Saturday, December 8, 2012

Go for it

"Go for it" na siguro ang pinaka-overused na sinasabi sakin ng mga friends ko. Well, pagdating sa lovelife ang kaso.

So this blog knows everything when it comes to my love-este-crush life. Yeah, I actually like someone from my org, and you guys already know who he is. We're actually close buds and we share each others' secrets and other stuffs.

Recently, he posted a status in his Facebook "chemical engineering board exam results <3". So, without any malice, I immediately liked it (though he posted it 9 mins ago before I cliked the "like" button, and no one has yet liked it). Then after few minutes, he deleted it. And by that action, I pondered why he erased it. The next day, yun na lang ang iniisip ko. Andami kong naisip, super dami like.... ah basta, akin na lang yun. I even asked my groupmates about his action and they gave me a lot of scenarios. HAY.

Nung hapon, I was shocked na magccover din pala sya ng Track and Field (na iccover ko rin!). Pagdating dun, I had a chance to ask him about that, pero pa-joke naman. Ang hirap kasi ikwento dito. Pero ayun, he just laughed na parang wala lang. Well, gaya nga ng sabi ni Chelsea, "baka dahil sa may pinagsamahan sila". May ugali kasi ako na pag may sasabihin ako, pinapahulaan ko pa sa kanya. Ang gulo diba? Example: May sasabihin ako sayo. Hulaan mo :) Parang ganun. Kasi kilala naman din nya ako eh. Nung mga nakaraan nga eh, halos wala na akong ikkwento kasi alam na nya. Haha, galing!

Seriously, selosa po ako. HAHAHAHA. Di halata. Kung pwede nga lang bakuran sya, gagawin ko na. Lol. Ang hirap pala pag friend mo yung gusto mo. Oh well, mas nauna ko sya maging crush kesa maging friend. Kaso after team building, mas nanaig yung friendship. Ngayon kasi ang gulo ng utak ko. Pag nagka-gf sya, pwede na mag Dec.21 anytime, handa na ako! LOL.

I know na focus muna sya sa studies nya, and Im happy to hear that. Haha, may sinabi pa sya kaso di pwede i-share. Char. Sorry for acting this way, ganito lang siguro yung feeling ng ga-graduate na tapos wala pang ganap sa lovelife mula pumasok ng FEU. Feeling ko parang end of the world na, NBSB pa rin ako. Pressure ba? LOL.

Lately, nagiging conscious na ako sa mga galaw ko, though gusto kong maging natural lang kasi awkward din yun sa parte ko. Una, isa akong napaka-annoying na tao, madaldal na, maingay pa, tapos magulo at makulit din. Sinong hindi maiinis at maiirita sakin. Minsan kasi ayoko ng taong naka-simangot at tahimik. Feeling ko mahahawa ako sa pagiging lowbat nilang tao. Like yesterday, dumating ako sa venue na tahimik sya tapos nakatingin lang sa kawalan. So ayun, kinukulit ko sya. Ganun lang.

Tsaka ramdam ko, there's something wrong with me. Yung mga galaw ko kasi, lakas makapang-friendzone. yung friendzone na ako yung nangfi-friendzone at ako yung nafi-friendzone kasi very tropa ako gumalaw. parang ganun. Di rin kasi ako malambing eh. Kay Nanay at Lola lang ako ganun. Sa iba, hindi na. :D Siguro, yung masasabi kong lambing eh yung akbay, sandal ulo, tsaka pag-aayos ng bangs nya. HAHAHA. ganun lang. Di rin kasi ako cuddly na tao. Di ako mahilig mang-hug tapos di rin ako malambing magsalita, uhh, minsan malambing din. Depende sa sitwasyon. :)

Ang hirap kasi kumempet sa taong di marunong magreciprocate sayo. Sabi ng mga groupmates ko, kemehin (landiin) ko raw. Eh pasensya kayo day, di ako marunong gumanun. HAHA. Well, poor me ba? Lol. Di kaya. Babaeng torpe po ako gaya ng sinasabi ni Donabels (Don Carlo). HAHAHAHA. Eh ito namang lolo nyo, di ata marunong kumempet! Aba, nagsama na kami. Buti pa malalandi, nakakakahanap ng kasing lalandi nila o naaattract sa malalandi. Eh ako naman ayoko sa mga malalandi eh. :D Moving on, di ko alam kung manhid ba sya o hindi. Well, baka yung friendship namin yung mga-hold back sa kanya. Eh tropa nga kasi kami eh.

Yung iba kong friends, iba naman din advice nila, like "I-feel mo lang muna ang mga moment nyo na ganyan", "Di pa nya alam kung ano gusto nya", "baka di nyo pa time ngayon", "Darating din kayo dyan, hintayin mo lang". Ang tanong, kelan pa? pag gumraduate na ako? Wow, do I sound like desperada sa lovelife? Di naman uy! grabe kayo ha. Ganito lang kasi yung feeling ng magkakahiwalay na kayo ng tao, ilang months na lang eh. Mamimiss ko yung mga times na nagccover kami ng magkasama, magdi-dinner ng magkasabay, chismisan sa byahe, magkasamang naglalakad, magme-merienda sa hepalane or tayuman, magpapasama sa bookstore o sa pag-iikot ng campus. hay, ramdam ko na yung feeling ni Dairen dati.

Basta! Come what may. bahala na si batman! :D


No comments:

Post a Comment