So ayun nga, di pa ako nakaenrol due to financial problems last week. But now, my problem is finally solved, BUT, di pa rin ako nag-eenrol.
FIRST, 11am na ako pumila sa EB cashier and 12:30 na ako natapos. So, nung nagbayad na ako ng tuition ko, nag sabi ng cashier eh..
Cashier: Miss, may penalty po yung late enrollee.Me: Ah.. Okey po. (but deep inside eh gulung-gulo ang utak ko)
And ayun nga, nag-bayad ako ng extra 100. WOW! Winner! Late enrollee na nga ako dahil sa financial keme, pinagbayad pa ako ng 100! Okey, ikinayaman nila yan. At dahil sa mayaman ang mga nursing at wafakels lang sa kanila ang 50-70 thousand na tuition eh barya-barya lang ang 100 pesos samin (sarcastically speaking).
Then, nung 3pm naman, umakyat ako sa Nursing Building para kumuha ng COR ko, eh dahil sa 1 kilometer pa rin ang pila eh di bumaba na muna ako ulit at bumalik ng Advo office. Nakipagdaldalan na muna ako at facebook facebook din bago umakyat ulit ng 5pm.
Pagdating dun eh nagtanung-tanung din ako sa mga kakilala ko. At ayun, pumasok na lang ako sa office at biglang tinawag ni isang ma’m (basta maam, yun na yun. yung asa likod ni Sir Philip) kung sino pa mag-eenrol. Nung andun na ako, kelangan pala ng APCE form at grade slip/copy. AYUN, di talaga ako naka-enrol. HAHA.
So bukas na lang ako mag-eenrol. Papasok na lang ako ng maaga. Tutal 1:30pm pa naman klase ko, kung di ako ililipat ng section :))) (Okey lang naman kung ililipat ako, new circle of classmates. Kung hindi naman, Kgo lang.)
Bukas na rin ako bibili ng notebook and ballpen pati pad paper. HAHA. Ako na talaga :D
credits to Jerome De Guzman for his lappy na ginagamit ko ngayon. masyado ko na tong inangkin :)))
No comments:
Post a Comment