Showing posts with label #Yon. Show all posts
Showing posts with label #Yon. Show all posts

Tuesday, September 18, 2012

And I'm so back!

Hello there my dearest blog, ang baul ng aking very brilliant mind. LOL. So ayun nga, I'm so back na. Define pagbabalik. Nakakairita lang kasi puro Joshua-related na naman blog ko, uso mag-move on te!

Time check: 4:20. Wala pa akong tulog at wala pa akong NCP. Lechugas diba? Buti na lang wala kaming duty bukas, Case Pres and Post Quiz :)  Later ko na nga lang gagawin! Define katamaran diba?

Ang aga ko umalis kanina for duty, kasi balak kong tumambay muna sa Starbucks at gumawa ng NCP. Binayo kami ng ulan bandang Commonwealth, but di naman binaha dun sa may Regalado. Phew! Kasabay ko naman sina Chels and Muri nun. Then tumambay kami sa Starbucks hanggang 3pm :)

Rejoice! Di natuloy i-discharge yung patient ko. HIHI. Atleast naalagaan ko pa sya. LOL. :) So nag-VS ako, and sumama si Ana. Aba! Inunahan pa akong kamustahin si AJ! (Patient ko) Tapos eto namang si Aps eh kung anu-anong tinatanong kay AJ at dinadamay pa ko. Kaloka. Parang ike-case pres lang sa dami ng tanong. Chinika ko rin sya about acads. GOSH! May plan sya mag-MED! Parang bet ko rin eh! :)) Para classmates/seatmates kami! Kumusta naman yung surname nya diba? AJ Bago, tapos LJ Bagona naman ako. HAHAHA. Meant to be! On the other hand, tahimik sya at mahiyain pero parang naging comfortable naman din sya sakin after ko kausapin.

Moving on! Ayun, di ko akalain na last day ko na pala sa FEU-NRMF kanina. Since nganga kami after paperworks, todo Twitter naman ako. From Koko, You, Ate Isai, Zee, Ate Bien, andami ko ng naka-chat and natweet. Tapos nanghingi pa si Russel ng number ni Sir Ian. Hahaha.

Nung dinner naman, di ko naubos food ko, di ko kinaya yung Katsudon. Tapos usapang buhay and kalokohan naman kami ni Ate Rej. pagbalik ng duty, VS ulit and kinausap ko na naman si AJ. (READ: Nakita ko number nya sa chart!). GC pala sya! Sigurado matalino to. Actually, GC naman ako, di lang ganun kalakas pagka-GC ko :P

Lahat yata ng girls sa group namin, bet si AJ. Sorry, patient ko syaaa :)

Nung pauwi, nag-resume na naman yung banatan namin ni JA. HAHAHA. Nung pauwi naman ako, mag-isa na lang ako syempre. Naka-chat ko na naman si Mark Espiritu aka Maju kanina. 2 nights na kaming magka-chat at usapang thesis, cartooning at duty kami (buhay 4th yr indeed). Tapos kaloka pa mga hirit nya.

"Lhea, pa-share naman yung picture (fashion show) sabi ni (James) Soteco"
"Lhea, gawan mo raw si Soteco ng medical certificate"

Haha, napakabuting kaibigan indeed. Haha, at may pagsambit sa pangalan ni Soteco. (Note: Crush ko kasi yung barkada nilang si James Soteco, though akala ng mga taga-Advo eh si Mark ang crush ko. HAHAHA Example ng maling akala: Armen)

Shinare ko naman yung photo, tsaka mas nauna akong nagshare kesa dun sa message ni mark. then yung sa medCert naman, sabi ko "sana sinabi mo agad! may RX pad sana kanina eh! :P). Since di naman ako pwedeng mag falsify, inendorse ko na lang yung Recto. HAHAHA.

Nakakainis, galing akong duty sa Oct 3. Di bale, uuwi ako't maliligo ulit  para di ako bad hair day na manunuod. Malay natin andun si James! :P Pero pupunta talaga ako dun para sa mga friends ko (Pat, Yon, Rits, Mark, Anjo). tsaka di rin ako nakapanuod last year kaya babawi ako ngayon!

Saturday, March 3, 2012

Hey MARCH!

KUMUSTA naman MARCH?


Grabe, feel na feel ko na ang buwan na to. Kung last month eh emotional ako, ngaayon naman eh NGARAG. Kelangang mag-double time para humabol sa grades. Ganun talaga! :)

So ayun nga, sinimulan ko ang buwan na to sa NOL. Feel kong tagilid ako dito, aminado ako, kaso kelangan kong gumalaw na. Eto yung consequence dun sa katamaran ko eh. Sana kahit matapos ko na lang yung Fundamentals, MCN and Psych Nsg. May time pa naman ako. Wala akong masabi sa session kanina, di ako inantok! :))))

Sa Nursing Research naman, nagkakagulo na kami. Sorry naman, 3 groups na raw kami. HAHA. Mabuhay si Azel! :)) Medyo nakakainis lang yung group leader namin, imba yung pagka-authoritative. Nag-eeffort akong maintindihan  siya pero iba lang talaga ugali nun. Di siya madaldal pero iba trip niya sa buhay (pake ko sa trip niya sa buhay), tapos madali maimpluwensiyahan, pero matigas ang ulo, taklesa, akala niya siya lang nag-iisip.Pasensiya naman daw, parang hindi mga GC yung mga ka-grupo niya diba? Then, paagkatapos mong magpakapuyat sa &*%$+@!?^ thesis, sasabihan ka pang di nag-iisip? eh &*%$+@!?^ ka! Siya kaya utusan kong gumawa ng article, tignan natin kung makakagawa siya nun. Wagas lang umasta eh. Tapos isa pa, grabe makapag-reklamo, mapa-member man siya o leader. Ewan ko ba, dinadaan sa TANDA yung pagli-lead ng grupo namin pero kung sino pa yung umaastang MATATANDA, yun pa ang kulang sa MATURITY. Grow up KIDDOS, learn to adjust to your members, BITCHES.

Kung di  lang ako busy sa ibang bagay, ako na talaga yung magle-lead ng grupo namin. Kaso, how will you lead a group na maraming nagmamagaling, nagpapaka-leader, na utang na loob pa namin na ginagawa niya lahat. Buong buhay ko, leader na ako sa grupo na kasama ako, pero kasi ni minsan di ako nagmalaki na AKO YUNG GUMAWA NG LAHAT. Kahit ako man gumawa, GROUP EFFORT pa rin paningin ko dun. Kumbaga, wag mong solohin ang lahat, kaya nga group eh. Tapos yung iba nagmamalinis pa, nakakainis diba?

MOVING ON!

Nursing Research lec naman, 2.75 ako dun. From 81.6, naging 76.9 (75 kasi base namin). Kainis diba? isang bagsak na quiz at exam lang, bumaba ng ganun? Tapos sasabihin pa ng group leader na ibabagsak niya kami sa peer eval? Subukan niya!

Yung NCA lec naman, tinulugan ko  na naman kanina. Buti lang nung hapon, nag-Moonleaf ako kaya di ako inantok sa NOL. HAHA, gising diwa ko eh :D Sayang lang nung nag-exam kami, 1 na lang at 50 na ako. :|

Kahit gusto ko ng BB, iPad, D&G Light Blue perfume, hindi ko na hiningi kina Mommy, Papa at Lola, PRAYERS lang yung hinihingi ko. Alam ko namang darating din kami sa regaluhan part pero kasi mas importante to, STUDIES to eh. I dont wanna falter kung kelan malapit na ako. Konting kembot na lang eh! Tsaka maraming maaapektuhan pag bumagsak ako eh. Alam mo yung may babalikan akong subject, yung nag-iisang subject na di ka makakagraduate kung di mo maipapasa yun. BASTA! Kelangan kong pumasa, PAPASA AKO! :)

Wala na rin  akong problem sa section namin maliban lang dun sa nai-confide ko kay Tito Juneys last time. Yung exam na ite-take ko for the second time yung hot topic ngayon. Buti lang di na kelangan magreview dun ah :DD

Dumako naman tayo sa usapang lovelife. EH? Magkatext na naman kami ni Joshua. EK? Nagsimula to nnung birthday ko, tapos natapilok siya kagabi at tinext ako to seek help. PERSONAL NURSE?? Pasalamat siya mabait ako. Sinabihan ko naman kung ano gagawin niya dun sa sprain niya. Ke malas na tao, kung kelan niya balak makipaglaro sa FEU Gym kinabukasan, dun pa natapilok ang loko. HAHA. Paraan na ni God yun na kami maaksidenteng magkita around Morayta. Aba, awkward yun ah. Pero mass masaya lang talaga pag nakasalubong ko siya na may kasama ako, kahit sino basta boylet. HAHA :D Bitterness aside (BITTERNESS ASIDE???), di naman ako apathetic sa kanya nung nagkakatext kami, siguro mas iniisip ko yung mga itetext ko sa kanya. Mahirap na,  baka isipin niya eh pinapatulan ko kalandian niya  sa katawan. Pasensya na, di kasi ako malandi eh :">

Tapos, eto yung balitang mainit-init pa. (Para sayo 'to Dairen! :'> ). May nakakagulat na tanong lang kasi si Dairen sakin kahapon, kung crush  ko raw ba itong si friend (hulaan kung anong institute to). :D So natawa lang ako kasi wala talaga, siguro dahil lang sa kinukulit ko yun nung nakaraan. Eh mas natawa ako kasi ibinalik niya yung time na tinanong niya ako about JH, eh medyo aminado akong di ko sinabi yung totoo kay Dairen :)))) Kinwento ko sa friends ni friend  yung sa tinanong ni Dairen, (ang daldal ko lang diba? sorry naman daw, di ako nahiyang i-share kasi di naman talaga totoo). Yung sinagot nung mga friends niya "Di naman si friend yung gusto mo eh, yung FRIEND nung si friend", HAHA, tapos sabay kain sa Hepalane :)))


Pagkatapos nung exam and revalida, papagupit ako ng bangs (di na full bangs ah!) at magpapa-rebond (kung may extra money) :))))


Si Lord  na bahala sakin, magpupursigi  ako this finals :)