So ayun nga, LIVE na LIVE ako sa Today’s Show with Lhea sa Advo office at si Nikko (kung di mo siya kilala, basahin mo na lang yung past post ko na Lovelife ko ay parang COKE..ZERO) ang una kong pasyente este guest, dahil sa ilang complaints. Natatawa na lang ako kase di ko maipinta yung mga reaksyon ng mga kasama ko dahil sa mga pinagsasasabi kong terms and other ka-kemehan na pauso sa Nursing. Feel na feel ko naman mag-analyze kung anong nangyayari sa pasyente ko. Eh nung tinanong ko siya kung naitanong na niya sa mama niya yung complaints niya (Nurse yung mama niya), di pa raw, pero naitanong na rin daw niya sa pinsan niya na Med student kaso 1st year pa lang. Napa-HAHA na lang ako, to think na 3rd year nursing pa lang ako, nagpapakunsulta na siya, as if naman na marami na akong alam compared sa pinsan niya. :)))) kaya sinabihan ko na lang siya kung anong kakainin niya. Naloka pa ako sa kakaisip nung mga pinag-aralan namin sa Nutrition :D
Then, kinwento ko naman kay Cindy yung pinag-usapan namin ni Ricky bilang wala siya nun.At naisip ko bigla yung Yakapsule at Kisspirin, bilang inaasar ko si Cindy. Pagdating sa office, pauwi na sina Ricky nang bigla akong dinare ni Cindy tungkol dun sa BANAT. Bigla kong tinawag si Ricky at pinaalalahanan regarding sa pinag-usapan namin kanina at bigla kong siningit na..
Me: Kung di nga effective yung tinuro ko sayo, maghanap ka na lang neto.
Ricky: Anu yun?
Me: Ng KISSPIRIN at YAKAPSULE! O ha?!
Ricky: Ano? Teka di ko gets ah.
Me: WAAAAA. Anu ba naman yan, ang fail ng banat ko. Kala ko ba naman magegets mo. HAHAHA
So ayun na nga, di niya gets, ang fail ko bumanat. :|
Salamat pala sa pagbabasa, may pagka-muntae lang ako minsan at ang korni lang ng mga post ko :DDD
No comments:
Post a Comment