Tuesday, February 7, 2012

LIFE..

"Another TOXIC day" is so overused. Well, in short ganun na nga. I always lack sleep dahil sa acads requirements especially these past 2 weeks dahil midterms na nga. Medyo nagwo-worry din ako dahil ang haba ng aaralin sa History.

We had our duty at FEU-NRMF Hospital, and we'll be there for the whole February. The hospital was so clean, organized, and mababait yung mga staffs. Our clinical instructor, who was the chief nurse's assistant and a ward supervisor, toured us around the hospital.

Im lucky to have Leilani as my partner-slash-assistant (LOL) since siya yung hindi demanding sa group namin, and also our patient who was already 69 years old. IDK but Im fond of elder patients, siguro dahil na rin sa lumaki ako sa Lolo at Lola kaya malapit ang loob ko sa kanila. Any, toxic kasi yung situation ng client namin kaya andaming gagawin. Napuyat pa kami kagabi dahil sa NCP at DS, partida 12am na kami nakauwi. Di tuloy ako nakapunta ng FEU para sa InFocus namin dahil sa andami ko ring ginagawa.

And our 2nd day at FEU-NRMF was a fulfilling one. Di ko namalayan na andami na naming ginawa and halos pabalik-balik kami sa room para i-check yung patient namin. Nag-enjoy na rin siguro ako kaya di ko naramdaman yung pagod. Masaya na akong nakikita kong umo-okey na yung lagay ng patient ko. Medyo magulo nga alng siyang kausap pero nakakatuwa naman yung family niya. Na-challenge yung cardio/hema skills ko dahil sa lab results nung patient namin. Good thing at keribels ko naman. Nahiya naman ako  sa cardio lecturer namin na super galing.

Whatta experience din yung charting kasi challenging siya, 1st time ko mag-chart mismo sa CHART talaga. Then yung endorsement din, masaya rin siya. Parang nagre-reporting lang :))) Pero ang pinaka-naenjoy ko (NAMIN!) eh yung alcohol sa bawat door. Kasi naman eh, nakikita lang namin yun sa NOL namin. Bongga diba? Ayun, UNLI-HUGAS ng kamay! Ambango pa nung sanitizer nila! :)))

So next week, balik Fairview na naman kami :))

-------
Bago kami umuwi, may nadatnan kami na parang dumurog ng puso ko. As in literal. Di ko alam kung maiiyak ba ako on the spot o titignan na lang yung pasyente. Ansakit lang tignan yung taong nire-revive na lang ng ambu-bag hanggang sa paglipat sa kanya sa sasakyan pauwi dahil ayaw na ng family na maghirap pa yung patient sa hospital. And yung pinakamasakit ay yung ambulance car ng isang funeral service yung susundo sayo. I may sound weird but its true. Natameme na lang kami ng classmates ko nung nakita yung sitwasyon na yun, at wala rin kaming magagawa.

 Life's too short, minsan di natin alam kung kelan tayo babawiin ni Lord. But when you live your life to the fullest, masasabi mo rin na "Kunin niyo na ako, nagawa ko na po yung dapat kong gawin sa mundo". It's true. Kahit mga matatanda, sinasabi nila na "Kapag nakapagtapos ka na sa kolehyo, pwede na akong mawala. Masaya na ako na may patutunguhan ka na." being exposed to different situations made me more matured in other aspects, as well as thinking about my future.

Well, THAT'S LIFE.

No comments:

Post a Comment