Mukhang andami naming hanash na magpipinsan at magkakapatid dito sa Blogspot. Ewan ko ba, parang andami naming pinagdadaanan. HAAAAY.
Recently, or maybe since last December, I have really a hard time making articles. Seryoso, yun yung nararamdaman ko. Bakit ganun? Feeling ko, mas naging malala ata ako kesa sa mga probi days ko. Mas narealize ko pa siya lalo sa Fencing article ko na nagpapahirap kay June Ace ngayon.
Una, napansin ko na parang hindi ata nagstep up yung writing ko after basketball. Dahil ba sa hindi ko forte talaga ang volleyball at first time ko lang sa Fencing? Ayoko namang isiping ganun pero parang ganun na nga. Since I love writing, dapat lahat ng sports eh mamahalin ko rin at aaralin din. I wont include my nursing life here, iba naman kasi yung paggawa ng Demo data and functional health patterns sa paggawa ng sports article. I feel somewhat a burden minsan.
Habang binabasa ko yung very first homework article ko for Nanay Lora, mas napa-wow pa ako sa mga pinaglalalagay ko dun. Di ko akalain na mas maganda pa pala yun kesa sa ginagawa ko ngayon. Yung totoo, naba-blangko ako sa oras na to. LHEA, wake up! Kelangan ako ng sports, kelangan kong gumalaw at kelangan kong magset ng magandang example sa mga kasamahan ko. Isang taon na lang ang itatagal ko sa Advo and I want to make the most out of it. Gusto kong ipursue ang sports writing kung papalarin ako kaya kelangan kong mas mag-aral at matuto pa sa mga bagay bagay.
Weaknesses ko..
HEADLINE: nakakahiya, fail ako diyan. Once lang ata natanggap yung headline ko eh.
SUBJECT-VERB AGREEMENT: Mas nakakahiya. Favorite ko yung english pero nabo-bobey ako bigla dyan ng di ko namamalayan.
For now, yan na muna ang hanash an ipopost ko. Naba-blangko talaga ako. Sana, sa darating na Pressplay, magising nila yung natutulog kong forebrain para gumana naman. Haaaayh.
No comments:
Post a Comment