Actually, nagsimula lang to nung nahanap ko yung 2011 planner and memo block ko. Tawang-tawa ako sa mga nasulat ko dun. Di ko maimagine yung mga iniisip ko nun. Parang desidido na ko mag-jowa nun ha! (Good thing di ko pinush! Di ko maimagine buhay ko ngayon kung nagka-jowa ako! My goodness!)
After that, nakita ko naman sa drawer ko yung Nokia expressmusic phone ko. The last time na ginamit ko yun eh nung March pa (nung ninakaw yung BB Curve ko). Pero matagal-tagal ko ring ginamit yung Nokia ko nung 4th yr. From July to December ko ginamit yung Nokia phone ko alongside my BB Curve (na Smart yung sim).
Since gumana na yung phone ko, naisipan kong magbasa ng texts. Well, di ko na naisipang basahin yung 2011 texts ko bilang walang kwenta lang naman yung mga naiwang texts dun, puro si Joshua lang :D Nung sa 2012 naman, puro haggard days ko, tapos mga GM ng Mayor namin, plus editors and Sporthos na puro tungkol sa covers. Sa lahat ng texts na nandun, andami kong tawa sa mga chikahan namin ni JH lalo na yung usapang PBA at Chris Tiu. Kainis, kinokontra ako sa pagfa-fangirl ko kay Chris (pati kay Terrence!). Haha. Pero mas madalas pala naming pagkwentuhan nun yung acads. Hoho. Acads forevs!
Feeling ko tuloy ang petiks nung buhay ko noong fourth year, kasi kahit na stressed ako, parang hindi ako nagre-reklamo. Actually, tuwang-tuwa pa ko nagkkwento about sa duty ko na nagpa-anak ako. HAHAHA. Isipin mo, yung katext ko eh matutulog na, ako eh nagsisimula pa lang araw ko (bilang graveyard duty ako). Tapos sa umaga pag-uwi ko, magkkwento ako about sa duty, yung kausap ko naman papasok na ng school. :D
-----
Habang nanunuod ako ng TV kanina, sabi nila eh 20,000 words yung average na sinasabi ng mga babae. Kung sa iba eh 20K, kamusta naman kaya sakin? Tapos naging aware tuloy ako sa words na sinasabi ko. Since ilang araw na akong walang kausap sa bahay, ilang words lang kaya nasasabi ko? HAHAHA. Sa araw na to, i dont think kung naka-1000 words ako. :D
No comments:
Post a Comment