Showing posts with label third year. Show all posts
Showing posts with label third year. Show all posts

Thursday, March 15, 2012

Eto na naman tayo

KUMUSTA na Lhea Jane Socrates Bagona, the future RN?

AAAAAAH! Eto na naman ako sa pagiging fail ko. And for the nth time this sem, LATE na naman ako sa pagpasa. EEEEEEEEEH :(

Anyare sayo Lhea? Nagawa mo na lahat, kumain, natulog, nagpahinga, at nagmall ka na, pero waley ganap pa rin? Gawa-gawa din, okey?

Sunday, March 4, 2012

Decisions

HELL WEEK? Naaah. :)

First, bakit ba Decisions ang title ng blog ko? Umm, wala lang :D

IDK kung alam ng lahat na dream ko mag-CSR for FEU kaso maraming di pwede. First, NURSING ako: hectic sked, thesis, plus acads. Second, Di talaga pwede, FOR NOW.
 
That CSR dream started when I was still in 2nd year, then 3rd year 1st sem, and ngayong birthday ko. Me and my bestfriend were watching UAAP, then biglang nag-commercial for CSR auditions. So my BFF insisted that I should give it a try; send resume and hope that I would get a call back. I told her na di pwede dahil nga sa mga reason na nabanggit ko. Pero sabi niya, i-try ko lang daw, wala namang masama and experience naa rin once naka-graduate na ako and mag--aapply ako. 

I told Sir Ian about this thing (dahil tinanong niya ako dati kung gusto ko raw sumali) and asked me to come to his office. He explained to me the drills on the courtside and showed me some videos in the huddle and some practice reports by Andy before. He asked me to make a short report and deliver it. Medyo ma-technical yung gawa ko, more likely parang article (siguro dahil sanay ako sa ganun). And then, he also took a video of me while doing the reporting (di ako comfortable magsalita sa harap ng camera. HAHA). Ang awkward tignan nung mukha ko eh, naka-duty uniform ba naman. I know that its really difficult to speak in front of camera and make a report right away. Aminado akong mabagal akong magsulat :D And the way I delivered the report, kulang sa confidence and parang di ko pa "performance level". Maybe I should practice more in front of the mirror.

Nung nalaman ko na yung pre-screening, which will be on Wed, di na ako umasa. Yeah, may duty ako. And besides naalala ko na "Oo nga pala, sasali alng ako sa pre-screening pero wala akong balak sumali ngayon. I'll be attending the pre-screening for 'experience'". magkaganun man, nag-practice pa rin akong magsalita kanina. HAHA. The last time I did some reporting was way back Sept 2010 for our Speech class. It was a Sports reporting and I got 100%. Nakalimutan ko na nga lang yung comment ni Mam pero she was happy  that our team did very well.

This week, sabay yung Revalida and Editorial Exam plus NOL pa. Basag na utak ko nun panigurado. It'll be my second time to take the Sports editorial exam and medyo expected ko na yung mga tanong dun (if ever di magbago :D) Actually, wala akong planong mag-sign up for the exams (teka, di naman kami nag-sign up last year eh!) dahil sa andaming aasikasuhin next year. Di niyo ako masisisi kasi ako yung tao na mas iniisip yung mga mangyayari if ever (ugaling namana ko kina Lola at Nanay, ganun mag-isip yung mga yun, ADVANCED!). At dahil nga sa explanations ni Ate Reich, nagkaroon ako ng second thoughts. Napaisip ako sa sinabi ni Juneys na "yung ginagawa mo yung isang bagay tapos di mo alam kung ano ba talaga yung dahilan kung bakit mo ginagawa yun", (parang ganun). Iniisip ko, bakit ko nga ba ginagawa/gagawin to? Wala pa rin akong maisip na dahilan actually. Magte-take na lang ako ng exam, bahala na kung may maiisip ako na dahilan o wala. Maybe preoccupied lang talaga utak ko sa acads dahil sa bebe NCA ko, tapos dumagdag pa si Thesis lecture (partida isang fail na quiz lang at 2% decrease sa exam yung ganap dun?)

Kaya ko sineseryoso yung acads ko kasi ayokong iwan yung tinuturing kong 2nd home and family ko, and ayokong tumagal pa sa FEU, gusto ko na gumradweyt! Iba pala talaga yung pressure pag malapit ka na sa finish line. Kaya naiintindihan ko na sina Dairen, Kuya Bill, Beatty, Nikko at lahat ng mga graduating ngayon.


Oh well, EXAMS (acads), REVALIDA, and DEFENSE na muna aatupagin ko  ngayon. Next year na si CSR at sa saturday na lang si ED EXAM. HAHA :D
 

Saturday, March 3, 2012

Hey MARCH!

KUMUSTA naman MARCH?


Grabe, feel na feel ko na ang buwan na to. Kung last month eh emotional ako, ngaayon naman eh NGARAG. Kelangang mag-double time para humabol sa grades. Ganun talaga! :)

So ayun nga, sinimulan ko ang buwan na to sa NOL. Feel kong tagilid ako dito, aminado ako, kaso kelangan kong gumalaw na. Eto yung consequence dun sa katamaran ko eh. Sana kahit matapos ko na lang yung Fundamentals, MCN and Psych Nsg. May time pa naman ako. Wala akong masabi sa session kanina, di ako inantok! :))))

Sa Nursing Research naman, nagkakagulo na kami. Sorry naman, 3 groups na raw kami. HAHA. Mabuhay si Azel! :)) Medyo nakakainis lang yung group leader namin, imba yung pagka-authoritative. Nag-eeffort akong maintindihan  siya pero iba lang talaga ugali nun. Di siya madaldal pero iba trip niya sa buhay (pake ko sa trip niya sa buhay), tapos madali maimpluwensiyahan, pero matigas ang ulo, taklesa, akala niya siya lang nag-iisip.Pasensiya naman daw, parang hindi mga GC yung mga ka-grupo niya diba? Then, paagkatapos mong magpakapuyat sa &*%$+@!?^ thesis, sasabihan ka pang di nag-iisip? eh &*%$+@!?^ ka! Siya kaya utusan kong gumawa ng article, tignan natin kung makakagawa siya nun. Wagas lang umasta eh. Tapos isa pa, grabe makapag-reklamo, mapa-member man siya o leader. Ewan ko ba, dinadaan sa TANDA yung pagli-lead ng grupo namin pero kung sino pa yung umaastang MATATANDA, yun pa ang kulang sa MATURITY. Grow up KIDDOS, learn to adjust to your members, BITCHES.

Kung di  lang ako busy sa ibang bagay, ako na talaga yung magle-lead ng grupo namin. Kaso, how will you lead a group na maraming nagmamagaling, nagpapaka-leader, na utang na loob pa namin na ginagawa niya lahat. Buong buhay ko, leader na ako sa grupo na kasama ako, pero kasi ni minsan di ako nagmalaki na AKO YUNG GUMAWA NG LAHAT. Kahit ako man gumawa, GROUP EFFORT pa rin paningin ko dun. Kumbaga, wag mong solohin ang lahat, kaya nga group eh. Tapos yung iba nagmamalinis pa, nakakainis diba?

MOVING ON!

Nursing Research lec naman, 2.75 ako dun. From 81.6, naging 76.9 (75 kasi base namin). Kainis diba? isang bagsak na quiz at exam lang, bumaba ng ganun? Tapos sasabihin pa ng group leader na ibabagsak niya kami sa peer eval? Subukan niya!

Yung NCA lec naman, tinulugan ko  na naman kanina. Buti lang nung hapon, nag-Moonleaf ako kaya di ako inantok sa NOL. HAHA, gising diwa ko eh :D Sayang lang nung nag-exam kami, 1 na lang at 50 na ako. :|

Kahit gusto ko ng BB, iPad, D&G Light Blue perfume, hindi ko na hiningi kina Mommy, Papa at Lola, PRAYERS lang yung hinihingi ko. Alam ko namang darating din kami sa regaluhan part pero kasi mas importante to, STUDIES to eh. I dont wanna falter kung kelan malapit na ako. Konting kembot na lang eh! Tsaka maraming maaapektuhan pag bumagsak ako eh. Alam mo yung may babalikan akong subject, yung nag-iisang subject na di ka makakagraduate kung di mo maipapasa yun. BASTA! Kelangan kong pumasa, PAPASA AKO! :)

Wala na rin  akong problem sa section namin maliban lang dun sa nai-confide ko kay Tito Juneys last time. Yung exam na ite-take ko for the second time yung hot topic ngayon. Buti lang di na kelangan magreview dun ah :DD

Dumako naman tayo sa usapang lovelife. EH? Magkatext na naman kami ni Joshua. EK? Nagsimula to nnung birthday ko, tapos natapilok siya kagabi at tinext ako to seek help. PERSONAL NURSE?? Pasalamat siya mabait ako. Sinabihan ko naman kung ano gagawin niya dun sa sprain niya. Ke malas na tao, kung kelan niya balak makipaglaro sa FEU Gym kinabukasan, dun pa natapilok ang loko. HAHA. Paraan na ni God yun na kami maaksidenteng magkita around Morayta. Aba, awkward yun ah. Pero mass masaya lang talaga pag nakasalubong ko siya na may kasama ako, kahit sino basta boylet. HAHA :D Bitterness aside (BITTERNESS ASIDE???), di naman ako apathetic sa kanya nung nagkakatext kami, siguro mas iniisip ko yung mga itetext ko sa kanya. Mahirap na,  baka isipin niya eh pinapatulan ko kalandian niya  sa katawan. Pasensya na, di kasi ako malandi eh :">

Tapos, eto yung balitang mainit-init pa. (Para sayo 'to Dairen! :'> ). May nakakagulat na tanong lang kasi si Dairen sakin kahapon, kung crush  ko raw ba itong si friend (hulaan kung anong institute to). :D So natawa lang ako kasi wala talaga, siguro dahil lang sa kinukulit ko yun nung nakaraan. Eh mas natawa ako kasi ibinalik niya yung time na tinanong niya ako about JH, eh medyo aminado akong di ko sinabi yung totoo kay Dairen :)))) Kinwento ko sa friends ni friend  yung sa tinanong ni Dairen, (ang daldal ko lang diba? sorry naman daw, di ako nahiyang i-share kasi di naman talaga totoo). Yung sinagot nung mga friends niya "Di naman si friend yung gusto mo eh, yung FRIEND nung si friend", HAHA, tapos sabay kain sa Hepalane :)))


Pagkatapos nung exam and revalida, papagupit ako ng bangs (di na full bangs ah!) at magpapa-rebond (kung may extra money) :))))


Si Lord  na bahala sakin, magpupursigi  ako this finals :)

Tuesday, February 21, 2012

this is too much. I QUIT

Once again, ako na naman ang di nakapagpasa for nursing research. Ano na naman 'to? Gumawa naman ako kaso late lang, pinag-iisipan ko ng maayos yung ipapasa ko kaso mukhang worthless na ipasa . San pa ba ako lulugar. I hate our group leader for always putting me on the spotlight. She's always mad that's why I tend not to explain the reason why I wasn't able to pass this and that.

Am I that useless? Am I that stupid? Am I that irresponsible. Yes, I gave up some of my non-acads obligations yet still wasnt enough. Parang wala akong nakukuhang satisfaction sa buhay ko ngayon-- sa buhay ko sa ospital, sa buhay ko kasama yung mga groupmates ko na dapat sana eh magiging sandigan ko sa mga panahong ganito. It's hard for me but I really wanna get out from their shaddows. Im not that strong, I just show them I'm strong despite of whatever they say about me. I learned to hide my feelings because of my fear that they might just laugh at it. Despite of what they do, I remained to be as jolly, positive and energetic.

I believe that not all things go in your way. I really wanna quit, I QUIT. I quit being treated like a loser. I quit being the happy and the jolly person in our group. I quit to be a responsible member. And I quit to be a part of them They're the WORST PEOPLE I EVER KNOW. They don't even know the feelings of other people, as long as they make fun of it.

Kung pwede lang, I REALLY WANNA END THIS F*CKIN THING. AND I HATE MY COURSE. I HATE THEM ALL and I DONT WANNA SEE THEM AGAIN AFTER I STEP OUT IN FEU. THEY"RE ALL BITCHES, ASSHOLES, DEMONS AND RUTHLESS PEOPLE.

Sometimes, I search for someone who will comfort me in times that I feel bad or depressed. Someone who'll just listen to me and wont ask anything as long as he/she'll be there. I have a lot of friends yet not all of them can understand me, and what Im going through. I'm looking for a PARENT. A parent that will hug me whenever I arrive from duty, a parent that will listen to all my rants, a parent that will give me solid advices, and a parent that will remain calm though I'm already monster-like. I have a dad, a mommy, and a grandma, yet they're not here with me. Just like mommy told me once, Im all alone now, no one will take care of me, so I need to take care of myself and learn to stand up. I know that they'll be there whenever I need them, they;re just a call away except from my dad who's working in a far away sea. But what I need now is a parent, just like nanay. I think, I still have this depression because of her loss. It's really recurrent and whenever I have problems, it is always her that I always remember.

I already cried liters of tears tonight. That text message from our leader pierced my heart. How insensitive she is! I dont really know her, maybe she had that inferiority complex during her childhood that's why she manifest a superior character today. Of all the people na pwede siyang maging bitch, bakit ako pa? Am I that inferior-looking?

I wanna thank my ever-concerned groupmate, Leilani. After that hurtful text from Muri, she texted me : "Good eve lhea. baket naman nagpadelay ka sa research? haay cge magkwento ka na lang sakin sa pasukan. kc ang hirap lang kapag mauuwe ka sa ganyang judgment na xempre mukhang napasama. cge ilabas mo yang stress na yan. goodnyt".

Sa lahat ng groupmate ko, siya yugn nakakausap ko ng matino. We both have that matured-way of thinking or should i say a different perspective, may different from our groupmate who's older than us (20 and 21) and makes us inferior and manipulate us as much as they could. We understand each other, and I hope that she'll be my groupmate til we graduate. Aside from my acads problem, I'm also considering to take a break from Sports. I need to focus this time, just this time. And by next year, if ever I will still have that 2.5 GWA, i'll make up for everything I missed. I just need time for myself. It's weird but I need to focus on myself this time, and if I fail to do so, I might bid goodbye to my "family".

I dont want to be a failure. Iniisip ko kung ano pwedeng mangyari sakin and sa Papa ko, guguho mga mundo namin. Isang grade ang katumbas ng future ko. Kung yung iba, problema nila yung nakakuha sila ng dos sa isang subject at puro uno yung iba, akala nila katapusan na ng mundo. My classmates see me as the girl who holds the Best in Recitation award, Most Reacting award, but I'm not intelligent. I strive hard for every quiz that we have, I dont sleep just to make that homework and I try to understand every tiny info about Neuro and try to apply it to myself. Ginagawa ko 'to for my parents, ayokong biguin sila. We already sacrificed a lot, ngayon pa ako madadapa. I'm happy that they're proud of my achievements and I make them happy by not doing nasty things and not giving them problems (include boyfriend issue here). In short, wala silang sakit ng ulo sakin. Masaya si Papa kasi despite na di kami magkasama lagi sa 18 years na nabuhay ako, lumaki akong  mabuting bata (believe me, Im mabait), kagaya ng gusto ng mama ko na maging anak niya. Im proud that my grandma and nanay raised me well kahit na wala akong father figure sa tabi ko. I envy those kids na kumpleto yung family yet ansasama ng ugali. Pano pa kaya kung wala silang parents. I thank those 2 special women in my life na dinisiplina nila ako ng mabuti, naging matured agad ako at a young age, and wala silang pagkukulang sakin, very hands on sila sa pagpapalaki sakin.

These adversities are just like typhoons that comes when you least expect it. It tests you how strong you are, if you're like that tall coconut tree that sways and goes with the wind yet still stands after that storm. Kung magiging halaman ako, siguro damo nalang ako. Kahit ilang beses mo apakan, buhay pa rin at makikita mo saan-saan. Yung damo na nagbibigay ng hope sa ibang tao. Di lahat ng damo, mababa. Yung iba naman tumatangkad gaya ng kawayan. Gaya nga ng sabi ng lola ko, isang lawis daw ako ng kawayan :)))

Sana maovercome ko to. Itutulog ko na lang muna para makapagpahinga na. Emotionally and physically stressed na ako. KAYA MO YAN LHEA, OKEY? MATAPANG KA, MAGALING KA MAGTAPANG-TAPANGAN, EXPERTISE MO YAN EH!



"Think positive!" --Ate Chin :)

Saturday, February 18, 2012

There's much in goodbye

Eh nagda-drama? 


HAHA, sorry naman ah. Pansin ko kasi, unti-unti ng nawawala yung mga crush ko. Kung hindi nagpapakita, umaalis na, o di kaya mabalitaan ko na lang may jowa na. And yes, my "kuya" was right when he told me that my JH seems to be inlove recently, and confirmed, he's now in a relationship.

Kanina naman, I saw my crush (another crush, the cosplayer) with my batchmate and former colleague. I told my friend that I rarely see him in our place, and he replied that my crush quitted already.

Bakit ganun? Lahat na lang eh nawawala. Pati si Ricky, di ko na rin madalas makita though nakasama ko rin sila nina HZL and 5 sa ibat-ibang assignments. Am I really destined to be FOREVER ALONE?

I was all alone last Sunday in Gateway Cubao. To kill my boredom, I played basketball and took pictures of me in a photobooth. Yan ang SINGLE< independent! Wait, ikamamatay ko ba kung di ko na makikita yung mga crush ko? Hey! I survived 4 months na di ko nakikita si TR ah! HAHA. And I will really miss my bud since he's always with me whenever I was assigned to cover games. Iba pa rin ang single sa may kempet na.


Affected ba talaga ako o atat lang sa buhay. I dont see myself in a relationship for the next 2 years. I also consider to take NMAT next year and if God permits, enter a Med school and pursue my dream to be a pediatric-cardiologist. Mahirap magka-jowa sa med school ah! :DD


Im happy for my partner-in-cover's new life, we'll maybe I should look for something that will tickle my mind (tama ba?). For now, I should do well in our NCA and Nursing Research. I fear that I will get failing grades and yet fell short in 2.5 GWA. And as Ate Chin reminds me always, THINK POSITIVE. You'll attract the positive vibes and might pass subjects because of my optimistic character and mind :)


--back to my T&F bebe article :D

Friday, February 17, 2012

effin laptop. effin ms word. effin black out!

ERR! Sarap ihampas ng laptop ko. The f*ck! Letche lang, ganadong ganado akong gawin yung article ko tapos pag-open ko, walang laman! The hell! Sayang yung pinaghirapan kong lead na hindi ko na maalala kung paano ko nagawa.

Kung kelan ka ginaganahan at kung kelan importante, dun pa lahat ng disaster. Malay ko ba na di ko nasave kanina. Ansakit lang, wala akong tulog kanina. Masaya ako na 40% done na ako tapos back to 0 na naman ako. KAINEEEEEEES!


---Sorry, di ako makasigaw dito sa bahay kaya dito muna ako mag-iingay.

Wednesday, February 15, 2012

Breathe *

I started my day with Volleyball, haha, di kasi ako pumasok ng NOL eh :D

I was with Ate Reich Makayan today because she invited me to watch Volleyball with her. I wasn't supposed to watch, but since malakas sakin si Ate-slash-Tita Reich, eh sumama na rin ako :) We watched Volleyball, and talked during the game. Iba talaga pag Nursing ang nagsama, madaldal :))) After the game, the whole Advocate members who watched and covered (Cindy, Yon, Meyor, Kuya Ram, Don) and the Zwitterion Editors (my sib Jaimer and his co-ed Romeo) gathered outside the dug-out. So parang nagkulitan lang kaming lahat dun then interviewed Coach Nes. Isinabay na rin kami ni Sir Ian pabalik ng FEU. We all had a nice talk and was able to reflect ourselves since Advo alums yung nagsasalita samin. I realized many things and sana magbago na ako. :)

Then, we spent some time sa Advo office with Ate Reich pa rin and then she helped me with my article about track and field. We also roamed around FEU and ate dinner at McDo. Nagkwentuhan kami for almost an hour and bumalik ng office. After that, me and Ate Reich talked. Iba pala pag kapwa IN mo yung kausap mo and at the same time naiintindihan ka niya kasi pareho kayo ng pinagdaanan and naisshare din niya yung mga napagdaanan niya noon na pwede kong maexperience ngayon. I feel so relieved kasi nakahanap ako ng taong naiintindihan ako. Nailabas ko yung lahat ng gusto kong sabihin pati yung guilt sa puso ko. I saw June Ace na palabas ng LB, since super guilty ako sa pagiging cause of delay ko, I hugged him and said sorry. Nagui-guilty ako na late ako, and alam kong he's not in a good mood last night. Parang gusto kong maiyak kanina so i hugged him tight, and I felt that he's not just my editor, my friend, but an elder brother who's younger than me but acts more matured than I am. I thank him for being so understanding, kaya I must do my best before this sem ends.

DILEMMA: di ko nagawa yung RRL ko. So, kelangan kong gumawa ng palusot bukas :"D gagawa na lang ako ng iba para makapag-compensate dun sa pagiging late ko. And because of that, i'm gonna pay 170 pesos. ANG MAHAL! Well, buti yun lang yun :D So bukas, papasok ako ng NOL! K! :)))))


go back to work lhea! :)

Tuesday, February 14, 2012

*inhale exhale

Im sorry blogspot, andito na naman ako para magsumbong sayo.

This day is not so PUSH. It's not because of Valentines Day, nor I don't have any date and we have hospital duty. Feeling ko, mentally stressed na ata ako.

Hindi ko mapipigilan kung umapaw na yung stress sa utak ko. sinong hindi maiistress sa pasyenteng naninigaw? tapos ke simple-simple ng case niya na Normal Delivery eh daig pa ang nagka-craniotomy sa sobrang pangto-toxic samin? Partida eh nurse pa yun so dapat maiintindihan nya kami, kaso hindi eh. Pati resident doctors sinisigawan, daig pa ang bata kung maka-daing na masakit mag-insert ng IV catheter. Ano ba? Tapos tatakbo-takbo ka para ireport na ganito-ganyan yung sabi ng patient mo.

Next, yung ibang groupmates ko na hindi mo mautusan. Mas masipag pa mag-Temple Run kesa mag-check ng IV, mag-VS, mag-admit ng patient, o tumakbo-takbo para utusan. Wow lang talaga. Konting sipag naman, consideration, and makialam naman sila kung ano na ginagawa nung iba. Sa dami namin, dalawa na yung pasyente ko. Di naman ako nagrereklamo o nagmamayabang sa kanila, sana man lang magkaroon sila ng initiative na sila na yung gumawa nung ibang bagay. Naka-milyon na sila sa temple run, naka-milyong ulit na kami ng charting, pabalik-balik sa pasyente, mag-interview para sa case pres. Tapos kung kelan magsasalita ka, babarahin ka pa. Grabeng kabastusan lang.

So talagang wala ako sa mood ngayon, nagsama-sama na lahat. Tapos nag-effort kang pumunta ng Morayta para bumili lang ng card at flowers, tapos sisisihin ka pa na sana sa Dangwa na lang. Eh sorry naman, makikipag-siksikan pa ako dun eh naka-clinical pa ako.

May isang kilala ako na wala rin sa mood, and since sabi niya na wala rin daw siya sa mood na makipag-usap, parang ganun na rin ako. Ewan ko, nakisabay na rin ako sa kanya. Instead na yun yung magiging driving force ko para gawin yung mga di ko pa nagagawa, tinatamad na ako.

Naisip ko lang habang nagbblog ako, medyo ambigat talaga ng pakiramdam ko. teka, me KONEK ba to sa hindi ko pag breakfast at lunch kanina tapos diretso duty? Mantakin mo yun?


Kailangan kong magfocus muna sa mga kelangan kong gawin. Since di ako pupunta ng Arena bukas, after 3pm NOL, uwi na agad ako. Wala akong rason para mag-stay pa sa FEU bukas. Kung pwede lang wag pumasok eh. Ambigat lang talaga ng pakiramdam ko. Di ako tinatrangkaso or anything, wala namang masyadong keme sa emotional stress to, mental stress lang talaga. Natatakot ako at baka maiwan ako sa NCMH sa birthday ko (Feb 27 duty namin dun) at mag-rehab.

I do have a lot of problems. Di porke ngumingiti ako, masaya ako. Di porke maingay ako, ganun din ako ka-lively. Gusto ko lang ng katahimikan, na wala akong maririnig kundi yung sarili ko lang. Pinaplastik ko na ata sarili ko. Nakakatamad na rin maging madaldal minsan, parang di ko rin nailalabas lahat ng gusto kong sabigin. Random man yung mga sinasabi ko, yung iba dun, may hugot naman.

matanda na ako. 19 na this coming 27. Andami ko ng naiisip at nare-realize. Naiiyak lang ako kasi despite na maraming tao sa paligid ko, mag-isa pa rin ako. Parang incomplete pa rin ako. Nawawalan ako ng driving force para gawin ang isang bagay. But since nakausap ko si papa 3 days ago, siya na lang ang iniisip ko. Yes, dalawa na lang kami ng dad ko. I should be striving not just for me, but also for him. Takot akong mag-fail sa anumang bagay. Takot akong mag-fail. Malayo na narating ko, di ako pwedeng sumuko. Ilang araw na lang, ilang linggo, ilang buwan na lang. Yung future na pinapangarap ko, para na lang ngayon kay papa. Yung pagiging disciplined and pagiging mabuting bata yung maibibigay ko naman kina lola and mommy. Di ako pwedeng maging mahina sa mga panahong ganito. Andito na ako eh, malapit na.


Nakakatawa lang, tinanong ako ni Papa kung may boyfriend na raw ako since 19 na raw ako. Then sinabi ko na wala na nga akong oras para sa sarili ko, nakakalimutan ko na mag-breakfast at lunch, tapos di na nakakapasok sa NOL dahil sa pagod sa duty, tinatamad akong makipag-usap sa bahay or makipagtext and andami ko pang problema (acads, personal, family, finance) tapos magsa-sideline pa ako ng jowa? And after nun, todo iyak naman ako dahil sa pag-eelaborate ko ng mga problema ko. I do pity my father, andami rin ng problema niya. I remember someone na nagsabi sa'kin na "Alam kong marami ka ng problema, nakakadagdag pa ako". I dont want to add problems to my dad, nagpapasalamat na lang ako na pinalaki ako ng maayos nina Nanay at Lola kaya pagdating sa self discipline, di na namomroblema si Papa. kahit na bilang sa daliri ko kung ilang beses kami nagkasama ni Papa, at kahit di niya ako super kilala (kilala lang niya ako bilang madaldal, makwento, iyakin, siga, nanay's girl, spoiled brat ni lolo, achiever, friendly), malaki tiwala niya sakin, kaya ayoko rin masira yun.

Eto na ata siguro yung darkest period ng buhay ko. Parang wala akong matakbuhan. Wala na akong yayakapin bago matulog at iiyakan. Wala ng magsasabi sa akin kapag umiiyak ako na "Tama na. Para kang namatayan sa kaiiyak mo."

LHEA... inhale exhale. Parang wa epek din. Itulog mo na lang, kaso andami ko pang gagawin. Nagkasabay-sabay na lahat. After t&f, isa na lang at goodbye na. Konting tiis na lang, di na ako makakatulog sa malamig at malamok na sahig dahil nakatulog na pala ako dun sa pagod.


Bata pa rin ako sa paningin ko kaso kelangan ko na mag-move on. 19 na ako, matanda na ako. Kailangang matuto na ako maging independent. Kaya ko ng i-solve yung problema ko ng ako lang.


Sorry talaga ulit blogger, nagmistulang open diary slash punching bag na kita. Kailangan ko ng baguhin ang sarili ko, tama na ang "okey lang", "i understand", "sige lang", "no problem", dapat matuto na akong tumanggi at lumaban para sa sarili ko. Wala akong mapapala lagi akong "okey lang", kasi natututo lang yung ibang tao na maging feeling superior at gagawin kang inferior, lahat ng blame nasayo, ikaw gagawa lahat. Parang ganito lang yan, pareho kaming staff nurse, pero daig pa niyang doktor kung maging superior, tinotolerate ko naman kasi eh.


hello there stressors, thank you ulit ah. Hanggang February na lang kayo. After ng birthday ko, March na, then bakasyon grande na :D

Friday, February 10, 2012

One big check for a day well done!

My day started at 7am since nagreview ako for PolSci. Revenge ang ganap ko dahil gusto kong bumawi sa fail Prelims ko. Then nakaramdam ako ng antok so I slept again. I woke up at 11:30 am (in my phone) then saw a shocking text from Eli na "proclamation na!"

Lhea as the Bangag Person
Bilang bangag pa ako, BIHIS agad para pumunta ng FEU. Pagdating ko, dumiretso agad ako sa Freedom Park to interview IABF Sandigan President. Since alone lang ako, I decided to go to Advo office to look for a photographer and my partner, Sam. Habang nagmamadali akong maglakad along LB covered walks, nakita ko sina Russel (Escoto) and Mike (Tolomia) na nakaupo just like the other students (hindi po sila pinagkakaguluhan kanina), so hindi ko na sila pinansin pero alam kong nakita nila akong bangag na naglalakad ng mabilis sa tapat nila na mukhang wala sa sarili.

Good thing, nakita ko si Nikko sa may EB so hinatak ko na siya para ma-picture-an yung sa assignment ko. Ayun nga, kami na naman ang magkasama ngayong election just like last year. We headed first sa Lovers Lane para alamin yung ganap dun then diretso FP para interviewhin si Marvin Santiago. Sandali lang yung stay ko dun since kina Kuya Mosh ako nagpaalam for interview (and I think kilala na ata niya ako). The interview went smoothly. Seems that Mr. Santiago was ready to answer my question. I didn't hear any vocal fillers during my interview. And after Nikko took them pictures, we left and thanked them. Back to Lovers Lane, and kasama na namin sina Dairen, Buts, Cindy. Since wala yung partner ko, it still my task na interviewhin yung naka-assign sa kanya. (ba't ganun? every year na lang akong walang kasama?). So it's Ms. Pelino whom Im going to interview next but someone intervened while the former delivers her answer. And that respectable guy (hmm, nakakaramdam ako na baka ma-infocus tong post ko na 'to. DISCLAIMER: (from a very known person's blog [just finished reading his controversial post])When I'm blogging, I'm just an ordinary student.) asked for a 5 minutes thinking time for Ms. Pelino's preparation to answer my question and added "dati naman kasi, binigyan din ako ng 5 minutes to think". And yes, knowing me naman, I said "Okey lang", but honestly I find it unfair. I already did a lot of ambush interviews in my life, pwedeng hindi ako ready sa itatanong ko at hindi ready yung iinterviewhin ko sa isasagot niya. Yes, this one's different, kaso nga kung di lang rude sabihin na "Ate, yung kalaban mo nga in promptu sumagot eh, papakabog ka ba?". I gave her time & she exceeded my 5-minute limit. Then I asked her if she's ready, she said yes and asked if we have quotas in the length of answers. To my surprise, she just prepared a two-sentence long answer. Gaah, I waited for 10 minutes just to answer me in 2 sentences? To clear things up, I dont have any grudges with this person, I just find her weird, including the other guy. Last year, wala naman akong naexperience na ganyan, all of them answered me in promptu, and lastly I dont support any party (Im a non-partisan student ever since I stepped in FEU). And we started, that respectable guy intervened again, checking the president's grammar (excuse me, would you mind to leave us ALONE?), like "any" that might be transcribed by Advo as "ENY" (are we that SLOW?). When me finished the interview, may pahabol pa si Kuya, "isasama ba yung mga umm dyan?", and I told him na hindi. Well sorry, kasama pala, late ko lang nalaman :)

And after that walk-run-ask-talk work, Im back as a Nursing student

The Worried ME
Yes, Psych Nursing kami ngayon and this concept is kinda intriguing because some of us (maybe all?) exhibits mental illness. HAHA, kidding. But actually, im interested with this concept. We reviewed neuro and psych then studied the Ego defense mechanism, then I fall in Intellectualization, and Rationalization. :))) i got 8 out of 10 in our quiz. Yeay!

And after our class, I went back to Advo again :)

TROLOLOL
And I continued my work in the office and ate my brunch. Juneys and I talked about the upcoming covers then sinamahan ko siya sa athletics department. Pag-akyat namin, nagpa-practice yung Mens Basketball (may Fr. Martin's pala sila ngayon) and nung pababa na kami, ngumiti sakin si Coach Bert (whom my former barkadas call as dad, di namin alam na head coach siya dati) and I smiled and nodded. Pagbaba namin, nakasalubong ko sina Pat, Kuya Alexis and Don (wala nga lang si Ralph, kundi eh kumpleto na sina Pat at Kuya Tud, and itutuloy yung pambi-bitch sakin). :D So nag-photowalk kaming apat and kinukulit ako ni Don tungkol sa isang bagay. Medyo nakulitan nga ako and lumabas yung pagka-childish and katigasan ng ulo ko pati na yung pagiging wafakels ko, insensitivity and iniisip ko lang sarili ko. After that photowalk, we agreed to play basketball at St. Thomas. Don won with 103 points, I with 100 pts, Pat with 97 and Kuya Tud with <40 pts. :))

Pagbalik ng  school, they were talking about photoshoot and I texted my friend kung pwede siya magmodel. Good thing, di maarte and game sa lahat ng bagay si Marvin Alfaro. Nung nag-gather na kami sa FP with Pat, Jude, Don, Cindy, and Yon, dumating din sina Kat and Tin (kumpleto ang SPORTS!). Kanya kanya ng text ng models and to the extent na nanghatak kami. :)) Pinuntahan ko pa si Kuya jammas na kung pwede eh wag niya munang diligan yung lawn betw. LL and FP. Ayun, test shot muna kami nina Don and Yon then actual shot na with the models. Twas fun kasi masaya rin yung mga models namin. Kahit na di sila magkakakilala, naging close sila dahil dun sa shoot. Then, kahit na pagod na ako and may exam pa, hyper pa rin ako :))) I wanna thank my ever-handsome blockmate Marvin Alfaro, malaki utang na loob ko sa kanya. Siya lang kasi naiisip kong pwede for IN eh, and siya lang din ka-close ko :D

Back to freakin NB :D
Pagdating ko ng NB, palabas pa lang yung classmates ko from History and then I entered to submit the papers to mam. Good thing, she's not angry though she asked me why I was absent. I just told her that I have something important to attend (IDK kung ilan na absences ko sa History?). I received my paper and i got **%. Yeah, my exam grade increased by 19%. Awesome! gotta review more next time!

And here comes PolSci exam. Medyo nainis lang ako sa 1st part, since that was my favorite and those were the exact questions that mam gave us during our quiz! naguluhan lang ako bigla. Well, Im just hoping na tumaas pa grades ko :)

The Aftermath
After the exams, balik office ulit and nag-picture taking ang Bobey Soc. haha, very election ang peg :))

-----
Dun sa post ni Cindy na di raw niya kami nakakausap ni June Ace recently, medyo di ko naman ramdam. IDK but baka siguro eh marami akong nakakausap kaya di ko napapansin kung may di man ako nakakausap for the day, unless may sasabihin akong importante. Ang napapansin ko lang kasi ngayon, madalas siyang mawala, and I'm always left with the guys sa office kaya sila naman ang iniistorbo ko :DD

Gotta sleep! May NurRes pa bukas :D

Wednesday, February 8, 2012

Blow it baby!

NOTE: Ilalabas ko lang yung stress ko sa blog na 'to. Sorry po.

----

BUSY WEEK! Andami lang ganap sa buhay ko, pati na last week. Parang di natanggal yung stress sa katawan ko kahit na naligo na ako ng super kaduper lamig na tubig.

Tapos na sina NCM at NurRes, so makakahinga na ako ng maluwag. Kaso dumagdag si Duty na kasing-bigat nina NCM at Nsg Res, at grabe lang uwi namin dahil 12am na lagi plus daming requirements. Later, History exam plus PolSci quiz. Actually, history pa lang nirereview ko. mababaliw na ata ako sa dami ng aaralin. Kelangan kong bumawi ngayong midterms, mahirap ng malugmok at maligwak dahil ayokong bumaba yung GWA ko sa 2.5. Gusto kong tapatan yung feat ko last sem na NCM lang ang nag-spoil sa grades ko. Sana mahatak ko pa sarili ko. Sa PolSci naman, kelangan ko pang itaas pa lalo, isasagad ko na sa sukdulan ng makakayanan ko.

Eto, si NCA naman ang pinakamalaking TINIK sa trachea ko. I admit, tamad and andami kong absences sa subject na to. Imba kase, bakit  NOL-type pa to? I'd prefer if it would be lecture-based than learning via computer. It's very tempting to skip classes since we dont have any professors there, only proctors. Isa pa kasi, 7am yung NOL namin, and lagi akong natatanghalian ng gising. And yes, sa katamaran ko na rin. It's the consequence of my laziness (Galit si Cindy sa katamaran ko). 48 hours yung kelangan kong i-make up, so I need to have a 6-hour make up class and 3 hours every Thursday and friday, starting next week. GOSH, kaya ko ba yun? I skipped Fundamentals of Nursing already since its very lengthy. I envy my classmates who are already done with the 5 concepts. Paano kaya nila nagagawa yun? Although yung iba, may buddy-system na tinatawag, in short CHEATING. Next year, ayoko na mag-skip pa ng NOL, grabe yung consequences! Hopeless na rin ako sa NCA namin, nakakainis.

And, lastly my obligations. Since I was assigned as our section's OIC and head for an important task, siguradong marami akong gagawin. Medyo na-stress na agad ako dun sa pinasa nung kasama ko at sumakit ang ulo ko sa ginawa niya yet I kept myself cool (ganun naman ako eh, pa-cool o chillax konti), and feeling ko dun na nagsimula lahat yun. Then here comes the important task, may mali ako sa decision-making which is dapat humingi ako ng help sa mga subordinates ko para hindi na ako or kami mag-susuffer. I admit na late na kami sa sked, and I wanna blame my poor time management plus acads requirements for duty. Naalala ko bigla yung sinabi ni Tito Juneys, "Di ka nag-iisa, may mga kasama ka na handang tumulong sayo. Wag mong sarilinin lahat ng bagay, at wag mong pahirapan yung sarili mo. Di porke leader ka (he's talking about the nursing thingy nugn time na 'to), ikaw na gagawa lahat. Matuto kang humingi ng tulong."

kanina, lutang ako galing NOL dahil nagkasabay-sabay nga and I need to remind the TLS thingy dahil nung tumawag ako, di ko nakausap si Kuya Patrick and baka nakalimutan na nila yung request ko. At eto, nahanap ko na yung FB niya at ime-message siya bukas. Medyo nahihiya kasi ako. Nakakaloka yung resibong yun, bakit kasi nawala! Kung kelan iniingatan, dun nawawala. Parang kempet lang, kung kelan inaalagaan mo ng mabuti at iniingatan na parang korona, dun pa kusang nagrerebelde and to the extent na kusa siyang mawawala. Either kinuha ng iba, o nag-fly away na... MOVING ON!

Yung sa nauna ko palang kempet, aayusin ko pa yung kemper ko dun bilang  poor ako sa mga tanong thingy. Nasanay ata ako sa mga ambush interview o yung tanong out of curiosity lang. Any, sana magawa ko na bukas para makapag-move on na kami gaya nina Juju and company (kasali din ako dun!) :))\

YUng sa section ko naman, magpapatulong na ako kay Tito Juneys, naubos na ata supply ng neurotransmitter sa utak ko. Pasensya naman daw, kulang din ako sa inspirasyon at pagmamahal. Nahiya naman ako kay Tito. Sorry naman at wala akong supply ng inspirasyon at pagmamahal. May mga taong nagbabalik kaso tinatamad akong makipaglandian, busy ako! Buti naman kung nakakatulong, nakakadistorbo pa. Pero kasi, pansin ko lang, kapag 1st sem eh lagi akong may inspirasyon, pero pag 2nd sem, PATAY NA. Bat ganun?

Na-test ko na yung effectivity ng inspirasyon, nakakataas nga ng grade. kaso ayaw ko na sumugal. Pansin ko lang kasi, nadidisturb ako. Una, magtetext kami, magkakausap sa phone ng ilang oras (madaldal ako, anubey!). Parang ganun, yet I get outstanding grades (powerful nung adjective ko ah!). Maybe I should get inspiration sa iba pang bagay. But actually, sina Nanay, Papa at Lola talaga inspiration ko. Another thing, medyo problemado rin ako sa tuition ko and di pa kami nag-uusap ni Papa. 2 months na din siyang di nakakatwag so kinakabahan and nagwoworry naman ako. 50-50 pa  chances ko for summer class. Imba naman kasi course na ;to, ANG MAHAL!

I wanna thank Cindy Ashley Go Sy na naging extension ng utak ko sa kasabawan ko kanina. Wala na akong maisip. Napapatulala na lang ako. :D Since nasabi ko na ata lahat dito, back to History review na ako. magaan na pakiramdam ko and Im ready to finish all kemps bukas. Kaya ko to! :D

---
Special mention to Kuya Gelo Barza. Finally, nakasama ko na rin siya mag-cover. Feeling ko sa Photos, si Nikko na lang ang di ko pa nakakasama for cover (or pwede ko na ring iconsider yung sa Taal roadtrip/thesis). Going back! Atleast hindi naging forever alone ang drama ko sa Ateneo kanina. Nakapag-review pa ako sa McDo Katipunan ng History ko :))) Nakakatuwa siya kasama, though mukha siyang tahimik and seryoso sa office (nakasama ko na siya sa In the Huddle kaya alam kong di siya tahimik at seryoso), marami din siyang kwento and okey kausap. Feeling ko tuloy, extended family ko na ang Photos. And syempre yung News na rin (KAWAY to Dairen, Janice, Eli, Juju, and Buts)  :))) 


Tuesday, February 7, 2012

LIFE..

"Another TOXIC day" is so overused. Well, in short ganun na nga. I always lack sleep dahil sa acads requirements especially these past 2 weeks dahil midterms na nga. Medyo nagwo-worry din ako dahil ang haba ng aaralin sa History.

We had our duty at FEU-NRMF Hospital, and we'll be there for the whole February. The hospital was so clean, organized, and mababait yung mga staffs. Our clinical instructor, who was the chief nurse's assistant and a ward supervisor, toured us around the hospital.

Im lucky to have Leilani as my partner-slash-assistant (LOL) since siya yung hindi demanding sa group namin, and also our patient who was already 69 years old. IDK but Im fond of elder patients, siguro dahil na rin sa lumaki ako sa Lolo at Lola kaya malapit ang loob ko sa kanila. Any, toxic kasi yung situation ng client namin kaya andaming gagawin. Napuyat pa kami kagabi dahil sa NCP at DS, partida 12am na kami nakauwi. Di tuloy ako nakapunta ng FEU para sa InFocus namin dahil sa andami ko ring ginagawa.

And our 2nd day at FEU-NRMF was a fulfilling one. Di ko namalayan na andami na naming ginawa and halos pabalik-balik kami sa room para i-check yung patient namin. Nag-enjoy na rin siguro ako kaya di ko naramdaman yung pagod. Masaya na akong nakikita kong umo-okey na yung lagay ng patient ko. Medyo magulo nga alng siyang kausap pero nakakatuwa naman yung family niya. Na-challenge yung cardio/hema skills ko dahil sa lab results nung patient namin. Good thing at keribels ko naman. Nahiya naman ako  sa cardio lecturer namin na super galing.

Whatta experience din yung charting kasi challenging siya, 1st time ko mag-chart mismo sa CHART talaga. Then yung endorsement din, masaya rin siya. Parang nagre-reporting lang :))) Pero ang pinaka-naenjoy ko (NAMIN!) eh yung alcohol sa bawat door. Kasi naman eh, nakikita lang namin yun sa NOL namin. Bongga diba? Ayun, UNLI-HUGAS ng kamay! Ambango pa nung sanitizer nila! :)))

So next week, balik Fairview na naman kami :))

-------
Bago kami umuwi, may nadatnan kami na parang dumurog ng puso ko. As in literal. Di ko alam kung maiiyak ba ako on the spot o titignan na lang yung pasyente. Ansakit lang tignan yung taong nire-revive na lang ng ambu-bag hanggang sa paglipat sa kanya sa sasakyan pauwi dahil ayaw na ng family na maghirap pa yung patient sa hospital. And yung pinakamasakit ay yung ambulance car ng isang funeral service yung susundo sayo. I may sound weird but its true. Natameme na lang kami ng classmates ko nung nakita yung sitwasyon na yun, at wala rin kaming magagawa.

 Life's too short, minsan di natin alam kung kelan tayo babawiin ni Lord. But when you live your life to the fullest, masasabi mo rin na "Kunin niyo na ako, nagawa ko na po yung dapat kong gawin sa mundo". It's true. Kahit mga matatanda, sinasabi nila na "Kapag nakapagtapos ka na sa kolehyo, pwede na akong mawala. Masaya na ako na may patutunguhan ka na." being exposed to different situations made me more matured in other aspects, as well as thinking about my future.

Well, THAT'S LIFE.

Wednesday, February 1, 2012

Acads realizations..

And Im not supposed to make another entry after my acads-related post earlier. So, this one is kinda evaluation of my midterms.

NCM104: THIS! Eto yung pinaka-push na concept sa MedSurg ever, plus super galing pa nung lecturer namin. Thank god at masasabi kong nakabawi ako this concept dahil sa consistent passing grades ko sa quizzes (thanks to my seatmate, Kuya Ramon who's celebrating his birthday today!). Since malaki ang percentage neto, sana talaga eh makabawi ako mula sa pagkakalugmok sa 2.75 ko last sem na siyang humila sa pangarap kong makapasok sa 1-point somthing na GWA. That 14-unit NCM grade spoiled my three minors. The hell! Pero may exams pa kaya pagbubutihan ko dun :)

History: The not-so push subject. Honestly, Im a history addict and I inherited this from my grandma. Anything about history, sucker kami dun. kaso ibang kwento na ngayong college. Iniisip ko, sinong may mali? Yung prof ko ba na magulo magturo, na puro kwento ng mga behind-the-scenes sa history, the untold stories ika nga, yung pilosopo at di panatiko,at super magulo magtanong sa quiz (para naman kasing nagkkwento lang siya sa quiz at di mo alam kung tanong ba yun o ano)? O si AKO, na nakikinig naman, sakto lang mag-aral, papetiks-petiks, pero paborito ang history at mahilig mag-advance reading? Ewan ko ba kung anong mali sakin. May quiz kami las time and ako yung pinacheck ni Mam, sa kasamaang palad, nakakahiya ang quiz ko, 9 out of 25. Whatta shame! Pero yung iba naman 11-19, and yung classmate ko na tunuturing kong matalino, 8 lang nakuha niya. Wow diba? So feeling ko, di lang ako yung may problemang ganito. Okey, eto na talaga to, almost all of my classmates consider me as the intelligent one dahil pala-recite ako and chenelyns. Pero di naman nasusukat sa recitation yung katalinuhan. Nabo-bobo ako sa quiz, ewan ko rin kung bakit ganun. YUng ibang classmates ko na parang keri lang, mas matataas pa ang nakukuha sakin. Parang nasuntok ako bigla na, bakit sila nakakakuha ng mataas, ako hindi? And I see that as a big challenge especially this finals. I need to do better. Nabo-bother nga ako sa 50 ko dun sa activity plus yung 9/25 ko pa. Awful grades. kaya kahit na assignment, pinagpupuyatan ko makabawi man lang sana.

PolSci: Not so awful to since keribels yung subject na 'to. I dreamt of becoming a lawyer then dahil sabi nung iba, bagay daw sakin yun dahil ma-rason akong tao. Kapag ma-rason eh abogado agad? Di ba pwedeng nag-eexplain o may pinaglalaban lang? GOING BAAAAAACK! *commercial break. Any, 2.5 naman ako dito but I need to improve my grade dahil baka manganib yung GWA ko. Wala na akong inaasam pa na makukuhang honors this college dahil walang pag-asa. Isa na lang ang pinanghahawakan ko ngayon, to do better in our review and top the NLE.Ganyan ka-taas ang pangarap ko. Tapos mailagay yung grad pic sa tarp sa Tech Bldg at mailagay sa headline ng Advo *ahem ahem to News people especially to Juju and Janice*, ambisyosa na kung ambisyosa, yan ang driving force ko para magtino pa lalo. Okey yugn 1st 2 quizzes ko,a nd I must say, may pag-asa pa ako sa 1.75 na goal ko :)

Nursing Research: Yeah. 1.75 beybe! Since pinaghihirapan ko/namin si bebe GLABS (autoclaved reused/reprocessed disposable gloves *phew!), sana mas tumaas pa grade namin. Sana mag-tuloy tuloy yung magandang grade namin para push! :)

Nursing Appraisal (NCA): bakit naimbento ka pa? I'd rather choose In-house review kesa sa computer classes sa NCA na super boring at hindi push. Sana naman kasi ibalik ng IN yung in house review na socratic (as described by an IN alum). Magulo kasi yung NOL pramis and mas wala kaming natututunan dahil iba pa rin yung actual. Partida, may grade to kaya I fear na iligwak ako nung leche na 'to. *peace po :) Ah basta, kaya ko to.


--Sorry naman at naglabas na naman ako ng hanash dito. And as the finals is approaching, buhos effort na  para maka-kuha ng GWA na above 2.5 :)

Pwede maki-relate?

So ayun nga, dahil sa nung una eh di ko madefine yung tinatawag na PAPERWORKS or the so-called ACADS-RELATED PAPERS sa ngalan ng Case Presentation lang ang alam kong paperwork namin-- ngayon naman eh super mega defined na

TOXIC-est week na ata to dahil sa dami ng paperworks. Nagkasabay-sabay na sina History, NCM, and Nursing Research na pwede ko ng i-relate sa mga thesis ganaps ng mga graduating staffers. Buti na lang talaga at di ako ang leader sa group, bukod sa sawang-sawa na ako maging leader, may mga obligations din naman kasi ako sa labas ng acads. But since alam ko namang di maiintindihan ng mga groupmates ko yung mga ganap ko outside that freakin' Nursing Building, eh di ko na pinapaalam. basta sila, pinapakialaman nila yung press id ko sa Advo and UAAP sa kadahilanang COOL daw, partida araw-araw nilang tinitingnan. Wow lang. KGo.

Moving on, kelangan kong mag-multitasking dahil sa exams week na rin. But wait, bukas sina Facebook at twitter! Mga detractors kayong dalawa! You must be KILLED!

Any, sana matapos kong lahat yung mga ganap na to and bukas ng gabi, NEWS BLACKOUT ang peg ko, magre-review ako sa Neuro Exam, goal kong maka-1.75 dun, pambawi man lang. Sorry naman sa 1.75, mataas ang pangarap ko (anubey!).


So ayun nga, kekempetin ko na sina acads, then after nun, yung obligation ko naman. Deads ako neto dahil bopols ako sa editing kemps at  sa napeperceive kong kahinaan sa S-V-A na recently lang naganap at lumala. Magrereview na rin ako ng english ko. HAHA.

#

Tuesday, January 31, 2012

ACADS is LOVE

Since our Neuro RLE ended today, kaya heto ako ngayon at nagpapaka-busy sa acads-related paperworks. Nursing Research, History and NCM yung mga kempers na nagpapa-busy sakin. Should've done this last sunday kaso si NurRes yung inuna ko kasama na rin si so-so RetDem.

Ang tanong, bakit andito ako sa blogger? Katatapos nga lang din namin mag-usap nung groupmate ko dahil kahit siya, tino-toxic nung groupmate pa naming isa. Oh well, dahil naman sa kasipagan ko sa articles for Research, 7 abstracts ang isusulat ko. GOSH, after ko siguro magsulat, pwede na 'ko magka-carpal amputation (i forgot the exact term).

Si History naman, medyo maarte ng konti. Well, para tumaas ang grade, pagbubutihan ko ang kemerot na 'to. Kaso unfair ah, 6 yun ia-outline namin compared sa other group na 4 lang tapos maiiksi pa. Oh well, MOVING ON!

Si NCM naman, madali lang kemehin, kaso nga lang din ulit, exams na namin sa Friday pero di pa ako nakakapagreview. I dont wanna spoil my Neuro concept since maganda yung mga quiz results ko compared last sem. Therefore, I conclude that (LOL), having a good sleep and NCM classes in the afternoon will give you good grades. hellooo, di ko na kaya tinutulugan yun. And pasalamat lang, magaling yung prof namin, si Mam Richelle Briones :)

Madadala ko ata si Parker sa school bukas para dun ko na ipagpapatuloy yung homework ko. May cover pa ako ng 4pm, so kelangang may gagawin ako from 10am to 3pm.


----------------

Bilang acads-focused blog entry to, isisingit ko na rin yung hirit ko kanina sa RLE. About body mechanics yung lecture namin kanina. And nung di naexplain nung classmate ko yung about dun sa purpose of turning and moving patients na provide comfort, naghahanap si mam ng makakapagsagot sa kanya. No one raised their hands, pero plano ko magtaas ng kamay nun kaso nahiya ako (mahiyain ako guys, believe me). Though nasa likod ako, nakita ni mam na medyo nakataas yung kamay ko, pero yung truly eh parang sinandal ko lang yung elbow ko sa may upuan kaya nagmukhang nakataas ng konti. So ayun, tinawag niya ako and I answered her in straight english. Nakakatuwa lang kasi all of them applauded me, dalawang sections kami sa room kanina and most of them were my former classmates. Talk about 15 minutes of fame :D

At isa pang proof na mahiyain ako. Since nawala ko yung receipt ng PressPlay, kelangan kong tumawag sa The LaSallian office. Una, nahihiya ako though nagprepare na rin ako kung ano sasabihin ko, pero kinakabahan ako. Una, baka kasi inglishin ako ni Mr. M.E. Patrick Ong (haha, kasiii....), then baka maaning ako bigla at kung ano masabi ko at baka mali ako ng masabi. basta yun! Pero nung tumawag na ako, okey naman din, girl yung nakausap ko kaya okey lang :)))


O sha, back to acads! Busy day tomorrow, PUSH!

Sunday, January 29, 2012

Para kang LUNES, walang may GUSTO sayo :P

Thanks to my groupmate Azel para sa title ng entry ko ngayon. Yeah, MONDAY sucks. RLE day na naman and may quiz/retdem pa.

Yesterday, nagcover ako ng football with Meyor (and her cute kiddo, Gab), Dana, Kuya Carl (who toured us around Ateneo including the nature trail), Don, and Ate Mona. :) Basang-sisiw kami kahapon dahil sa lakas ng ulan. Intense pa yung mga game. Good thing, we won yesterday!

Dun pala sa naunang entry ko, natawa ako kasi parang may ibang meaning yung ibang words ko dun (o baka ako lang nakapansin nun). Baka kasi ma-misinterpret nung ibang makakabasa, hihi :))

Okey, review-review na! :))

Tuesday, January 24, 2012

I dont feel like blogging

Wala lang. Eh bakit andito pa rin ako. Wala akong maisip na ipost actually.

NEURO RLE. Okey naman, nakahirit ako ng "Mood changes caused by low levels of neurotransmitter serotonin" kanina.

NOL: Kahit na ayaw kong pumasok., PAPASOK ako. Kung gusto kong pumasa, dapat akong gumawa ng paraan. Wake up LHEA!


DONE!

Saturday, January 21, 2012

Press Play 2012

I think, this week was totally a blast. IAS and IN week plus Press Play! :)

This year's Press Play was in La Salle in celebration of their Media Week. This was the tie up of Ateneo's The Guidon and DLSU's The La Sallian. It was an advance seminar for students who are in line with Journalism. Some student publications present was UPHSD, Veritas, Mapua, Letran and FEU.

I definitely learned a lot from this seminar--especially dun sa Investigative Reporting/Journalism in relation with the New Media. Our resource speaker was Mr Ed Lingao of PCIJ and he was also a print and television personality since he wrote for Manila Times before and then a reporter in The Correspondents. Though he only had a short time to discuss everything to us, but he left us with a mark. He gave us tips, motivational messages and also POV's. During the Q&A, I asked him a lot of questions since Im interested with his topic and I see journalism and broadcasting as my last resort since Nursing is kinda...umm, declining. First I asked him if media (broadcasting companies, publications) would accept someone who didn't even finished a Comm course and it's only experience is working in the student publication. So Sir Lingao asked me back if why did I became so interested with journ or broadcasting and I answered him. I wont forget some of the things that he said like "Bago ka pumasok sa broadcasting, dapat unang-una marunong ka magsulat" and "It doesn't matter what you are (nursing student), but it is on how you do it (journalism)". He cited some examples and his own experiences. A producer won't choose you just because you are beautiful, has a fair complexion and white underarms (yeah, he said that), but he will first let you write and then it is the time that he will judge you. Then on field reporting, I also asked him his if he already had a contact on his assigned place, how does he formulate questions..etc. He let us watch some videos from early 2000's especially from ABC5 and ABS-CBN. We saw a lot of familiar faces including Zaldy Ampatuan ( yeah, I was able to recognize him since the setting was in Datu Aguak in Maguindanao. And he was so young then, you won't think that he'll gonna be the mastermind of maguindanao massacre after 9 years!).

Aside from that, he also tackled the rise of new media and the rapid decline of newspapers in the US. It's quite alarming and we teenagers forgot to read newspapers and totally rely on Yahoo which aggregates some top news in mainstream media like NY Times and the likes. According to a website, they predicted the death of newspapers after 5 years. They also made a study on the internet usage of the Filipinos. We are now tagged as the World's Largest Internet Users with 93.3%. Every Filipinos use the internet for 7 hours in a month but in reality, especially here in Manila, 7 hours is just a small number. We can stay up to 12 hours or more during weekends. Actually, we dont fully utilize the internet properly. Some people from the province go to internet shops just to update their statuses and play games but little did they know, they can get a lot of informations. INFORMATIONS in the internet are somewhat viral, even pictures and videos. Well, I cant elaborate more about that cause it seems like Im already lecturing. haha.

Going back, being in media is an adventure. Some may say that news is boring, but hey, you can do a lot of things with news. Others complain that their audiences (students) are very passive in the news that they are publishing, they dont even care on school issues, etc. An editor from a university shared that their newspaper are bring checked first by the admin of their school. The admin wants to make sure that the paper wont give any bad image with their school, but it seems like they (admin) are controlling the press freedom. I dont really know the whole story but it seems to be somewhat like that. Good thing in FEU, we have freedom to publish news which aims to inform the students with the current happenings and issues and the admin doesn't check our galley before we send it to the publishing house. I wonder if we are in the same situation with that editor. hmm. Hey! Where am I heading to? I thought this blog was about my adventures today?

Going back again, we had our lunch at their canteen. It has the same ambiance with EB canteen and the also have big fans like those on Pav 2. While roaming around, I somewhat felt that "college vibe/ambiance". I dunno why but I like La Salle's vibe, it's kinda different (well, maybe because it was a big university and it is in a different location. hmm, pwede). People there loves to wear statement shirts of DLSU and are very simple. The La Sallian's staffers are very hospitable especially their (very cute, ahem) ME and the funny girl (whose actions are very Maskom, like she called scissors as "jonting". COOL!) Someone from the staff looks like Enchong Dee (the slimmer version), and I thought that guy was a celebrity. haha.

On our second session, we agreed on Photojourn since majority of us went to IR and Jude was separated since he joined the Visual Arts seminar. To our surprise, the speaker, who was a La Sallian and Manila Bulletin photographer was an acquaintance of Jude! They knew each other during UAAP Men's basketball tournament last semester, and! he's an RR Garcia fan (can you believe that?! definitely cool!). He gave us basic knowledge on photojournalism and important points. I may not be a photographer but Im really interested on pictures (maybe because I easily remember pictures than words.. something like that.) He also shared his NINJA stories (Jude, alam mo yan!), which are quite risky and adventurous! "Photographers go to places that other people fears to go" (parang ganun ata).

After the seminar, I asked Kuya Andrew about Joel (my acquaintance from ITH) but they know him as Tim (his nickname) and I told them that we know each other months ago, and kinakamusta ko siya (we had a nice talk during ITH). And then, all of them said "Ayieee", and I just laughed. Their ME invited us for a snack and then attend also their party. I was thrilled since it's gonna be my first time to attend their party but unluckily, my advo mates wants to go home early. So we just roamed around the La Salle campus, seached for Bro Andrew Gonzales Bldg, had a mini picnic in front of Yuchengco Hall, explained about architecture kemps, then picture taking before going home. Buts and Marra made me laugh hard because of their conyo way of speaking, but contrary to what they are expecting, we all conversed in Filipino and they are not conyo. :) I also bought a lanyard with NERDY printed in it. I should've chose the SPORTY one since Im from sports section. hihi :)))

Thanks to Jude for taking the photos, Buts and Marra for making me laugh, Nikky, Glesa, Jan (with his fab hair. SUPER LIKE!), and Bambi (Happy Birthday!) :))) Hope to spend more time with you and more seminars to come!

--Yours truly, The Senior Citizen Lhea :)))

Friday, January 20, 2012

RESEARCH keeeeeemps

Im not going to blog what happened tonight, naiinis lang ako sa research namin. *Yeah Cindy, ikaw na may GANAP!*

URGH, ang hiraaaaaaap! Gosh, more sleepless nights. Partida waley pa kaming thesis. At bakit ganitooooo? Di naman ako nagpuyat ng bongga sa CDX and partida ulit, ako pa leader?! Okey, go.

I DONT WANNA DIE!

--May PressPlay pa bukas.

Monday, January 16, 2012

Let's PUSH this! :)

Stressful day. Parang namatayan ata ako ng neurons nitong hapon, but anyway another learning experience for me. I admit na matagal ako magsulat, pero kapag na-time pressure ako just like what happened last sem na torn ako between articles and nursing-related paperworks plus pressuring groupmates and their rants, napapabilis ko yung ginagawa ko, yet not sure sa quality ng ginawa ko, pero binuhos ko naman yung makakaya ko dun.

Kaming tatlo nina Ace and Cindy yung medyo pagod yung braaaaains but still we remained calm and pakanta-kanta pa. I think, that's what I love Sports, kalmado despite of some things. We can adapt to stress and divert problems/pressure to other things. Sa kaka-edit, inabot kami ng 9pm sa school. Kami-kami na lang magkakasama nina Juju, Janice, Rits, Don and Ace. Pagdating ng kanto ng Morayta, nag-aya si Don na mag-Starbucks samantalang umuwi na si Juju. Eventually, tumuloy kami ng P. Noval pero nag-withdraw na muna dahil sa mapapagastos kami for sure. Habang naglalakad, iniisip ko yung stickers ko for planner na balak kong ibigay sa best friend Faye ko and i-libre na rin si June Ace na na-stress ko masyado at medyo sinisinat pa.

As we arrived sa Starbucks-P. Noval, pumila na rin ako para bumili. At dahil sa di ako nagsasawa sa chocolate chip cream plus cinnamon swirl na super favorite ko, yun na yung binili ko and dinner na rin, plus yung caramel macchiato ni Tito Juneys. Nung bumili naman si Don, pinagamit ko sa kanya yung planner ko. Buti na lang at mabait yung cashier at nilagay niya sa featured beverage side yung sticker and pati na rin yung kay Rits. Yehey! I'm 4 stickers away for another planner!

Nga pala, nandun din yung SC family ni Pareng Cee ni Dairen including a former Advo staffer and some familiar faces. Di naman naging awkward na andun kami (well, if you know what happened last August, and sa opinions nung Aug ish din, eh mage-gets mo na), pero parang feeling ko lang eh may 2 different forces na andun malapit sa kuta ng mga tigre :))) Any, nung kumpleto na kami, na-HOT SEAT ako bigla bilang pauso ni June Ace. Akala ko naman eh love-life related yung magiging topic (alam naman nating so bad ako sa area na yun). Org-related actually yung usapan and tanungan and kung ano yung nafo-foresee sa mga susunod na months. Medyo chill lang ako sumagot and come what may na lang ---kung ano yung darating eh yun na lang (tinagalog ko lang eh no). Tapos may mga chikahan din kami and tawanan. Parang bitin nga yung pagse-stay namin. Sana napaaga kami ng punta para napahaba yung kwentuhan namin. Though napagastos ako dahil sa katakawan ko sa Starbucks, eh okey lang naman. Nabusog naman ako and masaya kaming nandun. Looking forward for more bonding moments kahit saan man yan. :">

Sabay kami pauwi ni Janice, 1st time lang daw niya umuwi ng ganung oras. Pagdating namin sa kanto ng P. Noval and Dapitan, nakita ko sa may Mamang Taho si Kuya Gryann (maisingit lang) then sumakay na kami ng jeep. Mga 11 na rin ako nakauwi sa bahay :) Pagdating ko, napansin ko na nawawala yung coin purse ko. Sayang yung 80 pesos ko dun ah :| Pero kung kailangan talaga ng tao yung pera, sana binalik na lang niya yung wallet ko, matagal ko ng kasama sa buhay yun eh :( Parang pareho lang din kami ng drama ni JH bilang nakuha ata yung ID niya pero binalik naman. Parang gusto lang ata malaman nung tao yung name ni JH eh. HAHA. :D para-paraan din para malaman yung name eh no, dinadaaan sa pagnanakaw ng ID. Eh sorry naman daw, hopeless. LOL :D Imba pa reply sa message ko na, di na raw siya magpapakulay ng hair, kung magpapakulay man sya, it would be black (plus smiley). HAHA. (okey, ambabaw ko).

So magka-Tweet kami nina Dairen and Cindy. Then binasa ko na rin yung blog nilang dalawa.

Hear my Heart Beat: Ano ba naman yan, parang nauulit lang sayo yung ginagawa ko kay nanay dati na kunwari chill lang ako and everythign will be fine pero yung totoo eh nag-aalala ako. Wag ka munang umalis pwede? Pwedeng sabay na tayo sa April 2013? Mahirap pa sa mga panahong 'to. Alam mo naman na tatatlo na lang tayong gumagalaw and di pa natin maaasahan masyado yung mga pinsan natin. 2 months na lang and makakalasap na rin tayo ng bakasyon (maliban sakin na buong summer na magdu-duty). Hold on, kaya natin to :)

Make Believe/Mixed Signals: Kung san ka masaya, dun din ako :) IDK kung what team ako eh. :P And sa acads and other problems mo, kaya mo yan. Keep smiling and feeling ko naman, napapasaya ka ni Polar Bear at nakakalimutan mo yung problems mo. Push lang ng push! :)))


Time check: 3:23am! Pupunta pa ako ng Novaliches later! :))) Bayie!

Friday, January 13, 2012

Friday! Friday! Gonna get down on FRIDAY!

Funny title huh. I dont have plans on blogging right now, but since binasa ko yung blog ni The Dairen, naisipan ko na ring mag-post.

Waley talagang ganap sa'kin today though bukas pa magaganap yung mga BIGGEST GANAPS. I was absent this morning sa NCA namin, little did I know, may EXAM pala kami dun. I fear that I may get failing grade in that subject since i haven't finished my lessons. BTW, it's kinda computer class so I feel lazy attending that. Badtrip lang kasi dati incorporated siya sa NCM namin, but now, separate na siya. So, Im going to take my exams tomorrow with Leilani at 5pm-9pm. Seryoso, our exam is not that lengthy since 200 lang naman siya. LANG talaga, sanay na kami dyan. Though time consuming lang daw talaga yung pagbabasa ng questions kasi mahirap. Kasama pa yung CHN and MCN which I took up during 2nd year-1st sem na mala-CLINCHER daw according to Papa D (our class mayor).

Enjoy ako sa pagpi-picture with Leilani sa Iphone niya. Sobrang dami ko ng pictures dun and gulat siya sa mga apps sa phone niya na di pa niya naeexplore. FUN yung photobooth app, hihi. Waley ganap naman sa History namin. Medyo lame lang prof namin but andami kong natutunan sa kanya, esp yung mga bagay na di naikwento nung elementary.

Inedit ko na rin ng bonggang bongga yung article ko, sana okey na rin yun. Nagi-guilty ako kasi pahirap yung Fencing article ko then parang naging cause of delay yung section namin. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Nanay Lora samin last year na maging role model kami sa lahat ng sections at di maging cause of delay. Sana next year mas maging okey yung section namin and mas maramdaman na yung newbies namin. Yung ka-partner ko, who happens to be my coursemate, naaasahan ko naman esp nung Fencing dahil siya yung kumu-contact and kumukuha ng details. Magaling din siya magsulat and mas mahaba ata experience niya as a sports writer kesa sakin. Yung totoo, nalulula ako sa ilang words niya lalo na sa 1st article niya kaya di ko na chineck. Pero I hope that she'll be a lot more active next time, maybe this summer since WE really need our newbies' presence. Juneys, Cindy and I are incoming seniors, so we're kinda busy by summer. Puro duty na lang ako then meron ding kanya-kanyang ganap sina Cindy and Juneys. Ayoko magmalaki or whatever but last year, kahit na may duty, case press and everything ako, I can still manage to cover especially Football since yun lang talaga yung game na pwedeng pwede ako and swak sa sked ko then. Sunday, my only free day then, I spend my afternoon in Ateneo to be able to do my duty. Looking back, nakakatuwa kasi nalampasan ko yung mga yun. I dont wanna compare my sked pero sana they'll take the initiative to do their obligations whenever they are available. Since I joined the org, I explained everything to Nanay kung bakit ko ginagawa yung mga yun, and she understands. Wala namang parents na magagalit sayo or di papayag if you're doing the right thing diba? And the best thing I learned from being a sports writer is TIME MANAGEMENT. Busy man ako, di naman ako nagre-reklamo. Im enjoying every bit of it, kasi baka sa susunod, di ko na maeexperience and magsisisi ako na di ko napagdaanan yung mga yun.

Tomorrow will be a very LOOOOOONG day. Maha-haggard ako mula Nursing Research, Eyes and Ears Exam, and NCA Online exam. I promise to do good this Midterms. 2.5 sa PolSci while 2.75 sa History. I hop na sana makabawi ako. Nakakahiya naman kasi na puro line of 1 ako last sem sa minors ko and syempre kelangang ingatan ang GWA para di ako masuspend and takot ako sa sinabi ni Mam na 2.25 yung required grade sa IN to graduate. So help me God! Im doing good naman recently with my NCM, sana tuloy-tuloy na. I give credits to our lecturer Mam Ritchelle Briones, favorite lecturer ko sya sunod kay Mam Tapnio. May sense of humor kasi sila and gising na gising ako sa klase. Iba talaga kapag board exam reviewer yung lecturer niyo. :))) And bukas, haharapin na namin si Research bilang pinaghihirapan namin yung intro. mala-article lang ang peg eh :))) So ayun nga, good luck sakin bukas.

HAHA, teka akala ko wala akong hanash? We'll nakapagbawas na naman ako ng nilalaman sa utak. thanks blogger for being there and to my readers adn fans (HELLO Dairen, Cindy, Ate Clar, Lola, Sib). good night everyone!