Wednesday, February 8, 2012

Blow it baby!

NOTE: Ilalabas ko lang yung stress ko sa blog na 'to. Sorry po.

----

BUSY WEEK! Andami lang ganap sa buhay ko, pati na last week. Parang di natanggal yung stress sa katawan ko kahit na naligo na ako ng super kaduper lamig na tubig.

Tapos na sina NCM at NurRes, so makakahinga na ako ng maluwag. Kaso dumagdag si Duty na kasing-bigat nina NCM at Nsg Res, at grabe lang uwi namin dahil 12am na lagi plus daming requirements. Later, History exam plus PolSci quiz. Actually, history pa lang nirereview ko. mababaliw na ata ako sa dami ng aaralin. Kelangan kong bumawi ngayong midterms, mahirap ng malugmok at maligwak dahil ayokong bumaba yung GWA ko sa 2.5. Gusto kong tapatan yung feat ko last sem na NCM lang ang nag-spoil sa grades ko. Sana mahatak ko pa sarili ko. Sa PolSci naman, kelangan ko pang itaas pa lalo, isasagad ko na sa sukdulan ng makakayanan ko.

Eto, si NCA naman ang pinakamalaking TINIK sa trachea ko. I admit, tamad and andami kong absences sa subject na to. Imba kase, bakit  NOL-type pa to? I'd prefer if it would be lecture-based than learning via computer. It's very tempting to skip classes since we dont have any professors there, only proctors. Isa pa kasi, 7am yung NOL namin, and lagi akong natatanghalian ng gising. And yes, sa katamaran ko na rin. It's the consequence of my laziness (Galit si Cindy sa katamaran ko). 48 hours yung kelangan kong i-make up, so I need to have a 6-hour make up class and 3 hours every Thursday and friday, starting next week. GOSH, kaya ko ba yun? I skipped Fundamentals of Nursing already since its very lengthy. I envy my classmates who are already done with the 5 concepts. Paano kaya nila nagagawa yun? Although yung iba, may buddy-system na tinatawag, in short CHEATING. Next year, ayoko na mag-skip pa ng NOL, grabe yung consequences! Hopeless na rin ako sa NCA namin, nakakainis.

And, lastly my obligations. Since I was assigned as our section's OIC and head for an important task, siguradong marami akong gagawin. Medyo na-stress na agad ako dun sa pinasa nung kasama ko at sumakit ang ulo ko sa ginawa niya yet I kept myself cool (ganun naman ako eh, pa-cool o chillax konti), and feeling ko dun na nagsimula lahat yun. Then here comes the important task, may mali ako sa decision-making which is dapat humingi ako ng help sa mga subordinates ko para hindi na ako or kami mag-susuffer. I admit na late na kami sa sked, and I wanna blame my poor time management plus acads requirements for duty. Naalala ko bigla yung sinabi ni Tito Juneys, "Di ka nag-iisa, may mga kasama ka na handang tumulong sayo. Wag mong sarilinin lahat ng bagay, at wag mong pahirapan yung sarili mo. Di porke leader ka (he's talking about the nursing thingy nugn time na 'to), ikaw na gagawa lahat. Matuto kang humingi ng tulong."

kanina, lutang ako galing NOL dahil nagkasabay-sabay nga and I need to remind the TLS thingy dahil nung tumawag ako, di ko nakausap si Kuya Patrick and baka nakalimutan na nila yung request ko. At eto, nahanap ko na yung FB niya at ime-message siya bukas. Medyo nahihiya kasi ako. Nakakaloka yung resibong yun, bakit kasi nawala! Kung kelan iniingatan, dun nawawala. Parang kempet lang, kung kelan inaalagaan mo ng mabuti at iniingatan na parang korona, dun pa kusang nagrerebelde and to the extent na kusa siyang mawawala. Either kinuha ng iba, o nag-fly away na... MOVING ON!

Yung sa nauna ko palang kempet, aayusin ko pa yung kemper ko dun bilang  poor ako sa mga tanong thingy. Nasanay ata ako sa mga ambush interview o yung tanong out of curiosity lang. Any, sana magawa ko na bukas para makapag-move on na kami gaya nina Juju and company (kasali din ako dun!) :))\

YUng sa section ko naman, magpapatulong na ako kay Tito Juneys, naubos na ata supply ng neurotransmitter sa utak ko. Pasensya naman daw, kulang din ako sa inspirasyon at pagmamahal. Nahiya naman ako kay Tito. Sorry naman at wala akong supply ng inspirasyon at pagmamahal. May mga taong nagbabalik kaso tinatamad akong makipaglandian, busy ako! Buti naman kung nakakatulong, nakakadistorbo pa. Pero kasi, pansin ko lang, kapag 1st sem eh lagi akong may inspirasyon, pero pag 2nd sem, PATAY NA. Bat ganun?

Na-test ko na yung effectivity ng inspirasyon, nakakataas nga ng grade. kaso ayaw ko na sumugal. Pansin ko lang kasi, nadidisturb ako. Una, magtetext kami, magkakausap sa phone ng ilang oras (madaldal ako, anubey!). Parang ganun, yet I get outstanding grades (powerful nung adjective ko ah!). Maybe I should get inspiration sa iba pang bagay. But actually, sina Nanay, Papa at Lola talaga inspiration ko. Another thing, medyo problemado rin ako sa tuition ko and di pa kami nag-uusap ni Papa. 2 months na din siyang di nakakatwag so kinakabahan and nagwoworry naman ako. 50-50 pa  chances ko for summer class. Imba naman kasi course na ;to, ANG MAHAL!

I wanna thank Cindy Ashley Go Sy na naging extension ng utak ko sa kasabawan ko kanina. Wala na akong maisip. Napapatulala na lang ako. :D Since nasabi ko na ata lahat dito, back to History review na ako. magaan na pakiramdam ko and Im ready to finish all kemps bukas. Kaya ko to! :D

---
Special mention to Kuya Gelo Barza. Finally, nakasama ko na rin siya mag-cover. Feeling ko sa Photos, si Nikko na lang ang di ko pa nakakasama for cover (or pwede ko na ring iconsider yung sa Taal roadtrip/thesis). Going back! Atleast hindi naging forever alone ang drama ko sa Ateneo kanina. Nakapag-review pa ako sa McDo Katipunan ng History ko :))) Nakakatuwa siya kasama, though mukha siyang tahimik and seryoso sa office (nakasama ko na siya sa In the Huddle kaya alam kong di siya tahimik at seryoso), marami din siyang kwento and okey kausap. Feeling ko tuloy, extended family ko na ang Photos. And syempre yung News na rin (KAWAY to Dairen, Janice, Eli, Juju, and Buts)  :))) 


No comments:

Post a Comment