Sunday, January 1, 2012

Page 1 of 2012

I should say, hindi naging okey yung start ng 2012 ko. First, I had a sore throat during midnight of Jan 1, slept early, had cough and serious colds kinaumagahan. That was the day rin na umalis na ako ng Palawan para bumalik ng Manila for school. Okey na okey naman yung trip namin pauwi maliban lang sa sumakit ng husto yung tenga ko sa plane. Ganun ata talaga pag may sipon, sumasakit lalo yung ears dahil sa inc. pressure sa taas.

Ayun, dito na ako nilagnat ng husto sa Manila. Mga bandang 9pm, umabot sa 38.2 C yung fever ko (yung totoo, 35.5 C yung normal temp ko). Medyo nagchi-chills na rin ako plus non-stop yung ubo and di na rin makahinga. At dahil sa nurse ako, kelangan kong asikasuhin ang sarili ko. Nagpabili na rin ako ng gamot at nag-nebulize na rin para lumuwag yung paghinga ko.

But before I slept, may mga drama pa ako sa buhay ko lalo na ng nagtext si Joshua. Haaaay, Joshua na naman ulit, nakakasawa na po. Char. Di pa rin ako mapalagay na parang di pa rin kami okay as friends. Yeah, he was one of those who made my 2011 the happiest (forget the sadness part muna). Nalulungkot pa rin ako kasi namimiss ko na yung friend ko na makulit, mahilig magpatawa, understanding, lagi akong mino-motivate at masayahin. Tama naman siya sa sinabi niya na "lahat naman ng tao nagbabago eh". Sabi ko, naiintindihan ko, pero ang point ko lang, ibang iba yung treatment niya sa dating Joko na kilala ko. For sure, naiinis na si Cindy sa peg ko na to kasi ito na lang yung inuulit-ulit ko sa kanya. Teka, nawala ako sa topic ah!

Since mapamahiin akong tao, naniniwala ako na kung ano yung mga ginawa mo sa start ng year, yun na din yung gagawin o mangyayari sayo the whole year. Ika nga ni Jesna noon, "saben maguyguyan kaw!". Naku, wag naman sana! Baka umabsent ako sa duty today dahil mas lalala yung trangkaso ko dahil sa toxic na duty. Papacheck up na rin ako sa school mamaya at baka umuwi na rin ng maaga. Haaayh buhay.

First post for 2012. Bukas, mas sensible blog posts na yung gagawin ko. Wala lang talaga ako sa sarili dahil sa flu ko. Pagaling ako :))))

3 comments:

  1. Hahaha. Grabe ka. Inis talaga? :) hindi naman pero siyempre past is past you have to forget it na :D I agree na people change. They sometimes change for the better para sa kanila although para sa iba for worst naman sa negative side :))

    ReplyDelete
  2. @Cindy: haha, feeling ko eh rinding-rindi ka na sa topic na yan eh :)) True yung third sentence mo. Well, bahala siya kung ganun gusto niya. Kung nahintay niya na magbabago or matatanggap ko rin yung ginawa niya, hihintayin ko na rin lang yung time na bumalik siya sa dati. :)

    @Dairen: Thank you!

    ReplyDelete