Showing posts with label lakwatsa. Show all posts
Showing posts with label lakwatsa. Show all posts

Sunday, November 3, 2013

Eat. Sleep. Laugh

It's been 2 weeks since I left Manila. And honestly, I miss my apartment, the unli WiFi, and my favorite Starbucks beverage. Well yeah, I miss my friends, too.

Some people were asking me if I'm staying here for good already. Hmm, depende! I can stay here as long as I want because I really missed my Lola. Well, pwede naman talaga na dito na ko mag-stay, but I can't. I already have plans for myself. Medyo na-delay na nga bilang Sept/Oct ko pa balak mag-work. Any, okey naman sakin na umuwi ako dito to take a break from the city, and para makalanghap ng masarap na hangin.
 
I'm here in Puerto Princesa City. Basically, this is not my real home, or my hometown, but since Lola's here I can already consider this as my second home here in Palawan. My vacation here won't be complete if I won't be able to go back to Cuyo. I'm planning to go there next week, kaso titignan ko pa kung okey ba yung panahon. (Ayoko bumyahe ng bagyo. Dambuhala pa naman yung mga alon pauwi samin.) Yung mismong "bahay" na lang talaga uuwian ko dun since di na rin kami nakatira dun, and wala na ring tao. Nakakamiss lang na dati eh ansaya ng bahay namin kahit na tatlo lang kaming nakatira. Okey, medyo madrama na to. Move on.

So far, hindi ako pala-lakwatsa dito sa Puerto. Medyo tinatamad ako gumala. Sa two weeks na andito ako, four times pa lang ako umalis ng bahay. During my first week, nag-meet kami ng childhood neighbor ko sa isang coffee shop sa city proper. Nung pauwi na, na-meet din namin yung isa pa naming classmate nung high school. Medyo small world :)

Then pumunta rin ako ng Baywalk mag-isa. Di naman sa nagda-drama, tinry ko lang gumala mag-isa. Then after ilang years eh nakapag-bike rin ako. Marunong pa pala akong mag-bike eh!

Recently, pumunta naman kami ng pinsan ko sa Baker's Hill. Everytime na pumupunta ako dun, nag-iiba yung place :)) Nag-enjoy naman ako, maliban sa mga fail photos nung pinsan ko bilang naloloka raw sya sa camera ko. Medyo nainggit ako dun sa mga families na nagto-tour dun sa place kasi andami nila. Natuwa ako dun sa nakasalubong ko sa park kasi may isang guy (na same age ko lang yata) na inaalalayan yung Lola nya na naglalakad. Ang adorable nilang tignan. Kaso, after nya alalayan yung Lola nya, nakasalubong ko uli sya. Lech, ambango nya! Hahaha. Naligo ata sa perfume yun eh! Sayang, #SPARKS sana :P
 
Ayun nga, di naman ako pumunta dito para mag-bakasyon grande. I think, umuwi ako dito para magpahinga. Feeling ko eh pagod na pagod ako. Stressful mamuhay sa syudad eh. Dito, tahimik and simple lang buhay. So far, tumataba na yung cheeks ko. Buti na lang. At tulog lang ako ng tulog :D And, syempre tawa ng tawa dahil sa mga kalokohan ni Lola. Parang bumalik lang din ako sa dati kong buhay, simple pero masaya :)

Monday, December 24, 2012

Holiday rundown

Since isa akong napakalaking tamad, iso-sort ko nalang yung topics keme dito :))

Acads:
Seryoso, nakakapagod! Partida 1 month and 1/2 pa lang yan? Buti na lang may Christmas break! Sana may Valentines Day break din! :)

Advo Christmas Party:
Seryoso, sa byahe ako super napagod. Papunta and pauwi, grabe yung dinanas ko (exagge yung grabe ha!). Maria Clara-Morayta-Ortigas-Buendia-Pansol. tapos nagtext si Joshua na sa Morayta daw sya. Malas naman, nagkita pa sana kami. Kaso nakakainis, nagpapaload sakin? Wow, ano kami? Magjowa? Ngek! fast forward! Sa byahe, di ako ma-kalma kasi gagabihin na ako then wala pa akong nabibiling food. Good thing eh updated ako sa ganap ni JH kaya sya na lang inutusan ko. Tapos nung di sya makontak ng madla, ako pa tumatawag. Haynako, call center na akez. Super forward! Pagdating sa venue, medyo nahirapan ako mag-blend sa mga tao. Ewan ko ba? Since may nararamdaman ako sa katawan ko, hormonal imbalance to malamang. Buti na lang eh di ako nag-iisa sa pakiramdam na yun at nag-bonding kami ni Pinsan Marione sa rooftop. Pagbaba namin, wala ng food. Kdie. Halos di ako makasingit as videoke, pila-pila eh. 

Tapos nung may inuman na, uminom na ko para lang may magawa ako sa buhay ko. Lame. Nung games na, ayun nagkandahilo-hilo ako. Tapos may games din samin na outgoing na super tagal kaya inabot kami ng madaling araw. Tss. So ayun nga, nag-swimming na lang ako after with Cindy and Sports tapos may pare-pare session na naman dun sa gilid pero di na ko sumali. Grabe, para akong biik na hinahatak papunta dun kaso ayoko. Hello? Tinatanong pa ba yun? Ayoko sumali kasi andun si JH. Eh baka sabunin ako. Pag minamalas ka nga nman, ako pa unang challenge. Iki-kiss daw ako ni JH. SERYOSO KAYO? Eh syempre conservative ako kaya ayoko. Eh pano kung na-push yun? Jusko, baka nilunod ko na sarili ko on the spot. Pinuntahan pa nya ako sa kinauupuan ko ha. He knows me very well, syempre bilang andami ko na naikwento sa kanya. Kaya nung sinabi ko na "No, JH. You know me", di na nya tinuloy. Pero seryoso number2, iba yung tono ng pagkakasabi nya ng "game". 

Juskupo! Moving on, tinanong ako ni Cindy kung okey lang ako. Well, wala naman akong problema, sanay na ko pag may kalokohan ang barkada kaya napagpapasensyahan. Pero si JH syempre iniisip ko kaya kinausap ko sya. Chill lang naman na usapan, tropa-tropa. Di nga lang napatagal kasi kinorner sya ni Cielo at hanggang nag-inuman na sila hanggang umaga. Samantalang ako, bantay sarado ni Cindy. HAHA. Syempre 19 pa lang ako tapos 21 na sya, halos papasa na syang guardian maliban sa editor ko :))

Nung umaga na, certified bangenge na sya. HAHA. Ume-english na eh tapos iba-iba na facial expressions nya. Nakakatuwa lang. Haha. Naloka ako nung sinabi nya na "Lhea, kakanta pa tayo ng boyband!". naalala pa nya yun? Eh tagal na namin napag-usapan yun ha. Tapos meron pang "Kita mo, kahit lasing na ko nakakanta ko pa yan ng maayos", "Ngayon lang ako nalasing ulit after 1st year", "Aware pa naman ako sa mga ginagawa ko", "Masaya naman. Bawal ba maging masaya?" :)

Nag-split na kami nung maliligo na sya at maliligo na rin ako. After nun, dumiretso ako sa kubo para manuod ng Inuyasha tapos nakatulog ako habang nakasandal si pinsan Marione. Nung nagising ako, andun na si Cindy then lumipat na ko sa girls room with pamangkin Aaron. Paggising ko, exchange gift na! Eh naiwan ko pala yung regalo ko kay Marione! FAIL! :P Binigay ko na rin gift ko  kay Cindy and Sports boys. Umakyat kaming lahat sa rooftop then picture na with the whole advo. 30 pala kami eksakto! Nung medyo nagkakagulo ang people, binigay ko na yung gift. Ayun, masaya naman sya. tapos may picture pa kami na parang bigayan lang ng diploma! HAHAHA.

Nung umalis na yung 1st batch, tumambay muna ako sa may billiards (2nd floor) then nag-videoke with Buts and Jerome. Nung huli, magka-duet na kami ni JH plus rap session pa. Moving on, umuwi na yung 2nd batch then gumala pa kami ng calamba. As usual, kami na naman magkasama. then picture picture dun sa bantayog ni Rizal then SM Calamba. Dami na naman naming napag-usapan pati na mga cake. Since matagal ang food sa chowking, pumila kami para sa cake. Tapos nung pauwi, hinatid nya kami sa sakayan ng bus. Then 2 hours byahe namin. Nakatulog na ko ha, tapos nagising ako, Makati na. tapos nag-jeep pa kami ni rogie. KFINE.

Christmas Shopping
Anlaki ng gastos ko SWEAR! Aabot ata sa 5K. Tepok ako neto. Kaya namumuhay ako ng tipid after christmas. HAHA

Christmas Gala.
Ilang beses na rin ako gumala. Una with Ate Reich, Don, Janice then Bro Franz. Di na ko napagod eh no.

Advices.
Puro love lang naman inaadvice sakin eh. Isa raw akong napakalaking bobo. Sabi nga ni Catherine "matalino ka nga sa academics, bobo ka naman sa love". HAHAHA. Thank you friends! :P Since super vinavalue ko ang sinasabi ng ibang tao, parang gusto ko na gumawa ng aklat. HAHA. Syempre iba pa rin pag may advices. Mahirap maging impulsive, dapat pinag-iisipan lahat ng bagay.

Reminiscing Christmas with Lola and Nanay.
Miss ko na sila. Miss ko na yung simpleng Nochue Buena namin. Magsisimba, tapos uuwi ng bahay na may pancit, sinakol, suman and cake. tapos anlamig pa ng simoy ng hangin. Aww. naiiyak ako. Di na mauulit yun kahit kelan. Naiinggit ako sa mga bata na kasama pa nila nanay nila, sana i-treasure nila yung mga moments na magkakasama sila kasi di mo alam kung hanggang kelan kayo magkasama. Partida super tinreasure ko moments namin pero ang hirap pa rin pala. 

OC attack. 
Since 2 na lang kami ni Ate, malinis na ang bahay. Yuhooo! :D

Katamaran
Di ako pumunta kina Tita Flor. Tinamad ako eh!

----Di man lang pala ako nakapagsimba -_____-

Thursday, November 29, 2012

Aside

This evening, nakumpleto ang "Don's Angels", with me, Yon, and Beatty. So usually pag magkakasama kami, puro asaran o lokohan lang. And this time, ako ang puntirya nila lalo na ni Beatty Lyn. HAHAHA

It started nung paalis na kami ng office para mag-merienda sa R. Papa. Sabi ni Beatty, mang-invite pa ako, so nang-invite naman ako ng mga iba pang friends namin. Eh syempre tropa, puro malisya na naman kina Yon and Beatty bilang nasa loob si JH at iniisip nila na sasama samin. Nung paalis na kami, lumabas si JH and nakisabay samin til LB. Magre-research pa raw sya sa library kaya separate yung ways namin.

Pagdating ng Hepalane, edi ako ang bida ng tuksuhan. The last time na nag-usap kami ni Beatty, sa Starbucks P.Noval pa.

Me: Beatty, I learned a lot from you since nung last tayo nagkita.
Beatty: eh ano ginagawa mo?
Me: Ayun, di ko pinapansin pag pumapasok ng office. Tapos di  magpapansinan, hintayan kung sino unang magsasalita, then pag nagpasama sya/ako sa labas, dun pa kami magdadaldalan.
Beatty; Ba yan Lhea! Very wrong ka!
Me: 2 weeks ko na ginagawa yan eh.
B: Hello? Eh parang iniiwasan mo na yung tao eh! Di ko sinabing tuluy-tuloy, dapat paminsan-minsan lang. Kinareer mo naman?
M: oo, kinareer ko. Sabi mo kasi eh.
B: Hahaha, Nako Lhea wag ganyan, darating yung araw na di na talaga kayo mag-uusap.
M: Ay ganun ba? Aww, sige. Mali pala ako.
B: hay, nakikita ko talaga sarili ko sayo Lhea.

---Kitams, may coach ako o! :) HAHA. Kailangan sumunod sa nakakatanda :)) Ika nga ni Lola "Eksperyensyado na" :)

So, pagbalik ko ng office, di na ko nang-iisnob. Haha, di naman kasi snob yun, nagtitimpi lang ako na di sya pansinin, or di ako dapat ang maunang pumansin sa kanya. Pati si Beatty eh nakakahalata na di kami nagpapansinan.

Moving on, before uwian nagpicture-an kami sa bagong Pavilion. Yeay! Buti na lang maganda ang ilaw! :) Pansin ko yung mga the moves nina Don, Beatty, Yon. HAHAHA. Kayo talaga gumagawa ng paraan eh.

---
Nung pag-uwi ko, nagka-text kami about long weekend and work. Nakakaloka lang kasi mas busy pa sya sakin! Hay, di ko tuloy alam kung mas toxic ang Fine Arts kesa sa Nursing.

Since thesis mode si JH ngayon, andami nyang dalang libro. Ayun, mga 1:30, nagtext sya na nakita raw nya ang Cuyo sa Phil. Tourism book na hiniram nya and ang ganda raw, sarap daw puntahan. HAHA, Kfine. Edi sama na lang sya pag umuwi ako after graduation nya (which is RN na ako nun in god's will!) tapos with Advo friends din. Naiimagine ko ang kaguluhan sa bahay--eh nagsama-sama mga taga Advo eh (Okey lang, ako lang naman ata magiging tao sa bahay pag-uwi ko ng province).


Okey, i need to sleep na! LONG WEEKEND! :))

Wednesday, November 28, 2012

Of Milk Tea and Sisterly Bonding

And I declare Thursday morning as our official Milk Tea bonding time with Ate Rej. :))

Im a big fan of milk tea and frappe kaya madalas ako tumambay dito sa Moonleaf Tea Shop. Usually, Advo friends ko kasama ko, pero ngayon sinasama ko na rin mga groupmates ko :)

Since enjoy na enjoy namin ni Ate ang wifi dito, tahimik lang kaming dalawa and busy doing our own business. Me, busy with my paperworks, at sya, busy sa pag-iInstagram and paglalaro sa ipad nya. All of a sudden, biglang nagsalita si Ate.

Ate Rej: Lhea, kung magkakaboyfriend ka, mag-eenjoy ba kayo sa ganito lang? Yung magkasama kayo pero tahimik lang. Tapos pareho kayong may ginagawa sa lapto nyo.
Me: Umm, okey lang. Ayoko naman kasi ng madaldal na kasama minsan.
Ate Rej: Ay ako rin!
Me: Pero ate ha, napaisip ako dun! Parang gusto ko lang yung "Tara. Samahan mo ko" :D
Ate Rej: Ako rin eh, napaisip ako. Di ko maimagine na tahimik ka sa napaka-habang oras. Nakakapanibago yun!
Me: HAHAHA

Actually, kaya ako tahimik kasi kelangan kong tapusin ang article ko today. HAHA. Tsaka medyo masama rin pakiramdam ko. Oh well. :)

-----
Minsan talaga tahimik ako. Sa bahay lang yata ako ganito eh. :D

Saturday, August 4, 2012

Absences

Yes, I'm very particular with my absences for this year. Actually, nung 3rd year-1st sem, once lang ako umabsent (Ethics, Humanities, Rizal, all in one day) dahil sa FEU-Adamson Semis Game 1. Ako kasi yung nag-volunteer na magcover nun bilang puro majors ang klase nina Tito Ace and Cindy. Pero, super dami naman ang absences ko sa NOL. HAHAHA. Diba sabi ko nga kanina eh "very particular" ako, eto tuloy, nililista ko mga absences ko.

NCM
1st day of classes pa lang eh wala na ko dito kasi tinamad ako bumangon. HAHA. Gandang rason diba? So natulog na lang talaga ako nun. :)

Elective
Same din with NCM. Dalawa lang kasi subject ko nung 1st day eh :)

NCI
Umabsent ako dito dahil sa FEU vs Adamson game last week. Eh kasi naman, di talaga ako manunuod. Eh kaso pagdating ko ng office, nag-aya si Armen, ayun absent na tuloy. Hirap talaga umayaw sa barkada :))

NCA
Absent ako nung Thursday! Almost 1:30 na kasi natapos yung media prep  namin for research, tapos nag-lunch pa kami ni Ate Reich kaya ayun, di na ko nakapasok.

Research
Sa lahat ng di ko papasukan, eto pa? Actually, sarap ng tulog ko kaya napabayaan ko to. Super kaba ko kasi may quiz yata kami. IM DEAD! Tapos di pa nagrereply yung Co-Leader ko, kaya feeling ko galit sila sakin. Waaaaah.

NOL
Kailangan pa bang isama to? Ayun, as usual eh lagi akong wala dito. Pero sorry na lang, 3 lang absent ko dito, out of 6 :))))


--Sorry na, napakatamad ko yatang bata. Di na ko papasobra ng absent dyan. SWEAR! :)

Saturday, January 21, 2012

Press Play 2012

I think, this week was totally a blast. IAS and IN week plus Press Play! :)

This year's Press Play was in La Salle in celebration of their Media Week. This was the tie up of Ateneo's The Guidon and DLSU's The La Sallian. It was an advance seminar for students who are in line with Journalism. Some student publications present was UPHSD, Veritas, Mapua, Letran and FEU.

I definitely learned a lot from this seminar--especially dun sa Investigative Reporting/Journalism in relation with the New Media. Our resource speaker was Mr Ed Lingao of PCIJ and he was also a print and television personality since he wrote for Manila Times before and then a reporter in The Correspondents. Though he only had a short time to discuss everything to us, but he left us with a mark. He gave us tips, motivational messages and also POV's. During the Q&A, I asked him a lot of questions since Im interested with his topic and I see journalism and broadcasting as my last resort since Nursing is kinda...umm, declining. First I asked him if media (broadcasting companies, publications) would accept someone who didn't even finished a Comm course and it's only experience is working in the student publication. So Sir Lingao asked me back if why did I became so interested with journ or broadcasting and I answered him. I wont forget some of the things that he said like "Bago ka pumasok sa broadcasting, dapat unang-una marunong ka magsulat" and "It doesn't matter what you are (nursing student), but it is on how you do it (journalism)". He cited some examples and his own experiences. A producer won't choose you just because you are beautiful, has a fair complexion and white underarms (yeah, he said that), but he will first let you write and then it is the time that he will judge you. Then on field reporting, I also asked him his if he already had a contact on his assigned place, how does he formulate questions..etc. He let us watch some videos from early 2000's especially from ABC5 and ABS-CBN. We saw a lot of familiar faces including Zaldy Ampatuan ( yeah, I was able to recognize him since the setting was in Datu Aguak in Maguindanao. And he was so young then, you won't think that he'll gonna be the mastermind of maguindanao massacre after 9 years!).

Aside from that, he also tackled the rise of new media and the rapid decline of newspapers in the US. It's quite alarming and we teenagers forgot to read newspapers and totally rely on Yahoo which aggregates some top news in mainstream media like NY Times and the likes. According to a website, they predicted the death of newspapers after 5 years. They also made a study on the internet usage of the Filipinos. We are now tagged as the World's Largest Internet Users with 93.3%. Every Filipinos use the internet for 7 hours in a month but in reality, especially here in Manila, 7 hours is just a small number. We can stay up to 12 hours or more during weekends. Actually, we dont fully utilize the internet properly. Some people from the province go to internet shops just to update their statuses and play games but little did they know, they can get a lot of informations. INFORMATIONS in the internet are somewhat viral, even pictures and videos. Well, I cant elaborate more about that cause it seems like Im already lecturing. haha.

Going back, being in media is an adventure. Some may say that news is boring, but hey, you can do a lot of things with news. Others complain that their audiences (students) are very passive in the news that they are publishing, they dont even care on school issues, etc. An editor from a university shared that their newspaper are bring checked first by the admin of their school. The admin wants to make sure that the paper wont give any bad image with their school, but it seems like they (admin) are controlling the press freedom. I dont really know the whole story but it seems to be somewhat like that. Good thing in FEU, we have freedom to publish news which aims to inform the students with the current happenings and issues and the admin doesn't check our galley before we send it to the publishing house. I wonder if we are in the same situation with that editor. hmm. Hey! Where am I heading to? I thought this blog was about my adventures today?

Going back again, we had our lunch at their canteen. It has the same ambiance with EB canteen and the also have big fans like those on Pav 2. While roaming around, I somewhat felt that "college vibe/ambiance". I dunno why but I like La Salle's vibe, it's kinda different (well, maybe because it was a big university and it is in a different location. hmm, pwede). People there loves to wear statement shirts of DLSU and are very simple. The La Sallian's staffers are very hospitable especially their (very cute, ahem) ME and the funny girl (whose actions are very Maskom, like she called scissors as "jonting". COOL!) Someone from the staff looks like Enchong Dee (the slimmer version), and I thought that guy was a celebrity. haha.

On our second session, we agreed on Photojourn since majority of us went to IR and Jude was separated since he joined the Visual Arts seminar. To our surprise, the speaker, who was a La Sallian and Manila Bulletin photographer was an acquaintance of Jude! They knew each other during UAAP Men's basketball tournament last semester, and! he's an RR Garcia fan (can you believe that?! definitely cool!). He gave us basic knowledge on photojournalism and important points. I may not be a photographer but Im really interested on pictures (maybe because I easily remember pictures than words.. something like that.) He also shared his NINJA stories (Jude, alam mo yan!), which are quite risky and adventurous! "Photographers go to places that other people fears to go" (parang ganun ata).

After the seminar, I asked Kuya Andrew about Joel (my acquaintance from ITH) but they know him as Tim (his nickname) and I told them that we know each other months ago, and kinakamusta ko siya (we had a nice talk during ITH). And then, all of them said "Ayieee", and I just laughed. Their ME invited us for a snack and then attend also their party. I was thrilled since it's gonna be my first time to attend their party but unluckily, my advo mates wants to go home early. So we just roamed around the La Salle campus, seached for Bro Andrew Gonzales Bldg, had a mini picnic in front of Yuchengco Hall, explained about architecture kemps, then picture taking before going home. Buts and Marra made me laugh hard because of their conyo way of speaking, but contrary to what they are expecting, we all conversed in Filipino and they are not conyo. :) I also bought a lanyard with NERDY printed in it. I should've chose the SPORTY one since Im from sports section. hihi :)))

Thanks to Jude for taking the photos, Buts and Marra for making me laugh, Nikky, Glesa, Jan (with his fab hair. SUPER LIKE!), and Bambi (Happy Birthday!) :))) Hope to spend more time with you and more seminars to come!

--Yours truly, The Senior Citizen Lhea :)))

Monday, January 16, 2012

Let's PUSH this! :)

Stressful day. Parang namatayan ata ako ng neurons nitong hapon, but anyway another learning experience for me. I admit na matagal ako magsulat, pero kapag na-time pressure ako just like what happened last sem na torn ako between articles and nursing-related paperworks plus pressuring groupmates and their rants, napapabilis ko yung ginagawa ko, yet not sure sa quality ng ginawa ko, pero binuhos ko naman yung makakaya ko dun.

Kaming tatlo nina Ace and Cindy yung medyo pagod yung braaaaains but still we remained calm and pakanta-kanta pa. I think, that's what I love Sports, kalmado despite of some things. We can adapt to stress and divert problems/pressure to other things. Sa kaka-edit, inabot kami ng 9pm sa school. Kami-kami na lang magkakasama nina Juju, Janice, Rits, Don and Ace. Pagdating ng kanto ng Morayta, nag-aya si Don na mag-Starbucks samantalang umuwi na si Juju. Eventually, tumuloy kami ng P. Noval pero nag-withdraw na muna dahil sa mapapagastos kami for sure. Habang naglalakad, iniisip ko yung stickers ko for planner na balak kong ibigay sa best friend Faye ko and i-libre na rin si June Ace na na-stress ko masyado at medyo sinisinat pa.

As we arrived sa Starbucks-P. Noval, pumila na rin ako para bumili. At dahil sa di ako nagsasawa sa chocolate chip cream plus cinnamon swirl na super favorite ko, yun na yung binili ko and dinner na rin, plus yung caramel macchiato ni Tito Juneys. Nung bumili naman si Don, pinagamit ko sa kanya yung planner ko. Buti na lang at mabait yung cashier at nilagay niya sa featured beverage side yung sticker and pati na rin yung kay Rits. Yehey! I'm 4 stickers away for another planner!

Nga pala, nandun din yung SC family ni Pareng Cee ni Dairen including a former Advo staffer and some familiar faces. Di naman naging awkward na andun kami (well, if you know what happened last August, and sa opinions nung Aug ish din, eh mage-gets mo na), pero parang feeling ko lang eh may 2 different forces na andun malapit sa kuta ng mga tigre :))) Any, nung kumpleto na kami, na-HOT SEAT ako bigla bilang pauso ni June Ace. Akala ko naman eh love-life related yung magiging topic (alam naman nating so bad ako sa area na yun). Org-related actually yung usapan and tanungan and kung ano yung nafo-foresee sa mga susunod na months. Medyo chill lang ako sumagot and come what may na lang ---kung ano yung darating eh yun na lang (tinagalog ko lang eh no). Tapos may mga chikahan din kami and tawanan. Parang bitin nga yung pagse-stay namin. Sana napaaga kami ng punta para napahaba yung kwentuhan namin. Though napagastos ako dahil sa katakawan ko sa Starbucks, eh okey lang naman. Nabusog naman ako and masaya kaming nandun. Looking forward for more bonding moments kahit saan man yan. :">

Sabay kami pauwi ni Janice, 1st time lang daw niya umuwi ng ganung oras. Pagdating namin sa kanto ng P. Noval and Dapitan, nakita ko sa may Mamang Taho si Kuya Gryann (maisingit lang) then sumakay na kami ng jeep. Mga 11 na rin ako nakauwi sa bahay :) Pagdating ko, napansin ko na nawawala yung coin purse ko. Sayang yung 80 pesos ko dun ah :| Pero kung kailangan talaga ng tao yung pera, sana binalik na lang niya yung wallet ko, matagal ko ng kasama sa buhay yun eh :( Parang pareho lang din kami ng drama ni JH bilang nakuha ata yung ID niya pero binalik naman. Parang gusto lang ata malaman nung tao yung name ni JH eh. HAHA. :D para-paraan din para malaman yung name eh no, dinadaaan sa pagnanakaw ng ID. Eh sorry naman daw, hopeless. LOL :D Imba pa reply sa message ko na, di na raw siya magpapakulay ng hair, kung magpapakulay man sya, it would be black (plus smiley). HAHA. (okey, ambabaw ko).

So magka-Tweet kami nina Dairen and Cindy. Then binasa ko na rin yung blog nilang dalawa.

Hear my Heart Beat: Ano ba naman yan, parang nauulit lang sayo yung ginagawa ko kay nanay dati na kunwari chill lang ako and everythign will be fine pero yung totoo eh nag-aalala ako. Wag ka munang umalis pwede? Pwedeng sabay na tayo sa April 2013? Mahirap pa sa mga panahong 'to. Alam mo naman na tatatlo na lang tayong gumagalaw and di pa natin maaasahan masyado yung mga pinsan natin. 2 months na lang and makakalasap na rin tayo ng bakasyon (maliban sakin na buong summer na magdu-duty). Hold on, kaya natin to :)

Make Believe/Mixed Signals: Kung san ka masaya, dun din ako :) IDK kung what team ako eh. :P And sa acads and other problems mo, kaya mo yan. Keep smiling and feeling ko naman, napapasaya ka ni Polar Bear at nakakalimutan mo yung problems mo. Push lang ng push! :)))


Time check: 3:23am! Pupunta pa ako ng Novaliches later! :))) Bayie!

Thursday, January 12, 2012

Kroo Kroo post

Today was a..... FAIRY TALE. Joke. Sorry at WALEY yung intro ko, wala lang din kasi akong maisip. Nothing super duper mega special na happening today, ordinary day lang.

Pagkagising ko kanina, nanuod ako ng Showtime at inabangan yung performance nung EAC. WOW lang, galing nila! :) Good thing, sila rin yung nanalo, nakaka-proud. Anyway, 10am na pala ako nagising kaya absent ako sa NOL ko. Bukas, kelangan kong magising ng maaga para dun, ayoko na umabsent eh. 

Habang kumakain, nagrereview din ako para sa NCM namin. This time, ayokong bumaba sa 2.75 yung grade ko dun. Kelangan kong ipush ang NCM ng very hard. Buti na lang at medyo madali yung quiz kaya sigurado kong mataas yung nakuha ko. Super thanks sa clinical instructor at madali akong matuto sa kanya :) pati na rin sa seatmate ko na si Kuya Ramon at sa sobrang tanungan namin, yun pala yung mga lalabas sa quiz.

Habang naglalakad ako mag-isa sa Piyu kanina, napaka-LUTANG ko pala. Marami-rami ring nakakita sakin na parang nakatulala lang kanina. Sina Jerome naman, pinagtatawanan ako kasi mukha raw akong mag-isa sa mundo, tapos si Kaye (MassCom friend) tinatawag ako sa EB, and si Abhie (former classmate) eh binabangga at katabi ko na sa St Jude, di ko pa rin napansin. What's happening LHEA? May hanash ka?

Anyway, nagkwento si Dairen na kasama daw niya sa cover si Ji Hoo. HALA! Di ko pa talaga nakikita si Ji Hoo after nung Silent SAnctuary gig. According kay Dairen (syempre, bilang news writer siya, news reporter ko rin siya), maganda raw hair ni JH ngayon bilang super balck siya with matching fly-away keme sa hair na siya namang bagay sa kanya. Based naman sa nakita ko sa cover photo niya, okey naman yung hair kaso halos pareho lang ng hair niya before. Nakakamiss din kasi yung blonde hair niya and yung "good boy" hair niya nung team building. Not to mention na naalala ko na may sky blue v-neck shirt siya na super pareho sa almost-forgotten v-neck shirt ko rin. Yun lang. Sana makita ko siya next time at iingayan ko na naman yung "tahimik" niyang buhay (as described by my Nanay Lora and Ate Mona).
Taken last July. Ji Hoo wearing my glasses.
Nakakatuwa at naalala kong may kinuha pala akong picture niya sa phone ni Cindy. Nagfreak-out lang ako konti kasi akala ko eh dinispose na ni Cindy yugn Samsung phone niya. Hihi, very bagay yung white v-neck plus glasses, (konti na lang magkahawig na sila ni Kevin).



As of now, eto yung kinababaliwan ko. Try listening the song, damang-dama ko yung feelings ng song. Imba naman kasi si Jung Yong Hwa, lahat na ata ng kagwapuhan at kagandahan ng boses nasalo niya. Sa ngayon, isa 'to sa mga nagpapa-relax sakin. Di man ako super kinikilig sa series na 'to, napaisip naman niya ako ng malalim. Gusto ko yung plot ng story, simple lang pero catchy. And! Nahuhumaling na ata ako sa KPop, not SuJu or SNSD, pero yung parang mga OST yung mga bet ko. :))


On the other hand, nagsimba kami nina Dairen at Jerome sa St. Jude bilang wala kaming PolSci class. Refreshing mag-simba, since first mass na na-attendan ko yun for this year. After nung mass, may naamoy kaming masarap na food kaya bumili kami ng chicken skin with vinegar. Paglabas naman nung gate, sabi ni Dairen "Ui, may ice cream! tara, kain tayo." So, kumain naman kami. Nakakatuwa yung batang lumapit sakin na namamalimos. Malinis siya, at mukhang middle class kid (siyempre naman, magaling akong kumilatis ng bata). Mukha pa siyang matalino.

Bata: Ate, palimos po
Me: Naku, wala na akong pera eh. Eto na lang yung sayo, chicken skin
B: May suka na 'to?
M: yup, meron na yan.
B: Kuya (referring to Jerome), palimos po
Jerome: Wala na akong pera eh.
B: Kahit barya o cheke man lang dyan?

So natawa naman kami sa huling hirit niya. Kaya ayun, dahil nangungulit na siya, umalis na kami.

Me: nakakatuwa yung batang yun, parang di mahirap.
Dairen: oo nga eh, malinis.
Me: baka naman pagtalikod natin, tinawag yaya niya. "Yaya, will you eat this icky thing!"
Me, Dairen,Jerome: Hahaha
Jerome: Eh baka nga pagtalikod natin, sumakay na agad siya sa kotse niya
Me and Dairen: *tawa

Nung pauwi na, laughtrip din 'tong si jerome, sasakay na sa Pasig-Quiapo na jeep. HAHA. :)) Sinamahan ko na muna si Dairen na magpa-xerox then umuwi na ako. Bumili muna ako ng sim card kasi mukang dedo na ata yung globe simcard ko.

kainis, 120 pesos load din yung naubos dahil sa GM ko na yun ah! bilis makakain ng load. :D


Haaaayh, HISTORY assignment na yung aatupagin ko at makikinig na muna ako sa KPop songs sa lappy ko bilang parang ang creepy ng feeling ko at todo comment pa ako sa picture ni Nikko sa bahay na pula. Para tuloy gusto kong pumunta dun minsan. hihi :))