Showing posts with label Juneys. Show all posts
Showing posts with label Juneys. Show all posts

Monday, January 7, 2013

#ICAPSLOCKMOPARAINTENSE

These past few days, di ko maintindihan sarili ko. Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin? Signs of aging na ba to or what?

Earlier, asa duty ako sa QI. I seem so okay naman pero nung dumating ako ng FEU, I don't know what happened. Bigla na lang akong nagbehave na parang wala sa sarili, KJ. 6pm ako dumating sa school tapos mga 6:20 lumabas ako sa EB pav at natulog. Sakto nagising ako eh 7:30 na then bumalik nung andun na si Janice. Asa office nun ang Sports (cindy, rogie, rj), Photos (armen, marione), EB (jerome, etc). Low-pitched pa naman boses ko kanina tapos sabay sabi na "Tara, uwi na tayo (Janice). Mata-traffic pa tayo" sabay labas. So nagmukhang nag-walk out ako, na kung ide-describe ni Jerome ay "storm-out exit." Actually I don't mean to do that "storm-out exit" thing, kaso feeling ko I'm in an awkward situation na di ko maintindihan. Since asa labas na ko, diretso CR na lang ako nun. And napagtanto ko na ang bobey ko for leaving the office like that. Ano na naman ba pumasok sa utak ko? Kumu-quota na ko sa pagiging bobey. Bumalik lang ako ng FEU para may makasamang mag-milk tea sa Moonleaf. Tapos nung inaaya na ako ni Don, ayoko pang sumama. "What's going on, Lhea?" tanong ni Facebook. Nung pauwi na, ganun pa rin ako, walang pagbabago.

pagdating ng apartment, napahiga na lang ako. Super blanko utak ko. Ewan ko ba? Napa-facebook na lang ako sabay nood ng 2012. I even texted Joshua pa pala, telling that I'm not okay (well, as if he really cares, or wala na namang load since single na naman ang lalaki). Si Jerome lang talaga yung naglakas-loob na nagtanong sakin tungkol dun sa ganap ko kanina. Hayy. I even shared some hints in Twitter that Im not okay. Minsan kasi pag nasanay na yung ibang tao na lagi kang okay, di na rin nila namamalayan kung kelan ka hindi. It happens to me all the time. Sometimes I really hate people na nandadamay ng kabadtripan nila sa mga taong walang alam. Well in my case, I'm having this internal struggles that i cant even explain.

Super pili lang ata mga nakausap ko ng medyo matino tonight. Yung iba, one-liner reply lang, yung iba trip ko lang replyan, may mga importante lang talaga, etc. Nagtext si JH dahil dun sa 2012 at resmet nya, na nireplyan ko lang ng isang nursing-related thing, si Ate Chin na iniisip na baka hormonal imbalance lang ang ganap ko, at si tito June Ace na gusto kong makausap kasi andami ko ng utang sa kanya :)))

May mga bagay pa akong ayaw ko pang i-share dito kasi baka matingnang rason kung bakit ako nagkakaganito (which is, di ko alam kung related ba o hindi).

Hayy, sana hormonal imbalance lang to, sana normal lang to. Siguro stress lang o kung ano pa man. hayy.

Monday, November 5, 2012

Cuddle time XD

--as popularized by Ji Hoo (just ask me if you dont know him)

Recently, madalas kaming magkatext (though tonight eh waley, pasukan na eh) bilang sembreak :) I admit, i'm a Miss Know-it-All (pag writer ka, may ganyan kang mentality. Akala mo lahat ng words, alam mo), pero mas napatunayan kong well deserve ko pala ang pagiging Auditor ng Bobey Soc na founded ng batch namin sa Adbokeyt! :)

Me: Uy, miss ka na ng plates mo!
JH: haha, ayoko na sa kanila.
Me; haha. :) Bat di ka pa tulog?
JH: Wala. Sawa na sa unan. Hahaha XD
Me: Ha? bakit naman? Di ko gets!
JH: Cuddle time! XD
Me: Ek? matutulog ka na?
JH: Walaaaa XD

Siguro narealize ni JH yung kabobeyan ko. Kinain ako ng buo eh! :)

So kinabukasan, nasa bus kami papuntang Batangas with Ate Reich, Ate Lora, and Ate Criz. Then I randomly asked Ate Reich kung ano yung meaning ng cuddle time. And she said, "Lambing", "hug", parang ganun. Then I said to myself, "Gosh, ang bobey ko. Yun ba yun? Akala ko matutulog na. Parang meme!". And the three of them laughed so hard! Grabe, ganun ako ka-bobey! Kaya pala ganun reply ni JH sakin.

Nung gabi ring yun, I told JH that I misunderstood his 'cuddle time" reply, and he just said HAHA and talked about another topic. EPIC!

Moving on, nung sumunod na gabi, I always tease him the 'cuddle time" thing until he told me something that made me think deep. At di kinaya ng powers ko kaya kino-coach ako ni Ate Criz. Nanay Lora told me "Di pa nya alam kung anong gusto nya. Wag ka munang umasa." Tapos si Ate Criz kase, imba mga one-liner nya eh, sakto nasa beach kami nun. :)))

Kanina, meeting ng Sports, nakwento ko sya sa mga co-staffers ko. Then and unang nagreact eh ang June Ace reinvention na si Justine. "Ate Lhea, iba yan ha! Ang meaning ng cuddle time saming mga lalaki, lambingan, lampungan. Parang ganun. Basta ganun yun! (laughs)". So parang may something lang talaga ata dun sa cuddle time na yun. SRLSY. Pero ayokong umasa teh ha!

And just recently, medyo lumuwag na yung passages ng utak, at cardio-respiratory system ko kay Joshua. Tapos may isang Joshua  na naman sa buhay ko. Joshua Sar** sya. tapos Joshua Sarinas naman yung isa. BUHAY NGA NAMAN! Pero pag nakikita ko name ni Joshua2 sa bbm ko, si Joshua1 yung naiisip ko and parang ineexpect kong nagreply (eh magkahawig pa naman!)

Honestly, kinakabahan ako dito kay Joshua2 na to eh. Iba pakiramdam ko, parang takot ako sa maaaring ganap. HAHAHA. I mean di ko naman sya gusto eh, kaya hinahayaan ko lang sya. Tsaka mahirap na, may nabanngit na sakin na something yung friend ko. hahahaha Kay Joshua1 kasi, best of friends kami eh, so parang ang problema dun, ni-risk lang namin friendship namin (may closure na kami so ayos na!). kay JH naman, comfortable ako sa kanya. Well, lagi kaming magkasama sa school and sa labas ng school tapos makwento sya sakin and tropang tropa kami. Medyo nag-aalala lang ako kasi feeling ko alam na nyang bet ko sya (buong org na nga nakakaalam, tapos sya di nya alam? Naka-anesthesia lang?) :D


Saturday, March 3, 2012

Hey MARCH!

KUMUSTA naman MARCH?


Grabe, feel na feel ko na ang buwan na to. Kung last month eh emotional ako, ngaayon naman eh NGARAG. Kelangang mag-double time para humabol sa grades. Ganun talaga! :)

So ayun nga, sinimulan ko ang buwan na to sa NOL. Feel kong tagilid ako dito, aminado ako, kaso kelangan kong gumalaw na. Eto yung consequence dun sa katamaran ko eh. Sana kahit matapos ko na lang yung Fundamentals, MCN and Psych Nsg. May time pa naman ako. Wala akong masabi sa session kanina, di ako inantok! :))))

Sa Nursing Research naman, nagkakagulo na kami. Sorry naman, 3 groups na raw kami. HAHA. Mabuhay si Azel! :)) Medyo nakakainis lang yung group leader namin, imba yung pagka-authoritative. Nag-eeffort akong maintindihan  siya pero iba lang talaga ugali nun. Di siya madaldal pero iba trip niya sa buhay (pake ko sa trip niya sa buhay), tapos madali maimpluwensiyahan, pero matigas ang ulo, taklesa, akala niya siya lang nag-iisip.Pasensiya naman daw, parang hindi mga GC yung mga ka-grupo niya diba? Then, paagkatapos mong magpakapuyat sa &*%$+@!?^ thesis, sasabihan ka pang di nag-iisip? eh &*%$+@!?^ ka! Siya kaya utusan kong gumawa ng article, tignan natin kung makakagawa siya nun. Wagas lang umasta eh. Tapos isa pa, grabe makapag-reklamo, mapa-member man siya o leader. Ewan ko ba, dinadaan sa TANDA yung pagli-lead ng grupo namin pero kung sino pa yung umaastang MATATANDA, yun pa ang kulang sa MATURITY. Grow up KIDDOS, learn to adjust to your members, BITCHES.

Kung di  lang ako busy sa ibang bagay, ako na talaga yung magle-lead ng grupo namin. Kaso, how will you lead a group na maraming nagmamagaling, nagpapaka-leader, na utang na loob pa namin na ginagawa niya lahat. Buong buhay ko, leader na ako sa grupo na kasama ako, pero kasi ni minsan di ako nagmalaki na AKO YUNG GUMAWA NG LAHAT. Kahit ako man gumawa, GROUP EFFORT pa rin paningin ko dun. Kumbaga, wag mong solohin ang lahat, kaya nga group eh. Tapos yung iba nagmamalinis pa, nakakainis diba?

MOVING ON!

Nursing Research lec naman, 2.75 ako dun. From 81.6, naging 76.9 (75 kasi base namin). Kainis diba? isang bagsak na quiz at exam lang, bumaba ng ganun? Tapos sasabihin pa ng group leader na ibabagsak niya kami sa peer eval? Subukan niya!

Yung NCA lec naman, tinulugan ko  na naman kanina. Buti lang nung hapon, nag-Moonleaf ako kaya di ako inantok sa NOL. HAHA, gising diwa ko eh :D Sayang lang nung nag-exam kami, 1 na lang at 50 na ako. :|

Kahit gusto ko ng BB, iPad, D&G Light Blue perfume, hindi ko na hiningi kina Mommy, Papa at Lola, PRAYERS lang yung hinihingi ko. Alam ko namang darating din kami sa regaluhan part pero kasi mas importante to, STUDIES to eh. I dont wanna falter kung kelan malapit na ako. Konting kembot na lang eh! Tsaka maraming maaapektuhan pag bumagsak ako eh. Alam mo yung may babalikan akong subject, yung nag-iisang subject na di ka makakagraduate kung di mo maipapasa yun. BASTA! Kelangan kong pumasa, PAPASA AKO! :)

Wala na rin  akong problem sa section namin maliban lang dun sa nai-confide ko kay Tito Juneys last time. Yung exam na ite-take ko for the second time yung hot topic ngayon. Buti lang di na kelangan magreview dun ah :DD

Dumako naman tayo sa usapang lovelife. EH? Magkatext na naman kami ni Joshua. EK? Nagsimula to nnung birthday ko, tapos natapilok siya kagabi at tinext ako to seek help. PERSONAL NURSE?? Pasalamat siya mabait ako. Sinabihan ko naman kung ano gagawin niya dun sa sprain niya. Ke malas na tao, kung kelan niya balak makipaglaro sa FEU Gym kinabukasan, dun pa natapilok ang loko. HAHA. Paraan na ni God yun na kami maaksidenteng magkita around Morayta. Aba, awkward yun ah. Pero mass masaya lang talaga pag nakasalubong ko siya na may kasama ako, kahit sino basta boylet. HAHA :D Bitterness aside (BITTERNESS ASIDE???), di naman ako apathetic sa kanya nung nagkakatext kami, siguro mas iniisip ko yung mga itetext ko sa kanya. Mahirap na,  baka isipin niya eh pinapatulan ko kalandian niya  sa katawan. Pasensya na, di kasi ako malandi eh :">

Tapos, eto yung balitang mainit-init pa. (Para sayo 'to Dairen! :'> ). May nakakagulat na tanong lang kasi si Dairen sakin kahapon, kung crush  ko raw ba itong si friend (hulaan kung anong institute to). :D So natawa lang ako kasi wala talaga, siguro dahil lang sa kinukulit ko yun nung nakaraan. Eh mas natawa ako kasi ibinalik niya yung time na tinanong niya ako about JH, eh medyo aminado akong di ko sinabi yung totoo kay Dairen :)))) Kinwento ko sa friends ni friend  yung sa tinanong ni Dairen, (ang daldal ko lang diba? sorry naman daw, di ako nahiyang i-share kasi di naman talaga totoo). Yung sinagot nung mga friends niya "Di naman si friend yung gusto mo eh, yung FRIEND nung si friend", HAHA, tapos sabay kain sa Hepalane :)))


Pagkatapos nung exam and revalida, papagupit ako ng bangs (di na full bangs ah!) at magpapa-rebond (kung may extra money) :))))


Si Lord  na bahala sakin, magpupursigi  ako this finals :)

Wednesday, February 15, 2012

Breathe *

I started my day with Volleyball, haha, di kasi ako pumasok ng NOL eh :D

I was with Ate Reich Makayan today because she invited me to watch Volleyball with her. I wasn't supposed to watch, but since malakas sakin si Ate-slash-Tita Reich, eh sumama na rin ako :) We watched Volleyball, and talked during the game. Iba talaga pag Nursing ang nagsama, madaldal :))) After the game, the whole Advocate members who watched and covered (Cindy, Yon, Meyor, Kuya Ram, Don) and the Zwitterion Editors (my sib Jaimer and his co-ed Romeo) gathered outside the dug-out. So parang nagkulitan lang kaming lahat dun then interviewed Coach Nes. Isinabay na rin kami ni Sir Ian pabalik ng FEU. We all had a nice talk and was able to reflect ourselves since Advo alums yung nagsasalita samin. I realized many things and sana magbago na ako. :)

Then, we spent some time sa Advo office with Ate Reich pa rin and then she helped me with my article about track and field. We also roamed around FEU and ate dinner at McDo. Nagkwentuhan kami for almost an hour and bumalik ng office. After that, me and Ate Reich talked. Iba pala pag kapwa IN mo yung kausap mo and at the same time naiintindihan ka niya kasi pareho kayo ng pinagdaanan and naisshare din niya yung mga napagdaanan niya noon na pwede kong maexperience ngayon. I feel so relieved kasi nakahanap ako ng taong naiintindihan ako. Nailabas ko yung lahat ng gusto kong sabihin pati yung guilt sa puso ko. I saw June Ace na palabas ng LB, since super guilty ako sa pagiging cause of delay ko, I hugged him and said sorry. Nagui-guilty ako na late ako, and alam kong he's not in a good mood last night. Parang gusto kong maiyak kanina so i hugged him tight, and I felt that he's not just my editor, my friend, but an elder brother who's younger than me but acts more matured than I am. I thank him for being so understanding, kaya I must do my best before this sem ends.

DILEMMA: di ko nagawa yung RRL ko. So, kelangan kong gumawa ng palusot bukas :"D gagawa na lang ako ng iba para makapag-compensate dun sa pagiging late ko. And because of that, i'm gonna pay 170 pesos. ANG MAHAL! Well, buti yun lang yun :D So bukas, papasok ako ng NOL! K! :)))))


go back to work lhea! :)

Friday, February 10, 2012

One big check for a day well done!

My day started at 7am since nagreview ako for PolSci. Revenge ang ganap ko dahil gusto kong bumawi sa fail Prelims ko. Then nakaramdam ako ng antok so I slept again. I woke up at 11:30 am (in my phone) then saw a shocking text from Eli na "proclamation na!"

Lhea as the Bangag Person
Bilang bangag pa ako, BIHIS agad para pumunta ng FEU. Pagdating ko, dumiretso agad ako sa Freedom Park to interview IABF Sandigan President. Since alone lang ako, I decided to go to Advo office to look for a photographer and my partner, Sam. Habang nagmamadali akong maglakad along LB covered walks, nakita ko sina Russel (Escoto) and Mike (Tolomia) na nakaupo just like the other students (hindi po sila pinagkakaguluhan kanina), so hindi ko na sila pinansin pero alam kong nakita nila akong bangag na naglalakad ng mabilis sa tapat nila na mukhang wala sa sarili.

Good thing, nakita ko si Nikko sa may EB so hinatak ko na siya para ma-picture-an yung sa assignment ko. Ayun nga, kami na naman ang magkasama ngayong election just like last year. We headed first sa Lovers Lane para alamin yung ganap dun then diretso FP para interviewhin si Marvin Santiago. Sandali lang yung stay ko dun since kina Kuya Mosh ako nagpaalam for interview (and I think kilala na ata niya ako). The interview went smoothly. Seems that Mr. Santiago was ready to answer my question. I didn't hear any vocal fillers during my interview. And after Nikko took them pictures, we left and thanked them. Back to Lovers Lane, and kasama na namin sina Dairen, Buts, Cindy. Since wala yung partner ko, it still my task na interviewhin yung naka-assign sa kanya. (ba't ganun? every year na lang akong walang kasama?). So it's Ms. Pelino whom Im going to interview next but someone intervened while the former delivers her answer. And that respectable guy (hmm, nakakaramdam ako na baka ma-infocus tong post ko na 'to. DISCLAIMER: (from a very known person's blog [just finished reading his controversial post])When I'm blogging, I'm just an ordinary student.) asked for a 5 minutes thinking time for Ms. Pelino's preparation to answer my question and added "dati naman kasi, binigyan din ako ng 5 minutes to think". And yes, knowing me naman, I said "Okey lang", but honestly I find it unfair. I already did a lot of ambush interviews in my life, pwedeng hindi ako ready sa itatanong ko at hindi ready yung iinterviewhin ko sa isasagot niya. Yes, this one's different, kaso nga kung di lang rude sabihin na "Ate, yung kalaban mo nga in promptu sumagot eh, papakabog ka ba?". I gave her time & she exceeded my 5-minute limit. Then I asked her if she's ready, she said yes and asked if we have quotas in the length of answers. To my surprise, she just prepared a two-sentence long answer. Gaah, I waited for 10 minutes just to answer me in 2 sentences? To clear things up, I dont have any grudges with this person, I just find her weird, including the other guy. Last year, wala naman akong naexperience na ganyan, all of them answered me in promptu, and lastly I dont support any party (Im a non-partisan student ever since I stepped in FEU). And we started, that respectable guy intervened again, checking the president's grammar (excuse me, would you mind to leave us ALONE?), like "any" that might be transcribed by Advo as "ENY" (are we that SLOW?). When me finished the interview, may pahabol pa si Kuya, "isasama ba yung mga umm dyan?", and I told him na hindi. Well sorry, kasama pala, late ko lang nalaman :)

And after that walk-run-ask-talk work, Im back as a Nursing student

The Worried ME
Yes, Psych Nursing kami ngayon and this concept is kinda intriguing because some of us (maybe all?) exhibits mental illness. HAHA, kidding. But actually, im interested with this concept. We reviewed neuro and psych then studied the Ego defense mechanism, then I fall in Intellectualization, and Rationalization. :))) i got 8 out of 10 in our quiz. Yeay!

And after our class, I went back to Advo again :)

TROLOLOL
And I continued my work in the office and ate my brunch. Juneys and I talked about the upcoming covers then sinamahan ko siya sa athletics department. Pag-akyat namin, nagpa-practice yung Mens Basketball (may Fr. Martin's pala sila ngayon) and nung pababa na kami, ngumiti sakin si Coach Bert (whom my former barkadas call as dad, di namin alam na head coach siya dati) and I smiled and nodded. Pagbaba namin, nakasalubong ko sina Pat, Kuya Alexis and Don (wala nga lang si Ralph, kundi eh kumpleto na sina Pat at Kuya Tud, and itutuloy yung pambi-bitch sakin). :D So nag-photowalk kaming apat and kinukulit ako ni Don tungkol sa isang bagay. Medyo nakulitan nga ako and lumabas yung pagka-childish and katigasan ng ulo ko pati na yung pagiging wafakels ko, insensitivity and iniisip ko lang sarili ko. After that photowalk, we agreed to play basketball at St. Thomas. Don won with 103 points, I with 100 pts, Pat with 97 and Kuya Tud with <40 pts. :))

Pagbalik ng  school, they were talking about photoshoot and I texted my friend kung pwede siya magmodel. Good thing, di maarte and game sa lahat ng bagay si Marvin Alfaro. Nung nag-gather na kami sa FP with Pat, Jude, Don, Cindy, and Yon, dumating din sina Kat and Tin (kumpleto ang SPORTS!). Kanya kanya ng text ng models and to the extent na nanghatak kami. :)) Pinuntahan ko pa si Kuya jammas na kung pwede eh wag niya munang diligan yung lawn betw. LL and FP. Ayun, test shot muna kami nina Don and Yon then actual shot na with the models. Twas fun kasi masaya rin yung mga models namin. Kahit na di sila magkakakilala, naging close sila dahil dun sa shoot. Then, kahit na pagod na ako and may exam pa, hyper pa rin ako :))) I wanna thank my ever-handsome blockmate Marvin Alfaro, malaki utang na loob ko sa kanya. Siya lang kasi naiisip kong pwede for IN eh, and siya lang din ka-close ko :D

Back to freakin NB :D
Pagdating ko ng NB, palabas pa lang yung classmates ko from History and then I entered to submit the papers to mam. Good thing, she's not angry though she asked me why I was absent. I just told her that I have something important to attend (IDK kung ilan na absences ko sa History?). I received my paper and i got **%. Yeah, my exam grade increased by 19%. Awesome! gotta review more next time!

And here comes PolSci exam. Medyo nainis lang ako sa 1st part, since that was my favorite and those were the exact questions that mam gave us during our quiz! naguluhan lang ako bigla. Well, Im just hoping na tumaas pa grades ko :)

The Aftermath
After the exams, balik office ulit and nag-picture taking ang Bobey Soc. haha, very election ang peg :))

-----
Dun sa post ni Cindy na di raw niya kami nakakausap ni June Ace recently, medyo di ko naman ramdam. IDK but baka siguro eh marami akong nakakausap kaya di ko napapansin kung may di man ako nakakausap for the day, unless may sasabihin akong importante. Ang napapansin ko lang kasi ngayon, madalas siyang mawala, and I'm always left with the guys sa office kaya sila naman ang iniistorbo ko :DD

Gotta sleep! May NurRes pa bukas :D

Wednesday, February 8, 2012

Blow it baby!

NOTE: Ilalabas ko lang yung stress ko sa blog na 'to. Sorry po.

----

BUSY WEEK! Andami lang ganap sa buhay ko, pati na last week. Parang di natanggal yung stress sa katawan ko kahit na naligo na ako ng super kaduper lamig na tubig.

Tapos na sina NCM at NurRes, so makakahinga na ako ng maluwag. Kaso dumagdag si Duty na kasing-bigat nina NCM at Nsg Res, at grabe lang uwi namin dahil 12am na lagi plus daming requirements. Later, History exam plus PolSci quiz. Actually, history pa lang nirereview ko. mababaliw na ata ako sa dami ng aaralin. Kelangan kong bumawi ngayong midterms, mahirap ng malugmok at maligwak dahil ayokong bumaba yung GWA ko sa 2.5. Gusto kong tapatan yung feat ko last sem na NCM lang ang nag-spoil sa grades ko. Sana mahatak ko pa sarili ko. Sa PolSci naman, kelangan ko pang itaas pa lalo, isasagad ko na sa sukdulan ng makakayanan ko.

Eto, si NCA naman ang pinakamalaking TINIK sa trachea ko. I admit, tamad and andami kong absences sa subject na to. Imba kase, bakit  NOL-type pa to? I'd prefer if it would be lecture-based than learning via computer. It's very tempting to skip classes since we dont have any professors there, only proctors. Isa pa kasi, 7am yung NOL namin, and lagi akong natatanghalian ng gising. And yes, sa katamaran ko na rin. It's the consequence of my laziness (Galit si Cindy sa katamaran ko). 48 hours yung kelangan kong i-make up, so I need to have a 6-hour make up class and 3 hours every Thursday and friday, starting next week. GOSH, kaya ko ba yun? I skipped Fundamentals of Nursing already since its very lengthy. I envy my classmates who are already done with the 5 concepts. Paano kaya nila nagagawa yun? Although yung iba, may buddy-system na tinatawag, in short CHEATING. Next year, ayoko na mag-skip pa ng NOL, grabe yung consequences! Hopeless na rin ako sa NCA namin, nakakainis.

And, lastly my obligations. Since I was assigned as our section's OIC and head for an important task, siguradong marami akong gagawin. Medyo na-stress na agad ako dun sa pinasa nung kasama ko at sumakit ang ulo ko sa ginawa niya yet I kept myself cool (ganun naman ako eh, pa-cool o chillax konti), and feeling ko dun na nagsimula lahat yun. Then here comes the important task, may mali ako sa decision-making which is dapat humingi ako ng help sa mga subordinates ko para hindi na ako or kami mag-susuffer. I admit na late na kami sa sked, and I wanna blame my poor time management plus acads requirements for duty. Naalala ko bigla yung sinabi ni Tito Juneys, "Di ka nag-iisa, may mga kasama ka na handang tumulong sayo. Wag mong sarilinin lahat ng bagay, at wag mong pahirapan yung sarili mo. Di porke leader ka (he's talking about the nursing thingy nugn time na 'to), ikaw na gagawa lahat. Matuto kang humingi ng tulong."

kanina, lutang ako galing NOL dahil nagkasabay-sabay nga and I need to remind the TLS thingy dahil nung tumawag ako, di ko nakausap si Kuya Patrick and baka nakalimutan na nila yung request ko. At eto, nahanap ko na yung FB niya at ime-message siya bukas. Medyo nahihiya kasi ako. Nakakaloka yung resibong yun, bakit kasi nawala! Kung kelan iniingatan, dun nawawala. Parang kempet lang, kung kelan inaalagaan mo ng mabuti at iniingatan na parang korona, dun pa kusang nagrerebelde and to the extent na kusa siyang mawawala. Either kinuha ng iba, o nag-fly away na... MOVING ON!

Yung sa nauna ko palang kempet, aayusin ko pa yung kemper ko dun bilang  poor ako sa mga tanong thingy. Nasanay ata ako sa mga ambush interview o yung tanong out of curiosity lang. Any, sana magawa ko na bukas para makapag-move on na kami gaya nina Juju and company (kasali din ako dun!) :))\

YUng sa section ko naman, magpapatulong na ako kay Tito Juneys, naubos na ata supply ng neurotransmitter sa utak ko. Pasensya naman daw, kulang din ako sa inspirasyon at pagmamahal. Nahiya naman ako kay Tito. Sorry naman at wala akong supply ng inspirasyon at pagmamahal. May mga taong nagbabalik kaso tinatamad akong makipaglandian, busy ako! Buti naman kung nakakatulong, nakakadistorbo pa. Pero kasi, pansin ko lang, kapag 1st sem eh lagi akong may inspirasyon, pero pag 2nd sem, PATAY NA. Bat ganun?

Na-test ko na yung effectivity ng inspirasyon, nakakataas nga ng grade. kaso ayaw ko na sumugal. Pansin ko lang kasi, nadidisturb ako. Una, magtetext kami, magkakausap sa phone ng ilang oras (madaldal ako, anubey!). Parang ganun, yet I get outstanding grades (powerful nung adjective ko ah!). Maybe I should get inspiration sa iba pang bagay. But actually, sina Nanay, Papa at Lola talaga inspiration ko. Another thing, medyo problemado rin ako sa tuition ko and di pa kami nag-uusap ni Papa. 2 months na din siyang di nakakatwag so kinakabahan and nagwoworry naman ako. 50-50 pa  chances ko for summer class. Imba naman kasi course na ;to, ANG MAHAL!

I wanna thank Cindy Ashley Go Sy na naging extension ng utak ko sa kasabawan ko kanina. Wala na akong maisip. Napapatulala na lang ako. :D Since nasabi ko na ata lahat dito, back to History review na ako. magaan na pakiramdam ko and Im ready to finish all kemps bukas. Kaya ko to! :D

---
Special mention to Kuya Gelo Barza. Finally, nakasama ko na rin siya mag-cover. Feeling ko sa Photos, si Nikko na lang ang di ko pa nakakasama for cover (or pwede ko na ring iconsider yung sa Taal roadtrip/thesis). Going back! Atleast hindi naging forever alone ang drama ko sa Ateneo kanina. Nakapag-review pa ako sa McDo Katipunan ng History ko :))) Nakakatuwa siya kasama, though mukha siyang tahimik and seryoso sa office (nakasama ko na siya sa In the Huddle kaya alam kong di siya tahimik at seryoso), marami din siyang kwento and okey kausap. Feeling ko tuloy, extended family ko na ang Photos. And syempre yung News na rin (KAWAY to Dairen, Janice, Eli, Juju, and Buts)  :))) 


Thursday, January 19, 2012

IAS Week

And Im not supposed to blog about IAS week since IN week din kasi, hehe. Ayun, napa-blog lang ako since masaya ako tonight dahil sa Sponge Cola gig with Dairen and Eli. Sadly, dahil sa di agad sila "tumambay" sa harap, nasa gilid lang kami. :))) I was able to video Yael singing Kay Tagal kang Hinintay. Damn, ramdam ko yung song! Sayang at kulang ang "tropa" namin bilang waley si Armen.

After ng gig, nag-dinner naman kami ni Dairen sa KFC. Ayun, chika-chikahan din :)

An hour ago, lumabas sa news feed ko yung status ng isang older friend ko (approx 22 yrs old. haha). Medyo unusual lang na nag-status siya ng ganun kasi knowing him, di siya napapaisip ng ganun, so parang may hugot lang yung status niya. Then nung nag-comment ako, sabi niya, may narealize lang siya and nagulat ako nung kinumusta niya ako (ilang days ko na rin siyang di nakikita actually). Unusual na parang natuwa ako kasi naitanong niya na "how r u?" since medyo di nga kami super close before but eventually naging close na rin nitong huli. Happy lang ako na may napapasaya akong tao paminsan minsan and sila rin, napapasaya nila ako. I thank God na ginawa niya akong ganito, nakakairita man ako sa kaingayan, kadaldalan at sa pagiging pasaway ko, marami pa ring natutuwa sakin. Yun lang :)

Masingit lang.. After nung PolSci class ko, diretso office na sana ako dahil sa GA namin kaso tapos na pala and nasa Pav 2 sina Ace and Cindy. Pinapaamin ako ni Tito Juneys (kung ano mang aaminin ko), kaso puro about acads! Grabe, parang last sem eh chill lang ako sa acads ko since stable naman sila. Medyo nalungkot ako dun sa mapping kemps sa History but Im pretty doing good naman sa PolSci and NCM. Sana di ako iligwak ni NOL. I still believe. Ayun :))

Monday, January 16, 2012

Let's PUSH this! :)

Stressful day. Parang namatayan ata ako ng neurons nitong hapon, but anyway another learning experience for me. I admit na matagal ako magsulat, pero kapag na-time pressure ako just like what happened last sem na torn ako between articles and nursing-related paperworks plus pressuring groupmates and their rants, napapabilis ko yung ginagawa ko, yet not sure sa quality ng ginawa ko, pero binuhos ko naman yung makakaya ko dun.

Kaming tatlo nina Ace and Cindy yung medyo pagod yung braaaaains but still we remained calm and pakanta-kanta pa. I think, that's what I love Sports, kalmado despite of some things. We can adapt to stress and divert problems/pressure to other things. Sa kaka-edit, inabot kami ng 9pm sa school. Kami-kami na lang magkakasama nina Juju, Janice, Rits, Don and Ace. Pagdating ng kanto ng Morayta, nag-aya si Don na mag-Starbucks samantalang umuwi na si Juju. Eventually, tumuloy kami ng P. Noval pero nag-withdraw na muna dahil sa mapapagastos kami for sure. Habang naglalakad, iniisip ko yung stickers ko for planner na balak kong ibigay sa best friend Faye ko and i-libre na rin si June Ace na na-stress ko masyado at medyo sinisinat pa.

As we arrived sa Starbucks-P. Noval, pumila na rin ako para bumili. At dahil sa di ako nagsasawa sa chocolate chip cream plus cinnamon swirl na super favorite ko, yun na yung binili ko and dinner na rin, plus yung caramel macchiato ni Tito Juneys. Nung bumili naman si Don, pinagamit ko sa kanya yung planner ko. Buti na lang at mabait yung cashier at nilagay niya sa featured beverage side yung sticker and pati na rin yung kay Rits. Yehey! I'm 4 stickers away for another planner!

Nga pala, nandun din yung SC family ni Pareng Cee ni Dairen including a former Advo staffer and some familiar faces. Di naman naging awkward na andun kami (well, if you know what happened last August, and sa opinions nung Aug ish din, eh mage-gets mo na), pero parang feeling ko lang eh may 2 different forces na andun malapit sa kuta ng mga tigre :))) Any, nung kumpleto na kami, na-HOT SEAT ako bigla bilang pauso ni June Ace. Akala ko naman eh love-life related yung magiging topic (alam naman nating so bad ako sa area na yun). Org-related actually yung usapan and tanungan and kung ano yung nafo-foresee sa mga susunod na months. Medyo chill lang ako sumagot and come what may na lang ---kung ano yung darating eh yun na lang (tinagalog ko lang eh no). Tapos may mga chikahan din kami and tawanan. Parang bitin nga yung pagse-stay namin. Sana napaaga kami ng punta para napahaba yung kwentuhan namin. Though napagastos ako dahil sa katakawan ko sa Starbucks, eh okey lang naman. Nabusog naman ako and masaya kaming nandun. Looking forward for more bonding moments kahit saan man yan. :">

Sabay kami pauwi ni Janice, 1st time lang daw niya umuwi ng ganung oras. Pagdating namin sa kanto ng P. Noval and Dapitan, nakita ko sa may Mamang Taho si Kuya Gryann (maisingit lang) then sumakay na kami ng jeep. Mga 11 na rin ako nakauwi sa bahay :) Pagdating ko, napansin ko na nawawala yung coin purse ko. Sayang yung 80 pesos ko dun ah :| Pero kung kailangan talaga ng tao yung pera, sana binalik na lang niya yung wallet ko, matagal ko ng kasama sa buhay yun eh :( Parang pareho lang din kami ng drama ni JH bilang nakuha ata yung ID niya pero binalik naman. Parang gusto lang ata malaman nung tao yung name ni JH eh. HAHA. :D para-paraan din para malaman yung name eh no, dinadaaan sa pagnanakaw ng ID. Eh sorry naman daw, hopeless. LOL :D Imba pa reply sa message ko na, di na raw siya magpapakulay ng hair, kung magpapakulay man sya, it would be black (plus smiley). HAHA. (okey, ambabaw ko).

So magka-Tweet kami nina Dairen and Cindy. Then binasa ko na rin yung blog nilang dalawa.

Hear my Heart Beat: Ano ba naman yan, parang nauulit lang sayo yung ginagawa ko kay nanay dati na kunwari chill lang ako and everythign will be fine pero yung totoo eh nag-aalala ako. Wag ka munang umalis pwede? Pwedeng sabay na tayo sa April 2013? Mahirap pa sa mga panahong 'to. Alam mo naman na tatatlo na lang tayong gumagalaw and di pa natin maaasahan masyado yung mga pinsan natin. 2 months na lang and makakalasap na rin tayo ng bakasyon (maliban sakin na buong summer na magdu-duty). Hold on, kaya natin to :)

Make Believe/Mixed Signals: Kung san ka masaya, dun din ako :) IDK kung what team ako eh. :P And sa acads and other problems mo, kaya mo yan. Keep smiling and feeling ko naman, napapasaya ka ni Polar Bear at nakakalimutan mo yung problems mo. Push lang ng push! :)))


Time check: 3:23am! Pupunta pa ako ng Novaliches later! :))) Bayie!

Sunday, January 15, 2012

Crazy Weekend

This weekend must be the busiest since the start of this year. Freaky lang kasi mula kahapon and ngayon. Yesterday, katakot-takot na exams ang hinarap ko, and ngayon, kinalaban ko naman yung pagiging solo.

Yesterday, my life started with our Nursing Research class. Since we're anticipating a quiz, todo review naman kami. Good thing, considerative yung mommy ni Ate Clar (hi ate clar!) este yung prof namin, di na kami nag-quiz and naging slow-paced yung lecture namin. Medyo antok pa rin ako sa class, medyo busy rin ako the night before nun and review-review rin ng NCM exam namin. So lumabas ako and natulog, mga 15 mins din ata yun. Dun sa table na tinulugan ko umupo sina Cedie and Azel kaya sila na rin yung gumising sakin. To my surprise, pagabas ko pala, nagpa-break na rin si Mam. After nun, inannounce niya na wala na kaming RLE class sa kanya para makapagreview sa NCM and NCA.

After class, bumili ako ng food sa McDo sa kadahilanang gutom na gutom ako, di kasi ako kumain nung breakfast and dun na lang kumain sa office. Nung mga 11 am na, medyo marami-rami na rin kami sa office then nagpasama sa Jollibee si Ralph. Nadaanan namin yung EAC crowd na nagsusuppport sa team nila sa Showtime kaya naki-usyoso kami. At dahil nga sa sobrang tagal, bumili na muna si Ralph ng chocolate sundae. Pagbalik namin, nakiusyoso kami hanggang sa pagreveal nung score. Talo nga lang EAC pero super galing nila. Nakakaproud.

Anyway, pagbalik namin ng office, nagpasama ulit ako kay Ralph papuntang Tech Bldg bilang opening nung UAAP Chess. YUng totoo, nakalimutan ko na opening pala kahapon. Kung di lang ako nakakita ng mga taga-UP sa Jollibee, eh wala na sa utak ko yun. Buti na lang nakasalubong namin sina Cindy and Rits kaya nalaman namin na wala pang game. habang nasa office, nagrereview ako for NCM. Nung medyo malapit na ng 2pm, bumili na ako ng bubble sheet. Waley pa rin update kung what time yung exam. Nung mga past 2 na, buti na lang talaga at umakyat ako sa NB at nakasalubong si JC (bf ng classmatek ko) kaya nalaman ko kung san yung room namin. Grabe, ako na lang pala wala sa room at buti lang talaga, DUMATING pa ako. I managed to finish that 70-item exam in 15 mins. Mantakin mo yun?

Bumalik na rin ako sa office then Tech Bldg for Chess. Good thing naitext ko si Leilani at sinabi na pwede na mag-exam sa NCA. Okeeey! Ako na nagccram! natapos ko yung 200 items in  30-45 mins ata. Katabi ko si Karl Uy. Haha, masingit lang. Very bet din yung classmate ko na yun bilang magkalapit chairs kami sa NCM and andami niyang alam. haha, yun lang :) After NCA, diretso cover na ulit with Cindy and The Don. Waley kaming alam sa Chess, yung truley. Nasabi ko pa kay Cindy na pansinin and kausapin yung taga-Varsi na guy. After game, nagtutulakan pa kami for interview kay Coach but we ended up playing Chess instead. Ayun, nauna kong na-check si Don pero super mega checkmate naman ako nung huli.



Pagbalik ng office, pinuntahan namin si Jerome then nagka-ayaan sa Tayuman. Pagbalik namin, nag-chess lecture naman kami kay Juneys. Nakakatawa lang kasi kelangang i-relate pa sa love para maintindihan namin :) HAHA. Then, bago kami umalis, naglinis muna kami ng office bilang Sports at Arts yugn cleaners. Gulat pa si Aaron na cleaners pala kami. So ayun  nga naglinis na kami tapos sinasabihan pa ako ni Don na pwede na akong mag-asawa. LOL.

Nung pauwi na kami ni Cindy, dumaan kami sa Pav at sumigaw ng DAIREN kaso sa may admin na pala si Dairen with The Polar Bear. After 10 years, nagkasama ulit kami ni Cindy pauwi. Pagdating sa bahay, di ko magawa-gawa yung article ko. So natulog na lang ako.

Jan. 15.

Ayun na nga, 12pm na ko nagising. So di pa rin ako makagawa ng article. Nag-facebook na muna ako and kinontact si Sisterette Dana. Nakita kong online si Ji Hoo and nagka-chika kami ng konti bilang nawawala siya sa chat. And this message made my day :))


Haha, okey ako na masaya sa reply niya na yan. Tapos after few minutes nag-log out na ako kasi pupunta na ako ng FEU. Nung nakauwi na ako nung nabasa ko yung reply niya na nagpagupit na ulit siya. Bakit kasi ambilis humaba ng hair niya?

So ayun na nga, pumunta na ako ng FEU. Pagpasok ko ng Tech Bldg, walang tao. Tinanong ko si Kuya Guard kung tapos na ba yung chess, sabi niya wala pa. nagulat ako nung tinanonng nya na from what school ako, then sabi ko, FEU po :))) HIHI.

Pagdating ko sa Mini Audi, syempre loner ako, may game pa yung womens. Matagal-tagal din akong nakatayo and nakatingin. 4pm ako dumating sa venue bilang waley traffic. After 30 mins, naka-chika ko yung team captain ng mens. Ayos si kuya kausap, dami kong natutunan about chess. Buti lang namatay yung oras dahil dun sa pep talk namin. Then nung malapit ng matapos, kinuha ko na yung mga data and nagpaalam na rin.

Nung pauwi, dumaan muna ako ng McDo para bumili ng food. Nung asa jeep na, hawig ni Kean (the 19 year old Kean) yung guy na kaharap ko sa jeep. Akala ko nung una si Mark Marcaida pero very Kean talaga yung nasa jeep. Natawa pa ako sa binabaan nila, anlapit lang! Eh todo reklamo pa sila na baka gabihin daw sila pagdating sa pupuntahan nila. Sana naman nilakad na lang nila. :D

Pagdating ng bahay, kumain then nanuod ng Petron game kaso talo aya may game 7. Then gumawa na ng article kaso very waley pa rin, di ako makapagconcentrate. Mga 9pm na ako gumawa then natapos ng 11. Mga 12pm nagstart na rin ako mag-blog neto then nagluto ng pancit canton bilang nainggit at nainspire ako dun sa tweet ni Eben. Habang kumakain, nagkkwento ako about sa HS lovelife and other boylet kemps dun sa kasama ko sa apartment. Aliw na aliw siya sa kwento ko :))) Take note, from 1am-4pm ako nagkwento ah! Walang pahinga yun! :)

So continuation pa rin ng blogging ko. Nagpost si Juneys about dun sa nakakamatay at masakit sa ulo at mata na VB artix ko. Yung truly, nakaka-guilty na, very fail ako magsulat ngayon compared last sem. Parang paulit-ulit ko na ;tong pino-post pero ewan ko ba kung bakit ganito. SOPHOMORE JINX ba itey? More improvements pa Lhea! Aral-aral din! Ano kaya problema ko sa sarili at nagkakaganito ako. HAAAAAAAAY, can someone explain this to me? Kulang lang ba ako sa PAGMAMAHAL? LOL. Well baka nga kulang ako sa inspirasyon diba? Pwede naman yun. HAH! WANTED: INSPIRASYON and PAGMAMAHAL. Please contact ME! :)))

Okeeeey, 4:44 am na! :) *pwede mag-wish? ... Sana di ako manganib sa NCA ko, improve pa yung grades sa midterms and yung writing ko na rin. Thank you!

Matutulog na ako at pupunta pa ako ng FEU for White cap exhibit :)

pahabol: matutulog pa kaya ako. teka, wag na lang. :D