Showing posts with label #faye #cindy #clarice #cutting class. Show all posts
Showing posts with label #faye #cindy #clarice #cutting class. Show all posts

Thursday, January 19, 2012

IAS Week

And Im not supposed to blog about IAS week since IN week din kasi, hehe. Ayun, napa-blog lang ako since masaya ako tonight dahil sa Sponge Cola gig with Dairen and Eli. Sadly, dahil sa di agad sila "tumambay" sa harap, nasa gilid lang kami. :))) I was able to video Yael singing Kay Tagal kang Hinintay. Damn, ramdam ko yung song! Sayang at kulang ang "tropa" namin bilang waley si Armen.

After ng gig, nag-dinner naman kami ni Dairen sa KFC. Ayun, chika-chikahan din :)

An hour ago, lumabas sa news feed ko yung status ng isang older friend ko (approx 22 yrs old. haha). Medyo unusual lang na nag-status siya ng ganun kasi knowing him, di siya napapaisip ng ganun, so parang may hugot lang yung status niya. Then nung nag-comment ako, sabi niya, may narealize lang siya and nagulat ako nung kinumusta niya ako (ilang days ko na rin siyang di nakikita actually). Unusual na parang natuwa ako kasi naitanong niya na "how r u?" since medyo di nga kami super close before but eventually naging close na rin nitong huli. Happy lang ako na may napapasaya akong tao paminsan minsan and sila rin, napapasaya nila ako. I thank God na ginawa niya akong ganito, nakakairita man ako sa kaingayan, kadaldalan at sa pagiging pasaway ko, marami pa ring natutuwa sakin. Yun lang :)

Masingit lang.. After nung PolSci class ko, diretso office na sana ako dahil sa GA namin kaso tapos na pala and nasa Pav 2 sina Ace and Cindy. Pinapaamin ako ni Tito Juneys (kung ano mang aaminin ko), kaso puro about acads! Grabe, parang last sem eh chill lang ako sa acads ko since stable naman sila. Medyo nalungkot ako dun sa mapping kemps sa History but Im pretty doing good naman sa PolSci and NCM. Sana di ako iligwak ni NOL. I still believe. Ayun :))

Monday, January 16, 2012

Let's PUSH this! :)

Stressful day. Parang namatayan ata ako ng neurons nitong hapon, but anyway another learning experience for me. I admit na matagal ako magsulat, pero kapag na-time pressure ako just like what happened last sem na torn ako between articles and nursing-related paperworks plus pressuring groupmates and their rants, napapabilis ko yung ginagawa ko, yet not sure sa quality ng ginawa ko, pero binuhos ko naman yung makakaya ko dun.

Kaming tatlo nina Ace and Cindy yung medyo pagod yung braaaaains but still we remained calm and pakanta-kanta pa. I think, that's what I love Sports, kalmado despite of some things. We can adapt to stress and divert problems/pressure to other things. Sa kaka-edit, inabot kami ng 9pm sa school. Kami-kami na lang magkakasama nina Juju, Janice, Rits, Don and Ace. Pagdating ng kanto ng Morayta, nag-aya si Don na mag-Starbucks samantalang umuwi na si Juju. Eventually, tumuloy kami ng P. Noval pero nag-withdraw na muna dahil sa mapapagastos kami for sure. Habang naglalakad, iniisip ko yung stickers ko for planner na balak kong ibigay sa best friend Faye ko and i-libre na rin si June Ace na na-stress ko masyado at medyo sinisinat pa.

As we arrived sa Starbucks-P. Noval, pumila na rin ako para bumili. At dahil sa di ako nagsasawa sa chocolate chip cream plus cinnamon swirl na super favorite ko, yun na yung binili ko and dinner na rin, plus yung caramel macchiato ni Tito Juneys. Nung bumili naman si Don, pinagamit ko sa kanya yung planner ko. Buti na lang at mabait yung cashier at nilagay niya sa featured beverage side yung sticker and pati na rin yung kay Rits. Yehey! I'm 4 stickers away for another planner!

Nga pala, nandun din yung SC family ni Pareng Cee ni Dairen including a former Advo staffer and some familiar faces. Di naman naging awkward na andun kami (well, if you know what happened last August, and sa opinions nung Aug ish din, eh mage-gets mo na), pero parang feeling ko lang eh may 2 different forces na andun malapit sa kuta ng mga tigre :))) Any, nung kumpleto na kami, na-HOT SEAT ako bigla bilang pauso ni June Ace. Akala ko naman eh love-life related yung magiging topic (alam naman nating so bad ako sa area na yun). Org-related actually yung usapan and tanungan and kung ano yung nafo-foresee sa mga susunod na months. Medyo chill lang ako sumagot and come what may na lang ---kung ano yung darating eh yun na lang (tinagalog ko lang eh no). Tapos may mga chikahan din kami and tawanan. Parang bitin nga yung pagse-stay namin. Sana napaaga kami ng punta para napahaba yung kwentuhan namin. Though napagastos ako dahil sa katakawan ko sa Starbucks, eh okey lang naman. Nabusog naman ako and masaya kaming nandun. Looking forward for more bonding moments kahit saan man yan. :">

Sabay kami pauwi ni Janice, 1st time lang daw niya umuwi ng ganung oras. Pagdating namin sa kanto ng P. Noval and Dapitan, nakita ko sa may Mamang Taho si Kuya Gryann (maisingit lang) then sumakay na kami ng jeep. Mga 11 na rin ako nakauwi sa bahay :) Pagdating ko, napansin ko na nawawala yung coin purse ko. Sayang yung 80 pesos ko dun ah :| Pero kung kailangan talaga ng tao yung pera, sana binalik na lang niya yung wallet ko, matagal ko ng kasama sa buhay yun eh :( Parang pareho lang din kami ng drama ni JH bilang nakuha ata yung ID niya pero binalik naman. Parang gusto lang ata malaman nung tao yung name ni JH eh. HAHA. :D para-paraan din para malaman yung name eh no, dinadaaan sa pagnanakaw ng ID. Eh sorry naman daw, hopeless. LOL :D Imba pa reply sa message ko na, di na raw siya magpapakulay ng hair, kung magpapakulay man sya, it would be black (plus smiley). HAHA. (okey, ambabaw ko).

So magka-Tweet kami nina Dairen and Cindy. Then binasa ko na rin yung blog nilang dalawa.

Hear my Heart Beat: Ano ba naman yan, parang nauulit lang sayo yung ginagawa ko kay nanay dati na kunwari chill lang ako and everythign will be fine pero yung totoo eh nag-aalala ako. Wag ka munang umalis pwede? Pwedeng sabay na tayo sa April 2013? Mahirap pa sa mga panahong 'to. Alam mo naman na tatatlo na lang tayong gumagalaw and di pa natin maaasahan masyado yung mga pinsan natin. 2 months na lang and makakalasap na rin tayo ng bakasyon (maliban sakin na buong summer na magdu-duty). Hold on, kaya natin to :)

Make Believe/Mixed Signals: Kung san ka masaya, dun din ako :) IDK kung what team ako eh. :P And sa acads and other problems mo, kaya mo yan. Keep smiling and feeling ko naman, napapasaya ka ni Polar Bear at nakakalimutan mo yung problems mo. Push lang ng push! :)))


Time check: 3:23am! Pupunta pa ako ng Novaliches later! :))) Bayie!

Sunday, January 15, 2012

Crazy Weekend

This weekend must be the busiest since the start of this year. Freaky lang kasi mula kahapon and ngayon. Yesterday, katakot-takot na exams ang hinarap ko, and ngayon, kinalaban ko naman yung pagiging solo.

Yesterday, my life started with our Nursing Research class. Since we're anticipating a quiz, todo review naman kami. Good thing, considerative yung mommy ni Ate Clar (hi ate clar!) este yung prof namin, di na kami nag-quiz and naging slow-paced yung lecture namin. Medyo antok pa rin ako sa class, medyo busy rin ako the night before nun and review-review rin ng NCM exam namin. So lumabas ako and natulog, mga 15 mins din ata yun. Dun sa table na tinulugan ko umupo sina Cedie and Azel kaya sila na rin yung gumising sakin. To my surprise, pagabas ko pala, nagpa-break na rin si Mam. After nun, inannounce niya na wala na kaming RLE class sa kanya para makapagreview sa NCM and NCA.

After class, bumili ako ng food sa McDo sa kadahilanang gutom na gutom ako, di kasi ako kumain nung breakfast and dun na lang kumain sa office. Nung mga 11 am na, medyo marami-rami na rin kami sa office then nagpasama sa Jollibee si Ralph. Nadaanan namin yung EAC crowd na nagsusuppport sa team nila sa Showtime kaya naki-usyoso kami. At dahil nga sa sobrang tagal, bumili na muna si Ralph ng chocolate sundae. Pagbalik namin, nakiusyoso kami hanggang sa pagreveal nung score. Talo nga lang EAC pero super galing nila. Nakakaproud.

Anyway, pagbalik namin ng office, nagpasama ulit ako kay Ralph papuntang Tech Bldg bilang opening nung UAAP Chess. YUng totoo, nakalimutan ko na opening pala kahapon. Kung di lang ako nakakita ng mga taga-UP sa Jollibee, eh wala na sa utak ko yun. Buti na lang nakasalubong namin sina Cindy and Rits kaya nalaman namin na wala pang game. habang nasa office, nagrereview ako for NCM. Nung medyo malapit na ng 2pm, bumili na ako ng bubble sheet. Waley pa rin update kung what time yung exam. Nung mga past 2 na, buti na lang talaga at umakyat ako sa NB at nakasalubong si JC (bf ng classmatek ko) kaya nalaman ko kung san yung room namin. Grabe, ako na lang pala wala sa room at buti lang talaga, DUMATING pa ako. I managed to finish that 70-item exam in 15 mins. Mantakin mo yun?

Bumalik na rin ako sa office then Tech Bldg for Chess. Good thing naitext ko si Leilani at sinabi na pwede na mag-exam sa NCA. Okeeey! Ako na nagccram! natapos ko yung 200 items in  30-45 mins ata. Katabi ko si Karl Uy. Haha, masingit lang. Very bet din yung classmate ko na yun bilang magkalapit chairs kami sa NCM and andami niyang alam. haha, yun lang :) After NCA, diretso cover na ulit with Cindy and The Don. Waley kaming alam sa Chess, yung truley. Nasabi ko pa kay Cindy na pansinin and kausapin yung taga-Varsi na guy. After game, nagtutulakan pa kami for interview kay Coach but we ended up playing Chess instead. Ayun, nauna kong na-check si Don pero super mega checkmate naman ako nung huli.



Pagbalik ng office, pinuntahan namin si Jerome then nagka-ayaan sa Tayuman. Pagbalik namin, nag-chess lecture naman kami kay Juneys. Nakakatawa lang kasi kelangang i-relate pa sa love para maintindihan namin :) HAHA. Then, bago kami umalis, naglinis muna kami ng office bilang Sports at Arts yugn cleaners. Gulat pa si Aaron na cleaners pala kami. So ayun  nga naglinis na kami tapos sinasabihan pa ako ni Don na pwede na akong mag-asawa. LOL.

Nung pauwi na kami ni Cindy, dumaan kami sa Pav at sumigaw ng DAIREN kaso sa may admin na pala si Dairen with The Polar Bear. After 10 years, nagkasama ulit kami ni Cindy pauwi. Pagdating sa bahay, di ko magawa-gawa yung article ko. So natulog na lang ako.

Jan. 15.

Ayun na nga, 12pm na ko nagising. So di pa rin ako makagawa ng article. Nag-facebook na muna ako and kinontact si Sisterette Dana. Nakita kong online si Ji Hoo and nagka-chika kami ng konti bilang nawawala siya sa chat. And this message made my day :))


Haha, okey ako na masaya sa reply niya na yan. Tapos after few minutes nag-log out na ako kasi pupunta na ako ng FEU. Nung nakauwi na ako nung nabasa ko yung reply niya na nagpagupit na ulit siya. Bakit kasi ambilis humaba ng hair niya?

So ayun na nga, pumunta na ako ng FEU. Pagpasok ko ng Tech Bldg, walang tao. Tinanong ko si Kuya Guard kung tapos na ba yung chess, sabi niya wala pa. nagulat ako nung tinanonng nya na from what school ako, then sabi ko, FEU po :))) HIHI.

Pagdating ko sa Mini Audi, syempre loner ako, may game pa yung womens. Matagal-tagal din akong nakatayo and nakatingin. 4pm ako dumating sa venue bilang waley traffic. After 30 mins, naka-chika ko yung team captain ng mens. Ayos si kuya kausap, dami kong natutunan about chess. Buti lang namatay yung oras dahil dun sa pep talk namin. Then nung malapit ng matapos, kinuha ko na yung mga data and nagpaalam na rin.

Nung pauwi, dumaan muna ako ng McDo para bumili ng food. Nung asa jeep na, hawig ni Kean (the 19 year old Kean) yung guy na kaharap ko sa jeep. Akala ko nung una si Mark Marcaida pero very Kean talaga yung nasa jeep. Natawa pa ako sa binabaan nila, anlapit lang! Eh todo reklamo pa sila na baka gabihin daw sila pagdating sa pupuntahan nila. Sana naman nilakad na lang nila. :D

Pagdating ng bahay, kumain then nanuod ng Petron game kaso talo aya may game 7. Then gumawa na ng article kaso very waley pa rin, di ako makapagconcentrate. Mga 9pm na ako gumawa then natapos ng 11. Mga 12pm nagstart na rin ako mag-blog neto then nagluto ng pancit canton bilang nainggit at nainspire ako dun sa tweet ni Eben. Habang kumakain, nagkkwento ako about sa HS lovelife and other boylet kemps dun sa kasama ko sa apartment. Aliw na aliw siya sa kwento ko :))) Take note, from 1am-4pm ako nagkwento ah! Walang pahinga yun! :)

So continuation pa rin ng blogging ko. Nagpost si Juneys about dun sa nakakamatay at masakit sa ulo at mata na VB artix ko. Yung truly, nakaka-guilty na, very fail ako magsulat ngayon compared last sem. Parang paulit-ulit ko na ;tong pino-post pero ewan ko ba kung bakit ganito. SOPHOMORE JINX ba itey? More improvements pa Lhea! Aral-aral din! Ano kaya problema ko sa sarili at nagkakaganito ako. HAAAAAAAAY, can someone explain this to me? Kulang lang ba ako sa PAGMAMAHAL? LOL. Well baka nga kulang ako sa inspirasyon diba? Pwede naman yun. HAH! WANTED: INSPIRASYON and PAGMAMAHAL. Please contact ME! :)))

Okeeeey, 4:44 am na! :) *pwede mag-wish? ... Sana di ako manganib sa NCA ko, improve pa yung grades sa midterms and yung writing ko na rin. Thank you!

Matutulog na ako at pupunta pa ako ng FEU for White cap exhibit :)

pahabol: matutulog pa kaya ako. teka, wag na lang. :D

Thursday, June 2, 2011

Memory Lane: Ang unang Cutting Class :)

Ayun, napagtripan ko lang mag-blog today :) Habang tinitingnan ko yung mga albums ko sa facebook, nakita ko yung pictures namin nung September then biglang pumasok sa utak ko yung pagcu-cut ko ng class noong September 17 for someone's birthday. It's kinda tough kase I have my class then which was my major subject. Maswerte lang ako kasi first day namin for hird concept ng NCM 101 yun, so parang introduction pa lang. Pero after nung introduction, diretso na agad kami sa lectre. I was seating in the third row, and sa may wall banda. Im not listening to my prof that time kase pinagpa-planuhan na namin nina Cindy at Joala  kung paano ako makakalabas na hindi mapapansin ni Sir na wala na pala ako dun. So, dumating si Cindy at kinuha yung card. Then nung dumating ang 4:30pm, naglakas-loob na akong umalis, leaving my bag behind para kunwari eh babalik din ako. I felt freedom nung lumabas na ako, pero may konting takot kase baka bigla kaming mag-quiz or seatwork. But the again, napaisip ako na since nag-cut na ako ng class, e go na lang. Once lang naman yun at di na mauulit. Pumunta na ako ng EB 200 para gawin yung present namin. Kinausap ko si Cindy na kinabahan talaga ako sa ginawa kong pag-alis, naisip kong napaka-importante naman nung taong may birthday bilang tumakas pa ako para sa kanya. :D Pero worth it naman yung pag-absent ko, natuwa naman siya sa present namin sa kanya lalo na sa sketch na ginawa ng BFF ko para sa kanya. He even posted it in FB and tagged me and Cindy. Masaya rin yung day na yun dahil andami kong naging friends at nag-bonding pa kami sa labas ng R.Papa..:))


                                                  Bestfriend Faye, writing her birthday message

                                                             Faye, Cindy and Clarice :)