Tuesday, January 10, 2012

RANDOM #3

YES? Uso ata talaga random posts sa mga panahon ngayon, diba Dairen and Cindy?

At dahil sa last random post ko eh yung about sa pagkainis ko sa Drug Studies namin na super MEGA kulang, about naman sa mga pangyayari kahapon yung ipopost ko dito.

YUng totoo, dahil nga sa sleep deprived ako, tulog lang akog tulog kahapon. Bumalik ata yung pagka-General ko yesterday. Tulog sa gitna ng quiz, sa seminar, at sa FX, na di ko namalayang nasa UST na pala kami. Pagdating ng FEU, nagmamadali ako dahil tinext ako ni Ace, then pumunta ng R.Papa kaso waley yung sadya ko dun (Note: hindi related kay former kemper). Pabalik ng FEU, nakasalubong namin ni Janice si Ricky. Haha, tumalon puso ko sa gulat dahil sa sinalubong niya ako ng bangga. Haha, matagal tagal ko na ring di nakikita yung expression niya na parang super saya, tuwang-tuwa ata siya sa pasalubong ko sa kanya eh.

Then  nung sa office na, nagkaayaan kami nina Don, Yon, and Juju sa Starbucks since magre-redeem na ng planner si Don. Dahil waley ng stock ng planner sa Starbucks P.Campa, dumiretso kami ng Dapitan. HAHA, napagod ako dun ah. So nagstay na rin kami dun plus kwentuhan and plano na rin for football bonding sa Sunday. Nakalimutan na rin namin yung oras kaya medyo male-late na rin sina Don and Juju. Wafakels na rin kami ni Yon kase waley na kaming class. :)


Random 3.1
Hanggang ngayon, pasakit pa rin sa aming tatlo nina Ace at Cindy yung articles namin. Katulad alng siya ng Coach Nes article ko. OKeeeey, very wrong lang talaga yung first cover ko sa Fencing, kulang ng details. Then, I think I should read more since Im having problems with my subject-verb agreement. Gosh, favorite ko pa naman yung English pero very fail na ako ngayong college. :|


Random 3.2
Nakakaloka yung groupmate ko, si best-est seat-slash-cheatmate JA. Nung nasa jeep kasi, pansin ko na nakatingin siya (thanks to my very wide peripheral vision. Note: mahalaga yan sa mga Nursing students). So nung tiningnan ko siya, nakatingin din siya. Wala lang, wala naman akong naramdamang keme. Then bigla siyang kumindat, then napa-react ako ng nakakatakot (if you know me, alam mo yung ganung reaksyon ko). Ayun, gulat silang lahat. HAHA. Kala naman ni groupmate eh kikiligin ako. HAHA. :D


Random 3.4
7pm na ako nakauwi, tapos nagpa-masahe ako sa binti at natulog muna. Sabi ko gisingin nila ako pag 4th qtr na ng Powerade-Rain or Shine game, kaso di ako nagising. Ayun, 10am na ako nagising. HAHA. :D


Random 3.5
Ako yung cover sa game ngayon. Ayun, nagtetext na si Kuya Angelo, eh nandito pa ako sa harap ni PARKER (name ni Lappy ko bilang BOY pala siya!), haha, tapos magpapa-injection pa ako. :D


Okey, gotta go! Bayie!

No comments:

Post a Comment