Sunday, November 13, 2011

Nothingness

Bago ako magstart sa storytelling ko, gusto kong pasalamatan sina Cindy, Dairen at Ate Clar sa pagmention ng name ko. Naks, feeling star ako :))

Since feeling ko eh walang kwenta araw ko dahil natulog lang talaga ako the WHOLE day, as in literal, magkukwento na lang ako about nung kahapon.

7am yung klase ko for Nursing Research kahapon, as in nagising ako ng maaga and ambilis kong kumain, 10 mins lang, pero 30 minutes talaga yung maximun eating time ko. Then dumating ako sa FEU ng 10 minutes before time. Kaso halos ma-bano na kami sa kahihintay ng Prof namin, ayun, 8am na siya nakarating. Feeling ko naman kase eh 7:30 pa rin talaga klase namin. Okey siya na prof kase nakakatuwa naman in a way, pero kung tamad na estudyante ka, siguradong aantukin ka. Mga 9:30, tinanong niya kami kung gusto namin ng break, eh syempre, OO naman kami dyan. Yung iba, di pa nagbe-breakfast, at yung iba, inaantok at antukin lang talaga gaya ko. So natulog naman ako, eh sa masarap matulog eh. Kaso nagising ako bigla nung minention ni Mam yung name ko.

Prof: Ms. Bagona, they told me that you're always sedated. Why? (Smiling)
Me: Umm, Mam, it's a part of growing up, you know? (laughing)
 Prof: (Laughs)
Haha, so ayun nga, balik tulog na 'ko. And nagising na lang nung nagresume na ang klase. Ewan ko lang kung bakit nawala yung ballpen ko. The last time na naalala ko eh hawak ko yun tapos nawala., Baka nahulog o tinago lang ng mga classmates ko. May pinag-usapan kami sa about sa characteristics of a good nurse researcher, and inadd ni mam na dapat eh good writer din daw dapat. Pano ka naman makaagawa ng research mo kung di ka marunong magsulat. At habang sinasabi yun ni Maam, asa akin ang tingin ng mga classmates ko sabay tapik-tapik ng mga groupmates ko na tuwang-tuwa dahil sa tingin nila eh they're in good hands. Eh? Sports po ang sinusulat ko? Di naman thesis ginagawa namin sa Advo ah? Haha, di naman lahat ng writer eh magaling pagdating sa mga ganyan-ganyan eh. Good luck na lang talaga sakin at sa grupo namin.

After class, kami naman ni Ana ang nag-bonding sa Library :)) Syempre gumawa kami ng assignmen namin sa NCM. After nun, kumain kami sa NRH at nagshare sa binili kong chocolate cake. Ayun, kwentuhan din. Matagal-tagal na rin kaming di kumakain ng sabay bilang lagi akong nasa office. Parang dun ko lang na-realize na sa duty na lang talaga kami nagkaka-bonding ng mga groupmates ko. Never pa akong nakakapag-lakwatsa kasama ng  mga college classmates ko. Medyo nagtatampo sila pero nasanay na rin. Di ko sila nakakasama after classes kase lumalayas agad ako papuntang office. Di naman sa di ko sila trip kasama, minsan kase di ko mahanap sa kanila yung sense of belongingness ko, may times din na parang ako na lang lagi nakikita, bawat galaw ko eh pagtatawanan and bibigyan ng kulay. Basta, hirap iexplain. Yeah, masasabi kong iba sila compared sa Advo. Matured na yung mga tao dun unlike sa ibang classmates ko na parang newborn lang. Sabi nga nung isang classmate ko, para raw kaming di tumatanda. Andaming immature mag-isip at walang kaseryosohan sa buhay, lahat na lang pinapansin at pinakikialaman. Yeah, very true yung sinabi niyang yun. Nainis din ako nung 1st day namin kase pumasok ako sa klase nun without saying a word. Una, medyo sawa na ako sa section ko, kami kami na naman kase ulit. Pangalawa, wala akong magagawa kung 309 pa rin ako, di naman ako mareklamo sa part na yun, "okey" lang naman kase maririnig mo sakin lagi.

Ayun, Nursing Research RLE na. Pinag-usapan lang namin yung research proposal namin. Yeah, grupo na namin yung may pinakamaraming proposal yet nagawa na pala ng iba. Err. May isa kami na medyo plano na naming ituloy kaso kelangan pang ulitin :) Nakakastress ah! Sabi nga ni Maam Buenafe (nga pala, prof namin. Di ko nabanggit yung name kanina), "Di kayo naiistress? thinking na 3 weeks na lang ang working niyo?". Ayokong masyadong magpaka-stress, since di na ako leader. Kung ano ipapagawa sakin nung leader ko, gagawin ko, gaya ng editor ko, magpapasa ako on time, syempre gusto kong maganda ang grade namin. :) After class ulit, same scenario, tatakas na at diretso office.

Since wala akong magawa and hinihintay ko si Nanay Lora, nag-twitter muna ako sa phone ko, pampalipas oras. Then kulitan with other staffers and nakikiusyoso naman ako sa ID namin. mga lampas 6pm na dumating si Nanay and sabi niya labas daw kaming tatlo ni Mish at magpapakwento siya.

Since nanay ko siya (kung taga-Advo ka, alam mo na ang keme ng family per section. Editor: mother/father.) syempre eh aalamin niya yung mga hanash sa buhay ko. Anyways, fina-follow pala ako ni nanay dito. HELLO to my MOM! Una niyang tinanong ay yung nasa blogpost ko na COKE ZERO. Haha, promise, controversial talaga post ko na yun sa office. WAIT lang mga FANS, ireREVEAL ko rin sila sa TAKDANG PANAHON, with PICTURES pa! :)) So ayun, medyo may mga hinala na rin siya kung sino mga kemps ko, kaso ang hirap i-trace nung mga panahong magkakasama pa kami kung sino talaga, since wala naman akong super close na guy dun, maliban lang kay Tito Ace and kay Jansene (photos). Gulat lang siya ng konti nung ni-reveal ko, lalo na si number four bilang umm, technically, relatives kami (not relatives by blood ah!). Tapos inispill pa ni Nanay na naging loveteam keme (lokohang loveteam) niya si Ji Hoo nun dahil lagi din daw silang magkasama (siguro, namana ko yun kay Nanay.) noon and karibal keme din niya yung ka-section ni Ji Hoo na katukayo ko pa (katukayo in initials. haha, ambenta ng letter L!). :) nakwento ko na rin sa kanya yung about kay Joshua. Akala niya (o baka akala ko lang. ewan ah, may konti kase akong dementia.LOL) eh kasama sa mga kemps ko si TR. Ay jusko, magiging kami nun kung nagsanib pwersa yung mga itinatago naming kalandian :P Oh well, nung natapos na kami sa lovelife portion, sa mga hinanakit ko na naman kami dumako. Yeah, hinanakit. Umm, pwedeng ibang word na lang kase ambigat nung hinanakit. Pwede na ring observances diba? Ayun. :)


Sayang lang at hindi ako nakasama sa mini-date, but next time, I will :) Namiss ko yung mga post-game analysis namin with SPEATS, Nanay, Ate Reich, Ate Khre, Ate Criz, Ate Junie, Tita Anna. Di bale, may volleyball and Season 75 pa! :)

Wednesday, November 9, 2011

Make-up and other cheverloo :)

*this actually happened last tuesday. but since di ko natapos at di ko naipost, ngayon na lang :)

Feeling ko lang eh wala akong nagawa today. Gaya ng sabi ni Kuya Isaiah "Iba rin talaga yung feeling na tanghali ka na nagigising. Parang wala kang nagawa sa buong araw". Well, very true nga naman yun. So, I woke up at 1pm then nagmadali ng pumunta sa school for Press ID shoot. Pagdating ko eh nagme-make up na sina Meyor, Cindy, Janice, and Dana. Then ayun, mine-make-up-an na ako ni Meyor ng dumating si Ji Hoo (refer to my blog post na ...COKE-Zero) Ewan ko ah, parang na-conscious ako bigla. Alam na kase nung ibang co-staffers ko na naging crush ko siya dati (define dati- Last June). Since na-conscious ako eh di ko na siya tinitingnan, labas-masok din siya bilang katatapos lang ng klase niya. After nung make up session namin, nagpapicture na siya, then next ako. After few minutes, tinanong niya ako kung may tissue ako, so medyo nagulat lang ako (pero di talaga dapat since lagi naman niya akong tinatanong or nakakausap), parang nahilo ako bigla kung anong isasagot ko, pero kalmado at natural ko na lang na sinabi na meron dun kay Cindy.

An hour passed, nagbo-browse si Dairen ng mga pictures sa camera ni Meyor, and pinakita yung picture ko and ni Ji Hoo bilang magkasunod kami. Pero infairness lang at cute nga naman talaga si Ji Hoo, no doubt na diyan. Well actually, I do still get that butterflies in my stomach minsan, but dahil sa matagal-tagal ko na rin siyang nakaka-bonding at nakakasama, wala na rin minsan. Pero yung truly, okey siyang kasama, di ganun kadaldal, at hindi rin super tahimik. Makwento, matanong, makulit, magalang, and a great friend. Siya yung katabi ko nung papuntang Batangas for our Team Building. Actually, a day before TB, iniisip ko kung sino yung makakatabi ko sa bus, and kelangan eh di boring para masaya. So nung paakyat na sa bus, magkasunod lang kami and ako yung nasa unahan. So he asked kung sino katabi ko, and sabi ko naman na wala kaya kami na lang nagkatabi. Soundtrip mode lang kami sa bus plus kwentuhan na rin. And nung nahilo ako, nakasandal at nakatulog na ako. Nasa Batangas na kami nung nagising ako. Naulit pa yung tulog moments ko habang asa jeep kami papuntang Batangas City. Nakakatuwa lang kase waley siyang reklamo di gaya nung iba na andaming kaartehan sa buhay :)) Nung pabalik ng manila, kami rin yung magkatabi kaso nga lang mas nauna siyang bumaba dahil sa Laguna lang siya nakatira. Teka, mukhang naging appreciation blog na ata to ah :DD

Another instance was when Im browsing my pictures from Cindy's phone, nakakatawa lang kasi andami kong vain pics yet di pa niya inuupload. Then nakita ko na naman yung picture ni Ji Hoo. Eh? Nananadya? O baka kinakarma lang ako dahil sa pinost ko dito sa blog ko? Nga pala, yung kwentong banats ko with Ricky eh same day lang with this.. :)

Teka teka, nakakahalata na ako. Tungkol ba yung blog na to sa make up o kay Ji Hoo? Haha, kung ano man yan, basta ang importante, may naipost ako today :))))))

Tuesday, November 8, 2011

Trying hard ako, maka-BANAT lang :)

So ayun nga, LIVE na LIVE ako sa Today’s Show with Lhea sa Advo office at si Nikko (kung di mo siya kilala, basahin mo na lang yung past post ko na Lovelife ko ay parang COKE..ZERO) ang una kong pasyente este guest, dahil sa ilang complaints. Natatawa na lang ako kase di ko maipinta yung mga reaksyon ng mga kasama ko dahil sa mga pinagsasasabi kong terms and other ka-kemehan na pauso sa Nursing. Feel na feel ko naman mag-analyze kung anong nangyayari sa pasyente ko. Eh nung tinanong ko siya kung naitanong na niya sa mama niya yung complaints niya (Nurse yung mama niya), di pa raw, pero naitanong na rin daw niya sa pinsan niya na Med student kaso 1st year pa lang. Napa-HAHA na lang ako, to think na 3rd year nursing pa lang ako, nagpapakunsulta na siya, as if naman na marami na akong alam compared sa pinsan niya. :)))) kaya sinabihan ko na lang siya kung anong kakainin niya. Naloka pa ako sa kakaisip nung mga pinag-aralan namin sa Nutrition :D
Then, kinwento ko naman kay Cindy yung pinag-usapan namin ni Ricky bilang wala siya nun.At naisip ko bigla yung Yakapsule at Kisspirin, bilang inaasar ko si Cindy. Pagdating sa office, pauwi na sina Ricky nang bigla akong dinare ni Cindy tungkol dun sa BANAT. Bigla kong tinawag si Ricky at pinaalalahanan regarding sa pinag-usapan namin kanina at bigla kong siningit na..
Me: Kung di nga effective yung tinuro ko sayo, maghanap ka na lang neto.
Ricky: Anu yun?
Me: Ng KISSPIRIN at YAKAPSULE! O ha?!
Ricky: Ano? Teka di ko gets ah.
Me: WAAAAA. Anu ba naman yan, ang fail ng banat ko. Kala ko ba naman magegets mo. HAHAHA
So ayun na nga, di niya gets, ang fail ko bumanat. :|
Salamat pala sa pagbabasa, may pagka-muntae lang ako minsan at ang korni lang ng mga post ko :DDD

Wednesday, November 2, 2011

NO ENROLMENT for me :P


So ayun nga, di pa ako nakaenrol due to financial problems last week. But now, my problem is finally solved, BUT, di pa rin ako nag-eenrol. 
FIRST, 11am na ako pumila sa EB cashier and 12:30 na ako natapos. So, nung nagbayad na ako ng tuition ko, nag sabi ng cashier eh..
Cashier: Miss, may penalty po yung late enrollee.
Me: Ah.. Okey po. (but deep inside eh gulung-gulo ang utak ko)
And ayun nga, nag-bayad ako ng extra 100. WOW! Winner! Late enrollee na nga ako dahil sa financial keme, pinagbayad pa ako ng 100! Okey, ikinayaman nila yan. At dahil sa mayaman ang mga nursing at wafakels lang sa kanila ang 50-70 thousand na tuition eh barya-barya lang ang 100 pesos samin (sarcastically speaking).
Then, nung 3pm naman, umakyat ako sa Nursing Building para kumuha ng COR ko, eh dahil sa 1 kilometer pa rin ang pila eh di bumaba na muna ako ulit at bumalik ng Advo office. Nakipagdaldalan na muna ako at facebook facebook din bago umakyat ulit ng 5pm.
Pagdating dun eh nagtanung-tanung din ako sa mga kakilala ko. At ayun, pumasok na lang ako sa office at biglang tinawag ni isang ma’m (basta maam, yun na yun. yung asa likod ni Sir Philip) kung sino pa mag-eenrol. Nung andun na ako, kelangan pala ng APCE form at grade slip/copy. AYUN, di talaga ako naka-enrol. HAHA.
So bukas na lang ako mag-eenrol. Papasok na lang ako ng maaga. Tutal 1:30pm pa naman klase ko, kung di ako ililipat ng section :))) (Okey lang naman kung ililipat ako, new circle of classmates. Kung hindi naman, Kgo lang.)
Bukas na rin ako bibili ng notebook and ballpen pati pad paper. HAHA. Ako na talaga :D
credits to Jerome De Guzman for his lappy na ginagamit ko ngayon. masyado ko na tong inangkin :)))

Thursday, June 9, 2011

Song of the Day: UNCHARTED



http://www.youtube.com/watch?v=zlxB9zGH8GU


"Uncharted"

No words, My tears won't make any room for more,
And it don't hurt, like anything I've ever felt before, this is
No broken heart,
No familiar scars,
This territory goes uncharted...

Just me, in a room sunk down in a house in a town, and I
Don't breathe, no I never meant to let it get away from me
Now, too much to hold, everybody has to get their hands on gold,
And I want uncharted.
Stuck under the ceiling I made, I can't help but feeling...

I'm going down,
Follow if you want, I won't just hang around,
Like you'll show me where to go,
I'm already out, foolproof idea, so don't ask me how
To get started, it's all uncharted...

La la la-a-a-a.
Oh-h-h.

Each day, countin' up the minutes, till I get alone, 'cause I can't stay
In the middle of it all, it's nobody's fault, but I'm
So lonely, Never knew how much I didn't know,
Oh, everything is uncharted.
I know I'm getting nowhere, when I only sit and stare like...

I'm going down,
Follow if you want, I won't just hang around,
Like you'll show me where to go,
I'm already out, of foolproof idea, so don't ask me how
To get started, it's all uncharted.

Jump start my kaleidoscope heart,
Love to watch the colors fade,
They may not make sense,
But they sure as hell made me.

I won't go as a passenger, no
Waiting for the road to be laid
Though I may be going down,
I'm taking flame over burning out

Compare, where you are to where you want to be, and you'll get nowhere

I'm going down,
Follow if you want, I won't just hang around,
Like you'll show me where to go,
I'm already out, foolproof idea, so don't ask me how
Oh-h
I'm going down,
Follow if you want, I won't just hang around,
Like you'll show me where to go,
I'm already out, foolproof idea, so don't ask me how
To get started, it's all uncharted...




        Naging themesong ng buhay ko 'tong song na 'to this summer. I first heard this at Monster RX. Nagising na lang ako na ito yung pinapatugtog nila. Ang ganda nung tune and walang duda na si Sara Bareilles ang kumanta dahil gusto ko rin yung song niya dati na "Love Song". Anyway, though hindi ko alam yung meaning ng song na 'to (slow lang talaga ako this summer. naghibernate kase ang utak ko ng 1 month), fave na fave ko pa rin to. :)






♫ ooh UNCHARTED!

Thursday, June 2, 2011

Memory Lane: Ang unang Cutting Class :)

Ayun, napagtripan ko lang mag-blog today :) Habang tinitingnan ko yung mga albums ko sa facebook, nakita ko yung pictures namin nung September then biglang pumasok sa utak ko yung pagcu-cut ko ng class noong September 17 for someone's birthday. It's kinda tough kase I have my class then which was my major subject. Maswerte lang ako kasi first day namin for hird concept ng NCM 101 yun, so parang introduction pa lang. Pero after nung introduction, diretso na agad kami sa lectre. I was seating in the third row, and sa may wall banda. Im not listening to my prof that time kase pinagpa-planuhan na namin nina Cindy at Joala  kung paano ako makakalabas na hindi mapapansin ni Sir na wala na pala ako dun. So, dumating si Cindy at kinuha yung card. Then nung dumating ang 4:30pm, naglakas-loob na akong umalis, leaving my bag behind para kunwari eh babalik din ako. I felt freedom nung lumabas na ako, pero may konting takot kase baka bigla kaming mag-quiz or seatwork. But the again, napaisip ako na since nag-cut na ako ng class, e go na lang. Once lang naman yun at di na mauulit. Pumunta na ako ng EB 200 para gawin yung present namin. Kinausap ko si Cindy na kinabahan talaga ako sa ginawa kong pag-alis, naisip kong napaka-importante naman nung taong may birthday bilang tumakas pa ako para sa kanya. :D Pero worth it naman yung pag-absent ko, natuwa naman siya sa present namin sa kanya lalo na sa sketch na ginawa ng BFF ko para sa kanya. He even posted it in FB and tagged me and Cindy. Masaya rin yung day na yun dahil andami kong naging friends at nag-bonding pa kami sa labas ng R.Papa..:))


                                                  Bestfriend Faye, writing her birthday message

                                                             Faye, Cindy and Clarice :)