Sunday, November 27, 2011

One day..

SUNDAY--known as Family Day, pero di uso samin yan :))) Nagising ako ng 9am na supposedly eh 7am talaga (eh sa hinayaan lang ako matulog ng mga kasama ko. Nagising na lang ako kase ansakit ng bandang mid-axillary line ko dahil sa pagtutusok ng kasama ko para magising ako. INFAIRNESS, masakit siya ah!). So light breakfast lang kinain ko which is a homemade champorado by Ate Weng na medyo fail ng konti dahil kulang sa cocoa pero masarap naman. Makabili nga ng isang sakong cocoa mix! ;) Since ayokong gamitin yung pantene dahil sa super binuhaghag niya hair ko unlike sa super straight hair ko, ginamit ko na lang yung sunsilk conditioner. Infairness ah, okey na okey siya :))) So nagbihis na rin ako, suot yung bago kong varsity jacket na binili ko kahapon pati yung blue sando na padala ni mommy nung high school and ngayong college ko lang nasusuot (at dahil sa isa akong formal-dominant person according dun sa activity namin sa ITH kay Sir Noel Zarate, kagabi pa lang eh nakaplano na susuotin ko). Nagmamadali na rin kami kasi magpapa-inject pa ako then magsisimba, and nung asa kalsada na kami, sabi ko naman eh bukas na. HAHA, ako na talksh*t!

Sa Quiapo Church kami nagsimba nina Ate Weng and Mik. Ayun, namiss ko na naman si Nanay bilang dun kami laging nagsisimba noon. Nalungkot lang ako kasi noon lang ako nakabalik. Daming memories namin ni Nanay dun, pati na yung makipagsiksikan sa dami ng tao kahit na super init (ayan eh, naiiyak na naman ako. I miss you 'nay!). Naalala ko bigla yung gospel ng isang pari noon sa Quiapo Church, na dapat magbalik-loob na tayo sa Diyos, hindi lang dahil may sakit tayo o may kelangan tayo, at dapat maging kasinlakas ng faith natin yung mga taong may cancer, buong-buo yung pananalig. Yes, nakakarelate kami dun ni Nanay bilang may breast lump na siya nun though hindi diagnosed, last June na lang. Basta kapag may napupuntahan or nadadaanan akong lugar na napuntahan na namin ni nanay dati, I cant help but reminisce :| i miss her badly..

Going back (dahil maluha-luha na naman ako), medyo nainis lang ako sa sarili ko nung Gospel, bumalik ako sa dating sakit ko, which is yung pagiging antukin. Medyo mahina kasi boses ni Father. honestly, di ko nagets yung gospel.

After mass, pumunta kami ng SM Manila, kumain kami sa foodcourt, dun sa kinakainan namin dati ni Nanay. Lechon Kawali yung kinain ko dahil habang nasa simbahan, yun na agad iniisip ko. Gutom po talaga ako nun. Then nagtext si Ace:

Ace: Ingat papuntang Arena, pamangkin:)
Me: thanks Tito! :) Asa SM manila pa ako, naglulunch.
Ace: Mag-isa ka na naman ba dyan ah?
Me: Nope, andito mga kasama ko sa bahay :)))
Ace: Ow, kala ko self treat ka muli eh. Haha, okey enjoy kayo pamangkin :)
After kumain, pumunta kami ng Etude House. Nakita ko dun yung former classmate ko, and another batchmate, Aimee and Nikki.

Me: Hello Nikki, Aimee!
Nikki: Hi Lhea!... Busy ka pa rin ba sa Sports?
Me: Umm, medyo. Pero okey lang. Mamaya, pupunta ako ng Arena.
Nikki: Ah, busy ka nga talaga. Eh pano yan, wala kang assistant?
Me: (behind my brain) *eh? Editor? Andami kaya namin! --- (back to talking) Ay, marami kaming writers, ako lang nakaassign ngayon. *then smiles
Nakakaloka lang mga batchmates and former classmates ko sa IN, puro about Advo yung tinatanong sakin kapag nagkikita kami. Eh? Interesado? Tapos yung iba akala nila nag-shift na ako ng Masscom. Aba! Kung pwede lang magshift, MATAGAL NA! Well anyway, hinanap ko yung blush on na gaya nung kay Beatty kaso mahal ng konti. Mag-iipon ako this Christmas (ng mga regalong CASH! haha. Grabe, nahihiya na rin akong pumunta sa Ninang ko. Plano ko eh magpapa-teeth keme prophylaxis ako, kaso magcchristmas na at baka dalhin niya ako ulit sa nearby office ng mama ko noon at reregaluhan na naman ako ng Super Ninongs and Ninangs ko) para mabili ko yun :)) Then nag-ikot muna ako sandali bago umalis. Dumaan muna ako ng Starbucks para bumili ng Cranberry White Chocolate Mocha, nainlove ako bigla sa frappe na 'to, esp. yung toppings niya. Sa may tapat na ng monumento kami naghiwa-hiwalay nina Ate Weng at sa may tapat ako ng UDM naghintay ng masasakyan, mga 5 mins din akong nakatayo dun habang humihigop ng napakalamig na frappe sa ilalim ng araw. Pagkasakay ko, nag-stop pa kami sa may Quiapo and dun na ako nagsimulang mahilo (hindi naman siguro dahil sa frappe dahil wala akong nalalasahang kape). And pagdating ng Morayta, yung tumabi sakin na guy, amoy yosi, buti na lang eh kumain siya ng gum and nagpabango. Natutuwa ako sa mga ganung tao na aware na baka maamoy sila ng ibang tao dahil sa yosi. Yung totoo, ayokong nakakaamoy ng yosi kapag bumibyahe, or else, magsususuka ako sa harapan nung tao. :P Then may matandang babae (sosyal si Lola ah. Naka-formal attire) na di na nakaupo dahil marami ng tao sa bus, at gaano ko man ka-gustong ibigay sa kanya yung upuan ko eh hindi ko kaya kasi hilong-hilo ako then sabayan pa na distended na bladder ko sa kaiinom. Nung asa Pinaglabanan na ako tumayo para makaupo si Lola.

Me: Lola, upo na po kayo.
Lola: Ay salamat. bababa ka na?
Me: Opo, dyan na lang po sa unahan.
Then bumaba na ako sa tapat ng Arena. Nakasabay ko pang pumasok si Kuya P*** (si kuya na super creepy kasi nagmemessage siya kina CIndy, Meyor, and Beatty at takot naman yung tatlo!), kaso nasa unahan ko sila, kaya nagmadali na ako then sa left entrance na dumaan. I thought late na ako, buti lang eh warm up pa lang, kaya nag-CR na muna ako and inayos yung sarili. Sayang yung frappe ko, di ko naubos :( Pagpasok ko, sa may ringside na ako pumwesto. Then start na yung game. Waley pa akong kasama nun dahil wala pa si Don (na patapos na ng 1st set dumating) and si Dana (na patapos na yung 3rd set). Literally, mag-isa ako. Medyo nanginginig nga yung kamay ko nun kase naninibago ako, and medyo conscious ako sa mga pinagsusulat ko kasi may apat na guys sa likod ko (na sigurado akong mas marami yung alam sa volleyball kesa sakin) .

Nung pinakilala na yung starting 6 ng FEU, hiyawan lahat ng tao sa Arena. And yes, our team is heavily favored :)) Medyo nabo-bobey ako sa mga terms nung una kasi hindi ko nareview yung mga terms (yan kase epekto ng puro basketball!). So yung ginawa ko, nakinig na lang ako sa sinasabi nung announcer. Yung totoo, naninibago ako na babae yung announcer. Lalaki naman kase announcer last year eh, or baka nasanay lang ako na lalaki rin sa basketball. Nung andun na si Don, di na rin awkward na tumili ako sa game. Naman kase, nakakahiya tumili kapag mag-isa lang, mas okey pag may kasama diba? Nung nag-time out, tinanong ako ni Sir Ian kung next year eh mag-aaudition na ako for courtside reporter. Kahit gustuhin ko man, di pa pwede dahil 4th year ako tapos duty-duty rin. Kaya sinabi ko na next next year na lang, kapag naka-graduate na ako :) A\Nagulat din ako sa tanong na yun ah. Lumipat kami ni Don sa courtside nung mananalo na FEU. And after 3 sets, nanalo kami against UE.

 Di na muna ako pumunta sa may dug-out para mag-interview. Pinanuod muna namin yung La Salle and Adamson. Nagulat ako nung nakita ko si Yna sa team. Tinext ko pa siya before nung game kase akala ko manunuod siya, yun pala maglalaro na. Then kumuha kami ng stats sheet and pumunta sa labas ng dugout. Nakausap din namin si Sir Theo and dapat daw sumabay na ako sa interview yung after game (akala ko kasi di gaya sa araneta yung interview). Medyo natagalan pa kami sa paghihintay then lumabas na yung team and ininterview na si Coach Nes kasama si Sir Ian doon sa dug-out. So nung start ng interview, medyo andami kong bloopers (which is sanay na si coach sa ganung eksena dahil nung nagsisimula pa lang ako, siya na agad ininterview ko). Good thing, may prepared questions na ako kaya medyo okey din yung naging flow nung interview. After nun, nakita ko si Sir Josiah Albelda sa may door then bigla akong napaisip dahil nga napanuod niya akong mag-interview nun (syempre medyo nakakakaba kasi nga nag-In The Huddle ako last sem, so baka tinitingnan din niya kung nagagamit ko rin ba yung mga natutunan ko. I hope I didn't disappoint him). Nung palabas na si Coach Nes, biglang sinabi ni Sir Ian na "Parang may papalit na kay Andy ah!", which is nagulat na para akong nahiya ng konti. :DD And pinakita rin sakin yung video, I thought eh kay Coach naka-focus yun, yun pala damay ako. And he plans to post it sa FEU Website. Gaaah, nahihiya ako, kumusta naman bloopers ko and my super haggard-slash-payat na face with luxury EYE-bags.

Nung pabalik na kami sa pwesto namin para manuod, nakasalubong namin si Rosemarie Vargas, ayun nagpapicture si Don. Medyo nahiya naman yung bata kay Don. hihi. Nung 2nd set na ng DLSU-AdU game, I saw a familiar face na di mo aasahang makikita mo na manunuod ng volleyball match... it's KIEFER RAVENA. Gosh! Kinilig ako ah. Pero believe me, habang tumatagal, nagiging hawig na sila ni RR Garcia. Eh? Separated at birth? Nung paalis na kami, sa harap kami ni KR dumaan, ayun tunaw na naman si Lia-jean (pronunciation ni Lola kapag galit na sakin :D) Napagplanuhan namin ni Don na pumunta ng Robinsons Galleria bilang malapit lang siya. Sa may Edsa Shrine na pala yun. Nag-ikot-ikot kami and pumunta sa People are People dahil ipapakita ni Don yung jacket na bibilhin niya. Halos ayoko ng umalis dahil sa black shirt na may number na 93, ang cute kase kaso nga lang eh 500 naman. Pumunta rin kami ng Penshoppe, at may natipuhan akong pantalon dun, next time bibili ako ng pants bago umuwi ng Palawan. Then alam ko na rin yung gusto ko for exchange gift na worth 150. Yung Penshoppe Silver Label Rock and Romance Body Spray :)

Nung medyo pauwi na kami ni Don, may nadaanan kami na stall ng feather earrings. Ang cute! Kaso lampas sa 150 nga lang :( And dun ko na rin narealize na di ko mahanap yung phone ko, medyo iiyak na ako eh. Sa penshoppe ko huling ginamit yung phone ko. Eh buti lang kinapa ni Don yung jacket ko, dun lang pala. HAHA. So, bago umuwi, kumain muna kami kaso ayoko dahil mapapagastos na naman ako. Eh pinapili ba naman ako kung Starbucks o Krispy Kreme, kaya ayun, nag-Krispy na lang kami. Buti na lang at 70 pesos lang gastos ko. HAHA, ako na nagtitipid. habang kumakain, mega kwentuhan kami about random things. And umuwi na rin ako at sumakay ng G Liner. Infairness yung nasakyan ko, yun ang pinaka-bonggang G Liner ever. Tapos ambilis tumakbo and hindi nakakahilo sakyan, then Zooom! Nadaan din kami ng Greenhills at dun nga lang tumagal then bumilis ulit yung byahe at di ako nahilo. Parang waley lang ako sa bus kasi wala akong iniisip na malalim, as in nakatingin lang ako sa bawat dinadaanan namin. Di naman ako sabaw nun ah. Bumaba ako ng Lawton, dun sa exact place kung san din ako sumakay, then sumakay na rin ng pa-Dapitan and umuwi na :) Sa sobrang pagod, nakatulog na ako at di nag-dinner. Nagising ako ng 11pm, at natulog ulit hanggang sa 2am nagta-type na ako neto. :))

*Note: nagtext si Joshua na pupunta raw siya ng Piyu bukas. Eh inasar ko na baka maligaw siya, di naman daw kasi kasama naman Papa ni Terrence. Di ko sinabi sa kanya na manunuod din ako bukas. Plano kong mag-disguise by wearing my glasses at super gulong hair. Di naman ako tatabi sa kanya no, asa siya, amboring kaya kasama nun! Sina Ate Aivryn and Ate Gem naman. Eh napikon ata yung tao sakin, kaya "K" lang yung nireply sakin nung huli. Nireply ko rin siya ng "Anung K? Potassium ba yan? Kalium? Element number/Atomic number 54? ". Haha, ako na masayang mang-asar. :D Moral Lesson: wag magreply ng K sa taong mahilig sa Chemistry :)


Nga pala, HAPPY 1st BIRTHDAY 2nd sem babies! :)) Janice Rodriguez, Dairen Mosqueda, Trish Marcos, Lorraine Sioson, Beatty Cosiwa, Eunice Borela and sa mga kapatid ko, Cindy Sy, Mish Galang, and our bunso Jaimer Dela Cruz. Happy Birthday din kina Gessa Abriol, Jansene Alegre, Sherra Gross and Jenissa Gonzales. We shall bond kids!

@Cindy: yeah, kay Jens tayo nagka-connect. Utang na loob natin to sa kanya :)))) Haha, andami kong naging friends dahil sa kanya pati na rin kay TR, well, maybe we're destined to be together. HAHA :)))

Tuesday, November 22, 2011

There's no harm in TRYING..

Yes, word of the day, TRYING :)

While on my way to Cainta, I received a text message from a familiar number, and it's from Joshua saying "Hi" while I replied "Hello". Up until now, I still find it weird that he still texts me almost every week and during my hospital duty days. I dont wanna assume but maybe, nakasanayan na lang siguro talaga niya akong i-text. Ako lang naman kase hindi nagtetext sa kanya. Nung mga panahon na galit ako sa kanya, I tried my very best not to miss him though I do. Nung kelangan ko ng makakausap gaya ng mga pag-uusap namin dati, dinadaan ko na lang sa blog, diary, or kinukwento ko na lang sa mga friends ko. Hirap lang i-explain but iba pa rin siya eh. Okay, to make things clear as early as now, I don't have feelings for him anymore. K. So, ayun nga, tinanong niya ako kung bakit di pa ako nagsu-Sun, then sabi ko, hinihintay ko pa yung tawag ni Papa. And sabi niya, "ah okey ingat", and I replied "K" then after few minutes I texted him " Paki-erase na lang number ko ah".

Habang nasa byahe, iniisip ko pa rin yung sinabi ko na burahin niya number ko sa phone niya. He should've done that nung nagalit ako sa kanya, there's no reason that he should text me again, and wala na rin siyang dapat i-explain dahil di naman talaga siya nag-explain. Inabot din ako ng almost a month to move on (yes, that's a much better word to explain everything), thanks to my friends who are always there to cheer me up, Cindy, Dairen, Yon, and my best-est seatmate JA (he knows everything! simula nung naghihinala pa lang siya about kay Joshua hanggang sa mga move on keme, alam niya). 

I won't deny the fact na super nagalit din ako sa kanya, (refer to Open Letter....) but I dont want to be 'bitter' forever. Gaya nga ng sabi ni JA sakin lagi "Alam mo, ang bitter mo!". Yes, bitter na kung bitter, pero I need to resolve things as early as now, habang may chance na maaayos pa. Yes, palagay ko,maaayos pa to given na he still trying to reach out to me, still communicating (though I always reply him lamely), and he wants me to be one of his best friend. I told him that it will take time for me to accept his friendship, yet he answered me that he's willing to wait until I fully accept his sorry. Marami akong nababasa na I should resolve my problems or conflicts, pero huli na nung nag-sink in na sakin. Siguro, I should start fixing things.. 

Me: (Kunwari GM) "Since ayaw ni Papa na mag-change ako ng number for the lone reasen na hindi raw niya alam kung paano tumawag sa sun, looks like I'll be using this number forever. Kindly save it again kids and text me if you want :) "
Him: Kids?
Me: haha, other name for guys :)
Him: Ah..
Me: haha, aga ata ng gising mo ah
Him: oo nga.. Aga ng practice eh.. OTW pa lang ako. haha
Me: ah ingat! Maaga akong nakauwi galing duty kaso di pa ako inaantok :D good luck sa practice.
Him: Ahhh kaen ka na. Ok salamat. Namiss mo ako? haha
Me: Nakakain na 'ko, busog nga eh. Nag-mcdo ako bago umuwi :) haha, kapal! Pasalamat ka wala akong kakwentuhan. [leche, lakas ng tama nung loko, asaness siya!]
 Him: Ahh.. Hanep mcdo pa sya ah. haha.. talaga lang huh? So di mo pala ako namiss. Namiss kasi kita eh. Oha. Hahaha [kapal neto ah! amfeeling, shet!]
 Me: haha, eh gusto ko kasi breakfast nila dun though magastos lang :) Loko, as if naman. Wala ka lang kase kakwentuhan kaya ganun.
Him: Ahh.. Sabagay! Ngek, kaw na nga lang nirereplyan ko eh. Oha, bat mo pala ako dinelete sa fb? haha, ano ba yan Miho. hehe [Leche, sinama pa Miho]
Me: Anung ako lang nirereplyan mo? SAUCE! Edi i-add mo na lang ako ulit. Wala namang matinong makikita sa fb ko eh..
Him: Wala! nevermind. Ngek.. Kaw nag-delete, ako mag-aadd? Haha, ayos.. Kaw bahala.. Ge dito na ako. Brb
Me: Eh alangan naman na ako nagdelete tapos ako mag-aadd ulit. Sounds crazy. Haha. Good luck!
Him: Ok. Kaw bahala. Sige Thanks.

Medyo matino na rin kami mag-usap ngayon compared last month, na parang wala kaming ka-gana gana sa buhay, tapos ang lame pa sumagot at parang pareho lang kaming galit sa mundo.. Masasabi ko namang okey na yung ganito. He's still a friend, and this month marks our 1st year as friends (Nov 2010 ko siya nakilala and, Nov 29 kami unang nagkita. Yes? naaalala ko?). He just failed me once, but he gave me numerous smiles, laughs and motivation. I just hope this will turn out well. Ayoko na ng may nakakasamaan ng loob, or it was just only me na masama ang loob. Oh well, 32 days before christmas, dapat good girl na ako :)

There's no harm in TRYING. Yeah, no harm talaga. Good thing I tried to be good to him this time, and ganun din naman siya. Good luck to us.

Sunday, November 20, 2011

Memory Lane 2: Ang mga orgs, ang "Advo" at AKO :)

Kani-kanina lang, nagba-browse ako ng mga articles sa FEU website then nakarating ako sa article about sa FEU College "Y" Club and Oratorical and Debate Chamber (ORADEC). First Year pa lang ako, alam ko na yung mga organizations na 'to, syempre freshman, excited malaman kung ano ang tungkol sa school niya. Since active student ako way back elementary and high school, gusto kong dalhin yun hanggang college. Yeah, nung org hunt sa school, or also known as TamHunt, super dami ng inapplyan kong orgs. Pero nung huli, wala naman akong napuntahan ni isa. Here are some : 

FEU-Institute of Nursing The Lamp- Official Student Publication of Institute of Nursing (yes, nag-sign up ako dito dahil sa writer din ako nung high school. Tsaka feel ko magwork nun sa mga nursing-related fields. Thrice ako nag-sign up dito kaso nung una, di ako natawag for interview, 2nd di ko maabutan yung ME, third, waley talaga.)

FEU-IN Red Cross Youth Collegiate Council (Gusto kong maging volunteer sa mga nursing-related fields din. Since nursing naman talaga yung focus neto, malaki yung maitutulong niya. Nagka-ID na ako nun kaso nung may mga events na, tinamad na akong pumunta. Once lang ako nakasama sa meeting nila nun. Sayang, inabot lang talaga ako ng katamaran noon)

Tamaraw Volunteers (unforgetable yung pagsali ko dito, maliban sa mga projects nila, eh si Kuya Ramon Victor Roxas yung isang dahilan kung bakit ako sumali. Fortunately, siya nag-interview sa akin noong 2nd year na ako, haha, ansaya ko lang. Member na ako eh, kaso KATAMARAN ko na naman yung umepal.)

FEU Central Student Council (bilang active politician ako nung high school at naging student council officer din ako for 2 years, naisipan kong sumali dito kase siguradong makakarelate ako sa mga tao dito. Feeling ko, ito yung org na maraming exposure sa mga events, in and outside FEU. Waley naman akong balak tumakbo sa eleksyon or anything, gusto ko lang sumali sa mga committee nila)

FEU Church Ministry (pinagsisihan kong hindi ako naging member ng Youth Ministry sa parish namin nung high school, kaya sa FEU ko na dinala yung frustration kong makasali. Ayun, di rin ako naging active :( )

Peer Counselors (ito yung org na makakatulong ako sa mga co-students ko kapag may problema sila. And syempre makakahanap ako ng mga friends dito. Para kasing ang saya ng vibes nila esp dun sa booth nila sa TamHunt.)

FEU Drum and Bugle Corps (sa ilang di nakakaalam, majorette ako mula elementary hanggang high school. Naging leader majorette na rin ako, tumugtog ng xylophone, and nag-drums! Dahil sa drum and lyre namin, mas nahasa ko yung pagsasayaw ko na super fail nung bata pa ako. Since dahil masaya sumayaw, napagtripan ko ring sumali ng DBC. Ang saya kaya ng sumasayaw with baton/flag with a cute skirt!)

FEU Theater Guild (yung totoo, nag-sign up lang ako. Nung huli kase, naisip kong conflict sa time ko to kapag magdu-duty na kami. Sabi kasi nung iba, til 9pm daw kasi practice nila, eh ayaw pa ni Nanay na gabihin ako noon. Gustung-gusto kong umarte, bukod sa maarte ako [LOL], kasali din ako sa drama club namin nung high school.)

College "Y" Club (nung una, di ko alam kung about saan yung org na to, basta sumali ako. Pati nung 2nd year, sumali din ako dito, kaso di rin ako naging active.)

Oratorical and Debate Chamber (eto talaga, dream kong maging DEBATER maliban sa umarte. Gusto ko kasing maging lawyer noon, and dahil sa madaldal at ma-rason akong tao, ito yung sinuggest ng mga english teachers ko. Ilang beses ko na rin kasi napanuod yung Oradec sa ANC dati. Feel na feel ko yung bawat words na sinasabi nila dun.)

So ayan lahat, sa kasamaang palad, di ako naging active at yung iba talaga eh di ko napuntahan. Thrice akong nag-apply sa The Lamp, TamVol, Church Ministry at Peer Counselors; samantalang twice sa RCYCC. Pero above all orgs, sa FEU Advocate ako nagseryoso at tumagal. Nga pala, happy 1st anniversary pala samin this coming December 3 though Nov. 30 ako naging official staffer.

The lamp requirements

IN Committees

Advo TTL

Main reason kaya ako nag-Advo, dahil sa passion ko for writing, wala ng iba. Sumali ako sa Advo ng walang kakilala, or sabihin nating meron din dahil sabay naman kami ni Cindy na nakilala ko ngayong college. Nung unang sign up ko, di ako nag-exam, nung pangalawa naman (2nd year-1st sem) eh tinamad ako. Kaso coming 2nd sem, naisip ko na parang may kulang sakin. Yes, kulang. Parang di ko maramdaman na may nagawa ako for FEU, or wala akong maiiwang alaala, footsteps, contribution, parang ganun. Unang pumasok sa isipan ko: dahil siguro wala akong org. Marami nga akong gustong salihang org, kaso conflict sa oras ko, then nahihiya ako kasi syempre baguhan, baka ma-OP lang ako.

 Kaya ko napiling mag-Advo dahil na rin sa gusto ko sanang mag-MassComm. Gustong-gusto ko na talagang mag-shift dahil desperado na akong walang kapupuntahan yung buhay ko sa nursing dahil mahirap tapos wala namang trabaho sa huli. At gusto kong makita yung sarili ko na nagta-trabaho sa media, either as a reporter or writer. Naging impluwensiya rin sakin yung hilig ko sa pagbabasa ng mga magazines dahil dun ako kumukuha ng inspirasyon, at plano kong makapagtrabaho roon kahit part time lang after graduation. Actually, nung nakita ko yung mga application forms ko sa  St. Paul University at West Visayas State University na di ko naisubmit (and yung course na nilagay ko sa UP, Trinity University of Asia, at FEU), kung hindi AB Journalism, AB Broadcasting eh AB Masscom yung 2nd choice ko.

WVSU form

St. Paul Univ-Iloilo

So ayun nga, nung sumali ako, News, Features, Filipino at Sports yung inilagay ko. Kaso nung exam proper na, pinapili na ako kung nong gusto ko, at ayun, pinili ko ang Sports. Bakit Sports? Sa mga nakakakilala na sakin, hindi lingid sa kaalaman nila na may crush ako sa FEU Basketball Team, o sha, pangalanan na natin... Terrence Bill Romeo po. Okey na? Nag-isip muna akong mabuti kung alin sa apat yung itutuloy ko. News-mula high school, news lagi ginagawa ko. Features- bihira lang ako dyan bilang si Jesna ang laging sa Feats. Filipino- ayun, Filipino writer nga ako sa masthead, pero sa news naman talaga ako. Sports- ang patay na section sa paper namin. may sports section nga, wala namang page tapos 1 article lang about sports para sa buong taon :)) Kaya nung huli, Sports yung pinili ko. Masasabi kong mas may idea ako sa sports ng FEU compared sa iba. Sports page ang una kong babasahin kapag nakakuha ako ng kopya ng Advocate. Nung 1st year, after ng unang panunuod ko ng UAAP Mens Basketball game sa Araneta for the 1st time, nagsimula na akong mag-research about sa history ng FEU Athletics at UAAP. Grabe lang, wala akong kilalang player nung mga panahon yun. Andun lang ako para mag-cheer, tapos wala rin pala akong kilalang player ni isa. Tawag ko sa kanilang lahat habang asa upper box A, "kuya" lahat! Then nagbabasa rin ako ng mga articles about sa mga past and present players. Halos everyday din ako magresearch nun ah! fanatic much ba? :)) Ayun, gusto ko lang din i-try yung section na 'to, for a change. :) Wala akong kilala ni isa sa Advo, at wala ni isang staffer na pamilyar sakin (si Rezzmah na former classmate ko eh nakalimutan ko). Si Sir Ian Evasco (former EIC) lang yung kilala ko, pero di naman ako nakakapagtanong sa kanya about advo and di naman siya nakakapagkwento. Tapos may inadd ako sa fb dati na former Advo rin. 




2nd year (Filipino)

4th year



drum and lyre days


Nung exam proper na, inis-skip ko muna yung 1st part na article-making though may idea na ako kung paano gawin yun. Halos masiraan ako ng bait sa jargons, Nay Lora, mahirap po talaga siya. Dun na lang ako sa bandang likod medyo nadalian, tapos merong pang explanation keme sa may 3rd part. Sa article na ako mismo medyo natagalan, may pagka- essay kase yung gawa ko na may konting tono ng news (feeling ko lang yun). nagpaextend pa nga ako ng oras ng konti noon kay Kuya Bill. HAHA, patapos na kase time ko nun, tapos sabi ko eh 2 sentences na lang :))) Pasalamat na lang talaga at napanuod ko yung game 1 ng finals noon. And ang di ko makakalimutan after nung exam, sumakit ang ulo, binti at puson ko-- ayun, dumating nga yung monthly visit ko. :D

Nung nalaman ko na nakapasa ako sa exam, edi interview na. Pumunta kami ng SM ni Nanay at bumili ng isusuot ko sa isang medyo mamahaling store (yes! lakas ng loob naming gumastos nun bilang super regular pa ng allowance ko, twice a month pa. kaya lagi kaming nagsshopping ni nanay, pero sa di ganun ka-mahal. Nagulat lang ako kay nanay na dun kami pumunta). Since si nanay ang magaling pumili ng damit, siya na yung pinapili ko. :) Nung interview na, sabay kami ni Cindy at sinamahan pa kami ni Ate Chin with picture-picture pa sa labas habang naghihintay. Dun ko na rin nakilala si Jaimer na naging kapatid din namin, pero mas nakakwenthan namin yung classmate niya na si Lynndel na iinterviewhin for Literary. Nung turn ko na sa interview, pinakita ko na medyo confident naman ako, okey yung mga tanong at nakakaba yung iba. Pero mas nakakakaba isipin kung papasa ka o hindi. After interview, pumunta kami ni Cindy sa R.Papa Gym para kunin yung tickets for PCCL sa classmate niyang si Russel (yup, Russel Escoto). Di ko na isasama dito yung phone call keme.haha.

number 9 and 40, me and Cindy :)) then andyan din sina Jaimer, Mish.



nakapost sa labas ng office

with Cindy and Real

us with Lynnedel

with Russel Escoto a year ago. haha, ampayat pa ni gwaponess dito. :)

Ang sabi samin, kinabukasan (Sunday) eh itetext kami, mga bandang tanghali. Since nagsimba kami ni Nanay nun at pumunta sa SM then magkatext kami ni Cindy,namalayan namin na lampas na ng tanghali eh wala pa rin kaming text, kaya inassume na namin na di kami pumasa. Okey lang naman samin kung pumasa o hindi eh, no hard feelings. Kinabukasan, game na ng FEU sa PCCL, tapos nakita namin yung isang girl na naka-advo shirt (si Ate Caryl), medyo nalungkot lang kami konti. Then Martes na kami naitext na pumasa kami. Yeay! :))) Ayun, may assignment, tapos General Assembly na super saya at una kong nakilala eh si tito Ace, and si Ate mona naman yung naka-chikahan ko pati si Ate Joie and nakabonding at nakasama sa nakakahiyang prod yung 2 sibs ko na sina Mish at Jaimer (madaya si Cindy!)


kaming magkakapatid, with Mish and Jaimer

Motherly looove :))) after GA

with EIC, SE, ME, News, Photos, Arts, Sports sections and Asst. Sec

Mula nun, lagi na akong tumatambay sa office after class. Nung una, si June Ace lang kinakausap ko dahil sa ka-section ko siya. Nung huli, dahil na rin sa kadaldalan at kaingayan ko, naging ka-close ko na silang lahat :))

Early days :)

with Photos and Layout (Dec 2010)

1st ever group shot :)

Alumni Homecoming with Kuya Ram, Meyorr and Chris Tsuper

webcam mates :)

Sports siblings 2nd sem, 10-11

Kubo ni Juan bondings :) (Jan.2011)

Sports 10-11 with Ate Reich (Feb 2011)

tambay moments :))

18th birthday with them

minsan sa Ateneo:))) (Jan.)

with meyor and don

Sports (March 2011)

at San Juan arena with Ace for FilOil Cup (May 2011)

with Dairen, Ate Abbey, Kuya Ram



3rd year 1st sem :)

with beatty, nikko, trish. (magkakaribal po kaming tatlo. bow). HAHA (July `11)

Bea, Meyorr, Dairen :)

Cindy and I with Photos '11-12

At Araneta Coliseum for FEU-ADMU game

Yon, Mark and I (Aug `11)

Ate Clar and I at FEU-AdU semis game with Sports and Photos newbies (Sept`11)

sem ender tambay at FEU Grandstand (Oct. `11)

Sembreak/ team building

Nikko. Lhea. Beatty



Kerikeriketch.. Yellloooooow!








Third Year-2nd sem

with sisterette Dana (photos) and sib Janice (news)

with Dairen (news) and Christelle (features)

ME




Ayun, ang haba na pala neto. Talagang super memory lane na to. :)) hehe. hala, inumaga na pala ako :)))