Tuesday, February 14, 2012

*inhale exhale

Im sorry blogspot, andito na naman ako para magsumbong sayo.

This day is not so PUSH. It's not because of Valentines Day, nor I don't have any date and we have hospital duty. Feeling ko, mentally stressed na ata ako.

Hindi ko mapipigilan kung umapaw na yung stress sa utak ko. sinong hindi maiistress sa pasyenteng naninigaw? tapos ke simple-simple ng case niya na Normal Delivery eh daig pa ang nagka-craniotomy sa sobrang pangto-toxic samin? Partida eh nurse pa yun so dapat maiintindihan nya kami, kaso hindi eh. Pati resident doctors sinisigawan, daig pa ang bata kung maka-daing na masakit mag-insert ng IV catheter. Ano ba? Tapos tatakbo-takbo ka para ireport na ganito-ganyan yung sabi ng patient mo.

Next, yung ibang groupmates ko na hindi mo mautusan. Mas masipag pa mag-Temple Run kesa mag-check ng IV, mag-VS, mag-admit ng patient, o tumakbo-takbo para utusan. Wow lang talaga. Konting sipag naman, consideration, and makialam naman sila kung ano na ginagawa nung iba. Sa dami namin, dalawa na yung pasyente ko. Di naman ako nagrereklamo o nagmamayabang sa kanila, sana man lang magkaroon sila ng initiative na sila na yung gumawa nung ibang bagay. Naka-milyon na sila sa temple run, naka-milyong ulit na kami ng charting, pabalik-balik sa pasyente, mag-interview para sa case pres. Tapos kung kelan magsasalita ka, babarahin ka pa. Grabeng kabastusan lang.

So talagang wala ako sa mood ngayon, nagsama-sama na lahat. Tapos nag-effort kang pumunta ng Morayta para bumili lang ng card at flowers, tapos sisisihin ka pa na sana sa Dangwa na lang. Eh sorry naman, makikipag-siksikan pa ako dun eh naka-clinical pa ako.

May isang kilala ako na wala rin sa mood, and since sabi niya na wala rin daw siya sa mood na makipag-usap, parang ganun na rin ako. Ewan ko, nakisabay na rin ako sa kanya. Instead na yun yung magiging driving force ko para gawin yung mga di ko pa nagagawa, tinatamad na ako.

Naisip ko lang habang nagbblog ako, medyo ambigat talaga ng pakiramdam ko. teka, me KONEK ba to sa hindi ko pag breakfast at lunch kanina tapos diretso duty? Mantakin mo yun?


Kailangan kong magfocus muna sa mga kelangan kong gawin. Since di ako pupunta ng Arena bukas, after 3pm NOL, uwi na agad ako. Wala akong rason para mag-stay pa sa FEU bukas. Kung pwede lang wag pumasok eh. Ambigat lang talaga ng pakiramdam ko. Di ako tinatrangkaso or anything, wala namang masyadong keme sa emotional stress to, mental stress lang talaga. Natatakot ako at baka maiwan ako sa NCMH sa birthday ko (Feb 27 duty namin dun) at mag-rehab.

I do have a lot of problems. Di porke ngumingiti ako, masaya ako. Di porke maingay ako, ganun din ako ka-lively. Gusto ko lang ng katahimikan, na wala akong maririnig kundi yung sarili ko lang. Pinaplastik ko na ata sarili ko. Nakakatamad na rin maging madaldal minsan, parang di ko rin nailalabas lahat ng gusto kong sabigin. Random man yung mga sinasabi ko, yung iba dun, may hugot naman.

matanda na ako. 19 na this coming 27. Andami ko ng naiisip at nare-realize. Naiiyak lang ako kasi despite na maraming tao sa paligid ko, mag-isa pa rin ako. Parang incomplete pa rin ako. Nawawalan ako ng driving force para gawin ang isang bagay. But since nakausap ko si papa 3 days ago, siya na lang ang iniisip ko. Yes, dalawa na lang kami ng dad ko. I should be striving not just for me, but also for him. Takot akong mag-fail sa anumang bagay. Takot akong mag-fail. Malayo na narating ko, di ako pwedeng sumuko. Ilang araw na lang, ilang linggo, ilang buwan na lang. Yung future na pinapangarap ko, para na lang ngayon kay papa. Yung pagiging disciplined and pagiging mabuting bata yung maibibigay ko naman kina lola and mommy. Di ako pwedeng maging mahina sa mga panahong ganito. Andito na ako eh, malapit na.


Nakakatawa lang, tinanong ako ni Papa kung may boyfriend na raw ako since 19 na raw ako. Then sinabi ko na wala na nga akong oras para sa sarili ko, nakakalimutan ko na mag-breakfast at lunch, tapos di na nakakapasok sa NOL dahil sa pagod sa duty, tinatamad akong makipag-usap sa bahay or makipagtext and andami ko pang problema (acads, personal, family, finance) tapos magsa-sideline pa ako ng jowa? And after nun, todo iyak naman ako dahil sa pag-eelaborate ko ng mga problema ko. I do pity my father, andami rin ng problema niya. I remember someone na nagsabi sa'kin na "Alam kong marami ka ng problema, nakakadagdag pa ako". I dont want to add problems to my dad, nagpapasalamat na lang ako na pinalaki ako ng maayos nina Nanay at Lola kaya pagdating sa self discipline, di na namomroblema si Papa. kahit na bilang sa daliri ko kung ilang beses kami nagkasama ni Papa, at kahit di niya ako super kilala (kilala lang niya ako bilang madaldal, makwento, iyakin, siga, nanay's girl, spoiled brat ni lolo, achiever, friendly), malaki tiwala niya sakin, kaya ayoko rin masira yun.

Eto na ata siguro yung darkest period ng buhay ko. Parang wala akong matakbuhan. Wala na akong yayakapin bago matulog at iiyakan. Wala ng magsasabi sa akin kapag umiiyak ako na "Tama na. Para kang namatayan sa kaiiyak mo."

LHEA... inhale exhale. Parang wa epek din. Itulog mo na lang, kaso andami ko pang gagawin. Nagkasabay-sabay na lahat. After t&f, isa na lang at goodbye na. Konting tiis na lang, di na ako makakatulog sa malamig at malamok na sahig dahil nakatulog na pala ako dun sa pagod.


Bata pa rin ako sa paningin ko kaso kelangan ko na mag-move on. 19 na ako, matanda na ako. Kailangang matuto na ako maging independent. Kaya ko ng i-solve yung problema ko ng ako lang.


Sorry talaga ulit blogger, nagmistulang open diary slash punching bag na kita. Kailangan ko ng baguhin ang sarili ko, tama na ang "okey lang", "i understand", "sige lang", "no problem", dapat matuto na akong tumanggi at lumaban para sa sarili ko. Wala akong mapapala lagi akong "okey lang", kasi natututo lang yung ibang tao na maging feeling superior at gagawin kang inferior, lahat ng blame nasayo, ikaw gagawa lahat. Parang ganito lang yan, pareho kaming staff nurse, pero daig pa niyang doktor kung maging superior, tinotolerate ko naman kasi eh.


hello there stressors, thank you ulit ah. Hanggang February na lang kayo. After ng birthday ko, March na, then bakasyon grande na :D

No comments:

Post a Comment