilok siya kagabi at tinext ako to seek help. PERSONAL NURSE?? Pasalamat siya mabait ako. Sinabihan ko naman kung ano gagawin niya dun sa sprain niya. Ke malas na tao, kung kelan niya balak makipaglaro sa FEU Gym kinabukasan, dun pa natapilok ang loko. HAHA. Paraan na ni God yun na kami maaksidenteng magkita around Morayta. Aba, awkward yun ah. Pero mass masaya lang talaga pag nakasalubong ko siya na may kasama ako, kahit sino basta boylet. HAHA :D Bitterness aside (BITTERNESS ASIDE???), di naman ako apathetic sa kanya nung nagkakatext kami, siguro mas iniisip ko yung mga itetext ko sa kanya. Mahirap na,  baka isipin niya eh pinapatulan ko kalandian niya  sa katawan. Pasensya na, di kasi ako malandi eh :">

Tapos, eto yung balitang mainit-init pa. (Para sayo 'to Dairen! :'> ). May nakakagulat na tanong lang kasi si Dairen sakin kahapon, kung crush  ko raw ba itong si friend (hulaan kung anong institute to). :D So natawa lang ako kasi wala talaga, siguro dahil lang sa kinukulit ko yun nung nakaraan. Eh mas natawa ako kasi ibinalik niya yung time na tinanong niya ako about JH, eh medyo aminado akong di ko sinabi yung totoo kay Dairen :)))) Kinwento ko sa friends ni friend  yung sa tinanong ni Dairen, (ang daldal ko lang diba? sorry naman daw, di ako nahiyang i-share kasi di naman talaga totoo). Yung sinagot nung mga friends niya "Di naman si friend yung gusto mo eh, yung FRIEND nung si friend", HAHA, tapos sabay kain sa Hepalane :)))


Pagkatapos nung exam and revalida, papagupit ako ng bangs (di na full bangs ah!) at magpapa-rebond (kung may extra money) :))))


Si Lord  na bahala sakin, magpupursigi  ako this finals :)