Since feeling ko eh walang kwenta araw ko dahil natulog lang talaga ako the WHOLE day, as in literal, magkukwento na lang ako about nung kahapon.
7am yung klase ko for Nursing Research kahapon, as in nagising ako ng maaga and ambilis kong kumain, 10 mins lang, pero 30 minutes talaga yung maximun eating time ko. Then dumating ako sa FEU ng 10 minutes before time. Kaso halos ma-bano na kami sa kahihintay ng Prof namin, ayun, 8am na siya nakarating. Feeling ko naman kase eh 7:30 pa rin talaga klase namin. Okey siya na prof kase nakakatuwa naman in a way, pero kung tamad na estudyante ka, siguradong aantukin ka. Mga 9:30, tinanong niya kami kung gusto namin ng break, eh syempre, OO naman kami dyan. Yung iba, di pa nagbe-breakfast, at yung iba, inaantok at antukin lang talaga gaya ko. So natulog naman ako, eh sa masarap matulog eh. Kaso nagising ako bigla nung minention ni Mam yung name ko.
Prof: Ms. Bagona, they told me that you're always sedated. Why? (Smiling)
Me: Umm, Mam, it's a part of growing up, you know? (laughing)
Prof: (Laughs)Haha, so ayun nga, balik tulog na 'ko. And nagising na lang nung nagresume na ang klase. Ewan ko lang kung bakit nawala yung ballpen ko. The last time na naalala ko eh hawak ko yun tapos nawala., Baka nahulog o tinago lang ng mga classmates ko. May pinag-usapan kami sa about sa characteristics of a good nurse researcher, and inadd ni mam na dapat eh good writer din daw dapat. Pano ka naman makaagawa ng research mo kung di ka marunong magsulat. At habang sinasabi yun ni Maam, asa akin ang tingin ng mga classmates ko sabay tapik-tapik ng mga groupmates ko na tuwang-tuwa dahil sa tingin nila eh they're in good hands. Eh? Sports po ang sinusulat ko? Di naman thesis ginagawa namin sa Advo ah? Haha, di naman lahat ng writer eh magaling pagdating sa mga ganyan-ganyan eh. Good luck na lang talaga sakin at sa grupo namin.
After class, kami naman ni Ana ang nag-bonding sa Library :)) Syempre gumawa kami ng assignmen namin sa NCM. After nun, kumain kami sa NRH at nagshare sa binili kong chocolate cake. Ayun, kwentuhan din. Matagal-tagal na rin kaming di kumakain ng sabay bilang lagi akong nasa office. Parang dun ko lang na-realize na sa duty na lang talaga kami nagkaka-bonding ng mga groupmates ko. Never pa akong nakakapag-lakwatsa kasama ng mga college classmates ko. Medyo nagtatampo sila pero nasanay na rin. Di ko sila nakakasama after classes kase lumalayas agad ako papuntang office. Di naman sa di ko sila trip kasama, minsan kase di ko mahanap sa kanila yung sense of belongingness ko, may times din na parang ako na lang lagi nakikita, bawat galaw ko eh pagtatawanan and bibigyan ng kulay. Basta, hirap iexplain. Yeah, masasabi kong iba sila compared sa Advo. Matured na yung mga tao dun unlike sa ibang classmates ko na parang newborn lang. Sabi nga nung isang classmate ko, para raw kaming di tumatanda. Andaming immature mag-isip at walang kaseryosohan sa buhay, lahat na lang pinapansin at pinakikialaman. Yeah, very true yung sinabi niyang yun. Nainis din ako nung 1st day namin kase pumasok ako sa klase nun without saying a word. Una, medyo sawa na ako sa section ko, kami kami na naman kase ulit. Pangalawa, wala akong magagawa kung 309 pa rin ako, di naman ako mareklamo sa part na yun, "okey" lang naman kase maririnig mo sakin lagi.
Ayun, Nursing Research RLE na. Pinag-usapan lang namin yung research proposal namin. Yeah, grupo na namin yung may pinakamaraming proposal yet nagawa na pala ng iba. Err. May isa kami na medyo plano na naming ituloy kaso kelangan pang ulitin :) Nakakastress ah! Sabi nga ni Maam Buenafe (nga pala, prof namin. Di ko nabanggit yung name kanina), "Di kayo naiistress? thinking na 3 weeks na lang ang working niyo?". Ayokong masyadong magpaka-stress, since di na ako leader. Kung ano ipapagawa sakin nung leader ko, gagawin ko, gaya ng editor ko, magpapasa ako on time, syempre gusto kong maganda ang grade namin. :) After class ulit, same scenario, tatakas na at diretso office.
Since wala akong magawa and hinihintay ko si Nanay Lora, nag-twitter muna ako sa phone ko, pampalipas oras. Then kulitan with other staffers and nakikiusyoso naman ako sa ID namin. mga lampas 6pm na dumating si Nanay and sabi niya labas daw kaming tatlo ni Mish at magpapakwento siya.
Since nanay ko siya (kung taga-Advo ka, alam mo na ang keme ng family per section. Editor: mother/father.) syempre eh aalamin niya yung mga hanash sa buhay ko. Anyways, fina-follow pala ako ni nanay dito. HELLO to my MOM! Una niyang tinanong ay yung nasa blogpost ko na COKE ZERO. Haha, promise, controversial talaga post ko na yun sa office. WAIT lang mga FANS, ireREVEAL ko rin sila sa TAKDANG PANAHON, with PICTURES pa! :)) So ayun, medyo may mga hinala na rin siya kung sino mga kemps ko, kaso ang hirap i-trace nung mga panahong magkakasama pa kami kung sino talaga, since wala naman akong super close na guy dun, maliban lang kay Tito Ace and kay Jansene (photos). Gulat lang siya ng konti nung ni-reveal ko, lalo na si number four bilang umm, technically, relatives kami (not relatives by blood ah!). Tapos inispill pa ni Nanay na naging loveteam keme (lokohang loveteam) niya si Ji Hoo nun dahil lagi din daw silang magkasama (siguro, namana ko yun kay Nanay.) noon and karibal keme din niya yung ka-section ni Ji Hoo na katukayo ko pa (katukayo in initials. haha, ambenta ng letter L!). :) nakwento ko na rin sa kanya yung about kay Joshua. Akala niya (o baka akala ko lang. ewan ah, may konti kase akong dementia.LOL) eh kasama sa mga kemps ko si TR. Ay jusko, magiging kami nun kung nagsanib pwersa yung mga itinatago naming kalandian :P Oh well, nung natapos na kami sa lovelife portion, sa mga hinanakit ko na naman kami dumako. Yeah, hinanakit. Umm, pwedeng ibang word na lang kase ambigat nung hinanakit. Pwede na ring observances diba? Ayun. :)
Sayang lang at hindi ako nakasama sa mini-date, but next time, I will :) Namiss ko yung mga post-game analysis namin with SPEATS, Nanay, Ate Reich, Ate Khre, Ate Criz, Ate Junie, Tita Anna. Di bale, may volleyball and Season 75 pa! :)
No comments:
Post a Comment