Ayun, 1am na and andito pa ako para magpost neto. Nakakainis na kase, why on EARTH na may duty kami tomorrow? Este LATER? Heloooo, nagsuspend na ang FEU, tapos kami 'tong affected, eh papapasukin pa sa duty namin sa baryo at bulubundukin at kadulu-duluhang bahagi pa ata ng mundo. As if naman na may masasakyan kami dahil sarado ang Lerma at PCampa. Nakakainis din yung nanulsol sa CI namin. Aynako, parang makakasabunot ako ng manika neto.
Anyway, umaasa pa rin ako na bawiin ni Mam bukas. Pipilitin ko ring pumasok kasi ayokong ma-ZERO sa duty dahil sa absences ko last week dahil sa flu. Haaay, pity on us pleeeeaaaaaase!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------- --
Eto, medyo OT. Napadaan kase ako sa FB ni Ji Hoo. This past week, twice/thrice ata ako napadaan sa FB niya. And pansin ko rin kasi, di siya halos nawawala sa list of friends na lumalabas sa gilid ng profile ko. Pansin ko lang, medyo long hair na siya ngayon. Napansin ko rin na naka-white v-neck shirt siya (well, yun talaga favorite niya). Yung totoo, miss ko na ring kasama si partner eh. Naiintindihan ko naman na super busy siya sa plates niya dahil sa professor niya. Maliit lang ang FEU, pero bakit di ko siya nakikita. Nakakalungkot lang, parang last sem lang eh kami lagi yung nagkakasama. Pag nasa LRT 2 ako, naaalala ko yung tambay moments sa may LRT Cubao station (hala, nagdadrama ako!). :)))
Yun, medyo nagre-reminisce lang ako. Nakakatuwa kasi siyang kasama, basta nakakatuwa. Kumbaga, para kaming sina Cindy at Ricky, kaso mas magulo lang kaming dalawa. HAHA. Basta, marami akong nami-miss (feelingera!).
Ayun, (ayun ayun at ayun ka na naman! Yung truly, yan ata yung namana ko kay J eh) kelangan ko ng matulog dahil toxic sa duty bukas. 7am-5pm, DEADS! Bayie!
*Thanks pala sa mga blog visitors ko :))
No comments:
Post a Comment