Sunday, December 22, 2013

Happiness is a decision

So yesterday, umattend ako ng Simbang Gabi sa UST. Bale first time ko mag-simbang gabi dito sa Manila sa five years na nag-stay ako rito. Since I woke up at 9pm (Dec.21) eh di na ko natulog until 3am. Sa sobrang aga, walang tricycle na dumadaan sa street namin, puro taxi lang. Then I decided na mag-taxi na lang para safe bilang takot akong maglakad mag-isa (kahit na ilang kembot lang ang UST mula sa apartment).

Kumain muna ako sa McDo bago pumasok ng UST. At habang naglalakad ako along Plaza Mayor, super blank lang utak ko. Haha, maliban sa lutang moments ko, may mga time din na naglalakad ako sa wala akong iniisip na kahit ano. Fineel ko lang yung moment na naglalakad ako. Nung asa loob na ako, nakahanap ako ng available seat. Medyo awkward lang kasi nakaupo ako sa pagitan ng dalawang mama. Hahaha. Buti na lang payat ako at kahit maliit na space eh pwede ako. Sa una lang naman ako na-awkward, any pumunta naman ako ng simbahan para magsimba, hindi para ma-awkward kung sino katabi ko.

Nung gospel na, medyo excited ako sa magiging sermon ng pari. Minsan kasi eh nag-aanticipate ako sa magiging topic sa sermon based dun sa scripture na binasa. Wala lang, ganun lang talaga ako. Bale tungkol kasi yun kay St. Joseph at sa panaginip nya. Ikakasal na sila ni Virgin Mary nung nalaman nya na buntis pala to. So syempre kahit sinong lalaki eh mafu-frustrate at madi-disappoint pag nalaman nyang buntis na agad yung pakakasalan nya. Sa sinaunang Israel kasi, pag nalaman na buntis yung babae na walang asawa, bale babatuhin sya to death. Since ayaw naman ni Joseph na mangyari kay Mary yun, nanahimik na lang sya. Then napanaginipan nya yung isang angel na nagsasalita sa kanya, na Mary's conceived by the Holy Spirit at magkaka-anak si Mary ng baby boy at papangalanang Jesus/Emmanuel. And after that, naintindihan na ni Joseph ang lahat at naging maganda yung pang-unawa nya sa nangyari.
Sabi nga kanina, good understanding=good decision=____________ (nakalimutan ko na, acceptance yata?). Kaya pagdating sa mga ganyang problema, wag kang tumingin sa negative side, dapat sa positive side lagi.

 Then yung sumunod naman eh about sa happiest person in the Philippines. Bale isa syang dating pasyente sa UST Hospital na may ankylosing spondilytis (arthritis of the spine accompanied by swelling and pain [in movement]). Isipin mo, bat yung taong may ganung sakit pa yung maituturing na happiest person sa Pilipinas? So sinabi nya sa acceptance speech nya (non-verbatim) na dahil sa sakit nya, naging iba yung pananaw nya sa buhay nya, at kahit ganun man, mas pinili pa rin nyang maging masaya kasi yung kasiyahan hindi mo hinihintay na dumating o mangyari yan, dapat ginagawa mo yan. Kasi ang pagiging masaya, desisyon yan.

Dahil dun, medyo nagising yung diwa ko. In the past few days, medyo hindi ako ganun ka-saya (excluding Dec.19). Syempre may mga problems akong kelangan kong i-deal ng ako lang. Sa sobrang seryoso, parang ayoko gn pag-usapan pa, pero in the end, kelangan ko rin ng tulong kasi hindi ko kaya mag-isa. Well, good thing eh tumawag si Mommy, and poof, solved na yung problema ko (partly). May mga araw na di ko kayang ngumiti o lumabas ng bahay dahil sa preoccupied na yung utak ko ng problema. Well, ganun talaga, dumarating talaga sa buhay natin yan.

After ng mass, napaisip ako na ang happiness, kahit dumating yan sayo, pero kung hindi mo rin pipiliin maging masaya, wala rin. How much more kung hihintayin mong dumating o mangyari ang happiness sayo, tapos wala namang mangyari, edi hindi ka na magiging masaya? Medyo simpleng bagay lang yung happiness pag pinag-uusapan kasi feeling mo automatic na yun, pero hindi pala. Lahat ng bagay eh nangyayari kung pipiliin mo yun. Maswerte nga tayo at may free will tayo, kasi free tayong piliin yung kaligayahan natin. (Haha, wala akong hugot dito guys)

Ayun, bet  ko lang talagang i-share to kasi syempre Christmas season naman, and there's no reason to be sad. Kung may problema man, isipin mo na buong taon eh may problema naman tayo, pwede mo namang kalimutan muna in the next few days. And then, look back at your old problems, and mare-realize mo na nalampasan mo pala yun. Kaya ikaw, kung naghahanap ka ng sign, sorry, hindi ito sign. Ipapaalala ko lang na uso maging masaya. :)

Merry Christmas everyone! :)


(Sa [mga] friend/s kong naiintriga sa post ko last time, pwede nyo ng i-check ang Facebook ko. Now's the perfect time) :D

No comments:

Post a Comment