Monday, April 29, 2013

Dot. Dot. Dot.

33 days to go, BOARD EXAM na. Seriously, parang di ko pa kaya mag-exam. Ang hirap pala mag-review! Jusko. Kaso iniisip ko na lang na "Lhea, kung na-survive mo yung 4 years sa Nursing, 2 months na review pa kaya?" Pero yung totoo, parang gusto kong di na muna mag-take, kaso sayang. HELLO! Effort na effort kaya ako mag-ayos ng PRC cases ko tapos mag-file sa PRC! Wow ha.

Eto, seryoso na talaga. Ang hirap eh, as in. Actually gustong-gusto ko talaga sabihin to sa isang tao kaso di ko alam kung kanino ko sya isi-share (Okey, naisip ko na, si Lola!). Unang-una, naiisip ko na baka bumagsak lang ako kasi hindi ako handa. Seryoso, as in hindi talaga. At pangalawa, feeling ko may kulang sakin.

Thank you pala sa mga taong nagmo-motivate sakin mag-aral, mag-review, at i-TOP ang board exam. Kayo na lang talaga ang dahilan kung bakit ko ginagawa to maliban sa parents ko at sa dream ko maging registered nurse. Salamat dahil naniniwala kayo sakin na kaya ko, na matalino ako, at lahat-lahat na.

Kaso isa lang talaga yung gusto ko eh, gusto ko ng magulang sa tabi ko. Yeah, parent. Well, sa lahat ng parent ko, si Papa lang yung malamang na makakasama ko in the coming weeks (well depende pa kung dito sya sa apartment ko magsstay or dun sa Alabang). Pero di eh, ibang magulang yung kelangan ko, si Nanay kasi yun. Gusto ko ng pinipilit ako na mag-review, magising ng maaga (dahil madalas akong absent sa review), at pinapagalitan ako. Siguro yung care and concern talaga yung nami-miss ko, maliban pa dun sa mga paglalambing ni Nanay sakin. Hay, miss ko na talaga sya eh. Every night na lang akong umiiyak kasi nami-miss ko na sya, at kelangan ko sya sa mga panahong ito kaso wala na sya eh. Medyo hindi okey para sakin tong pag-eemote kasi mas made-depress pa ko. Ako na lang mismo sa sarili ko yung nagsasabi na "Wag ka nga magdrama dyan, makakasama lang yan", "Pumasok ka nga!" (Okey, ang drama-drama ko. Very wrong)

Hay. (On the lighter side! Di na ko magdadrama!) Nitong mga nakaraang araw, may isang tao na feeling ko eh "sinapian" ni Nanay. Well, friend ko naman kasi to, so malamang eh mangungumusta sa pagre-review ko. Kaso nung huli eh pinapagalitan na ko. "Di ka nga umiinom, babad ka naman ata sa tv." Nakakaloka, magagalit, tapos magtatampo. Aynako. Tapos nung Saturday, muntikan na ko atakihin sa puso dun sa text nya na "Hoy ikaw ha. Tumakas ka sa review kanina." HAHAHA. Actually di ako tumakas, wala akong pera pang-enrol para sa Critical lecture namin that day. Since ayoko naman ma-bano sa bahay at para isabay ko na sa pagpunta ko sa puntod ni nanay eh nanuod na rin ako ng game sa San Juan Arena. Pagkagising ko the next day, nagtext sya ng "Galingan mo :)" Nakaka-empower eh no! Hulaan nyo na lang kung sino ang taong to kasi malamang eh mahuhulaan nyo. Ayun, we don't text or talk (or tweet!) a lot, pero kasi malaking bagay na sakin yung mga bagay na nagpapaalala sakin kay Nanay (na ginagawa nya), and thank you kasi in times like this, mga kaibigan ko talaga yung masasandalan ko. 

Malalampasan ko rin tong board exam na to. Sana bigyan ako ni Lord ng tibay ng loob and sharp memory para mai-top at mai-pasa ko tong NLE. Aba! Walang masamang mangarap na maging topnotcher no. Pangarap kong mailagay yung pangalan ko sa tarpaulin sa tapat ng Tech Bldg tapos mai-feature sa Advocate! Oh yeah! Ayoko muna mag-wish masyado kay Lord, masyado na kasing marami yung hiniling ko sa kanya. Matapos lang tong NLE na to! :))

Good luck Lhea! Panindigan mo yang FUTURE NURSE LEI mo ha!

No comments:

Post a Comment