Sunday, December 30, 2012

Tik Tok

It's the last day of 2012 and feeling ko wala akong nagawang productive during the break. Tulog-kain-gala-internet lang ata ginawa ko. Ayun, I'm planning to make a year-end post kaso tinatamad pa ko and I can't organize my thoughts well. Medyo nakalimutan ko na rin yung mga ganap ng 1st half ng 2012.

May mga bagay na di nangyayari gaya ng inaasahan natin. May iba rin nana di mo aakalaing may ganung mangyayari pala. May mga taong darating at aalis din. Kung sakin lang, parang wala namang nangyaring super special ngayong 2012. Maliban na lang siguro dun sa mga near life and death na ganap ko sa buhay (di yung nasa bingit ako ng kamatayan ha!), pero habang nagsusulat ako at iniisa-isa yung mga alaala ko, andami ko rin palang natutunan, at nagawang kabulastugan. Ika nga nila, it's just a part of growing up.

Ang tanda ko na pala. Dati rati, di ko alam kung anong susunod sa 2009 (akala ko 20010, 20011), tapos di ko rin maimagine na college na ko. Feeling ko tuloy di ako nagmamature, isip bata pa rin ata ako. Lalo na kapag kasama ko mga HS classmates ko, feeling ko talaga di ako nag-iisa na na-stuck sa pagkabata.

Last week ko pa iniisip kung pano ko gagawin yung year-end keme ko, pati si JH eh naisipan ding gumawa ng ganun. Seryoso, walang kakwenta-kwenta na naman tong post ko na to. Basta may maipost lang ng December 31. Uhh, miss ko na sina Nanay and Lola. :(

No comments:

Post a Comment