Sunday, January 1, 2012

Page 1 of 2012

I should say, hindi naging okey yung start ng 2012 ko. First, I had a sore throat during midnight of Jan 1, slept early, had cough and serious colds kinaumagahan. That was the day rin na umalis na ako ng Palawan para bumalik ng Manila for school. Okey na okey naman yung trip namin pauwi maliban lang sa sumakit ng husto yung tenga ko sa plane. Ganun ata talaga pag may sipon, sumasakit lalo yung ears dahil sa inc. pressure sa taas.

Ayun, dito na ako nilagnat ng husto sa Manila. Mga bandang 9pm, umabot sa 38.2 C yung fever ko (yung totoo, 35.5 C yung normal temp ko). Medyo nagchi-chills na rin ako plus non-stop yung ubo and di na rin makahinga. At dahil sa nurse ako, kelangan kong asikasuhin ang sarili ko. Nagpabili na rin ako ng gamot at nag-nebulize na rin para lumuwag yung paghinga ko.

But before I slept, may mga drama pa ako sa buhay ko lalo na ng nagtext si Joshua. Haaaay, Joshua na naman ulit, nakakasawa na po. Char. Di pa rin ako mapalagay na parang di pa rin kami okay as friends. Yeah, he was one of those who made my 2011 the happiest (forget the sadness part muna). Nalulungkot pa rin ako kasi namimiss ko na yung friend ko na makulit, mahilig magpatawa, understanding, lagi akong mino-motivate at masayahin. Tama naman siya sa sinabi niya na "lahat naman ng tao nagbabago eh". Sabi ko, naiintindihan ko, pero ang point ko lang, ibang iba yung treatment niya sa dating Joko na kilala ko. For sure, naiinis na si Cindy sa peg ko na to kasi ito na lang yung inuulit-ulit ko sa kanya. Teka, nawala ako sa topic ah!

Sunday, December 18, 2011

Reason's why

Dahil uso ang mga SMP ngayon, ipopost ko ang mga dahilan kung bakit single ako.

1. Yun nga, kagagaling ko lang from a recent heartbreak. At sa usapang yan, bidang-bida si Joshua. Di kasi kami nag-CLICK eh, di lang talaga kami MEANT to be. Pero okey na rin ako at friends na ulit kami, di man gaya ng dati na super mega friends, okey na rin to, walang samaan ng loob. May nilalandi man siya, friends pa rin kami. Nasanay na rin ako, marami man siyang ina-I LOVE YOU-han, eh kakarmahin din siya. LOL

2. Marami akong crush.-- Factor din yan. Syempre malandi ako, LOL. Di ko kayang magka-jowa ng marami akong crush, parang mahirap, may JOWA ka pero may pinagpapantasyahan kang iba. Recently, gwapong-gwapo ako kay Ricky (refer to my older posts), ewan ko lang ah. Halos lahat ng NBSB, eh may gusto sa kanya. Simple lang kase kagwapuhan niya. And gaya ng sinabi ni Mam Andaya, pinoy na pinoy yung face niya. Ayan ah! May hint na kung sino siya :) Si Ji Hoo naman, eh miss na miss ko na. Di na kami nagkaka-bonding :| tapos gagraduate na ao soon kaya kelangan namin mag-bond! And si Very Bet na Arts (waley pa akong maisip na name niya), ayun WINNER! KAso may jowa na raw siya ayon kay Ratiocinative (refer to opinions page of Advocate). Edi sina Ricky at Ji Hoo na talaga. Si IABF crush nman na napadaan sa office last time, may lovelife na rin. Ako na alone!

3. Kina-KARMA na ako. -- Naalala ko tuloy yung HS lovelife ko dahil sa kwentuhan namin ng mga kasama ko sa apartment. Medyo may mga binasted ako dati lalo na yung ibang medyo sincere pa naman. Pero sa lahat sa kanila, mas winner pa rin sakin si Joshua, iba kase siya sa kanila. Si Ian Karl, siya siguro yung pinaka-INAPI (LOL) ko sa lahat, masyado kong binalewala feelings niya. Hinarana pa ako sa classroom pero yung ginawa ko, tinaboy ko lang siya. Then si Michael Aljon naman, jino-joke ko lang lagi. HAHA. Then si Rocky naman, ayun sayang din! Mala-Daniel Padilla yung drama nun eh, kaso naging seryoso yung away namin kaya ayun, di kami nagpansinan from March-July 2008. HAHA. Sabi nga nung best friend ko, marami RAW nagakagusto sakin noon, and halos lahat sila, schoolmates ko (ewan ko lang kung binobola ako ng bestfriend ko).

4. Masaya maging SINGLE --Masaya talaga in some way :) Ayoko kasi ng gaya nung sa classmate ko na yung jowa eh laging andyan after class, nakiki-seat in pa pag minor classes. Di ba sila nagsasawa? And ayokong magka-Jowa na schoolmate ko rin. Una, kakain kami ng sbay lagi kahit na marami akong ginagawa. Lagi kasi akong nagwo-Working lunch. Ayoko rin ng pinagbabawalan, and ayoko rin ng may makikihati sa oras ko sa Advo at sa studies ko. kaya in short, wag na lang ako magjowa :) Ideal na sana si Joshua eh, IDEAL na. Yun na yun sana eh :)

5. Madaldal ako --Given na yan eh. Natu-turn off agad yung mga guys sa mga kagaya kong madadaldal. pero ako, ayoko rin ng madaldal na lalaki. Nawawala yung pagka-misteryoso eh. Yung gusto ko eh yung masarap kausap and masaya kasama. Waley akong fakels kung natuturnoff sila sa gaya ko, EKSKYUSMI, ayoko ng lalaking maarte. KDOT.

6. Hindi ako MAHINHIN --Di talaga ako mahinhin. And please dont push me to be who Im not. CLEAR?

7.Halos lahat ng ugali ko, yun ang mga nakaka-TURNOFF sa mga guys --Pakialam ko ba sa maaarteng lalaking yan! :P Basta, ugali ko yung mga yun. YUn yon!

8. Friendly ako. --Sabi nga nung ibang friends ko, sayang daw yung ibang friends ko na boyfriend potential ko na sana. Eh sa mga friends ko sila, alangan na patulan namin ang isa't-isa? Very bet dati nung ibang close friends ko si isang friend, kaso di talaga pwede.

9. Rated PG --Di pa kase pwede! ayoko naman sirain yung promis ko sa sarili ko eh. Magse-serious boyfriend ako pag nakapasa na ako sa NLE. Gusto kong maging mas proud pa sina Lola, Papa, Mommy and sina Mama and Nanay in heaven na rin. Basta, BAWAL pa raw sabi ni Papa :)

10. Kasi.. haha, wala akong maisip! :)) Di ko lang talaga siguro time! Darating din si Mr. Right. Malay natin, si "Ricky" dahil sa gusto niya ng "low maintenance" (di ako sigurado kung ako talaga yan!) at "pang-matagalan" (ay! very AKO yan!). Pwede ring si Joshua ulit, (kung magbabago yung kumag na yun diba?) wala namang imposible! Or baka facebook friend ko, schoolmate, nakasalubong sa kanto, nakasabay sa jeep. Hihintayon ko lang si Mr. Right. Alam kong darating siya sa tamang panahon, si God na ang bahala dun. Sa ngayon, studies ko muna talaga and magpapakasaya with my friends. I'll do evrything for my family para mapasaya sila. Di ako magbubulakbol. Mas okey na gumastos every week sa Starbucks kesa lumaklak at mag-bar diba?


Ayan, so alam niyo na kung very MISS ako. Sana wag akong tumandang dalaga. :)) HAHA.

Wednesday, December 14, 2011

Today is Wednesday :">

Wednesday is NOL day, at dahil sa mabilis sumuko yung kasambahay ko sa paggising sakin, edi di na ako nakapasok :))) Mga 1pm, pumunta kami ng PLDT para magbayad nung telephone bill namin and dumiretso na rin ng FEU bilang magkikita pa kami ni Cindy sa SM Sta. Mesa. Nung asa office na ako, aba marami pala kaming naka-civilian, so it means na marami kaming walang pasok :))

Nung nalaman ni Don na pupunta ako ng SM, eh sumama na rin siya sakin dahil nga wala raw siyang magawa sa office. Medyo na-traffic pa nga kami papuntang SM nun, and pagdating namin, nagwithdraw na muna ako and nagkita-kita kami nina Cindy sa entrance. Since magki-christmas shopping si Cindy, naki-join na rin ako sa pagtitingin tingin. Parang ako nga yung nagsshopping kasi andami kong tinitingnang damit. E ano ba, excited ako. :DD Atat na atat na ako para bukas. LOL. Plan ko kasing mag-audition as host para sa Mr. and Ms IN for next month. Wala lang, trip ko lang, and gusto ko namang madala yung kadaldalan ko in another level. LOL Again. Umm, medyo dream ko rin kasi yung mga ganyang keme eh, so why not try diba? Malay natin makapasa ako if ever :)) tanong nga ni Don, sigurado ba ako sa course na kinuha ko kase super layo daw ng pangaraps ko sa kurso ko.

Going back, pumunta kami ng Body Shop, and sa Papemelroti :) Ganda nung mga asa Papemelroti ah, andami ko tuloy nabili and may binili akong Today's Advice para sa office and sa room ko na rin, pati yung mini calendar and notebook for Yon (siya kase una kong naisip nung nakita ko yung notebook na yun). Then kumain si Don sa KFC and pumunta rin ng Folded and Hung. Grabe, may gusto akong damit kaso maluwag nga lang :| Sa Artwork naman, naalala ko lang yung mga shirts ni Ricky, haha. Then sa Blue Magic, may stuffed toy din dun na gaya nung dog ni Ricky :)) And after nun, pumunta na kami ng Starbucks.

Yung totoo, plano ko talagang bumili ng frappe ngayon para bukas, dalawa yung bibilhin ko. Good thing, bumili rin sina Cindy and Don kaya nakumpleto yung stickers ko. Cranberry White Chocolate Mocha frappe for me, Strawberries and Cream for Cindy and Dark Mocha for Don. Then VOILA! Hello to my Cherry Starbucks 2012 planner! :)) Dahil sa nakakuha na ako ng planner, si Nicole na naman ang tutulungan namin dahil sa nawala yung sticker book niya sa office. Grabe lang, super saya ko at may planner na ako. 1 year ko ring hinintay at pinangarap yun ah! :))) And medyo malaki-laki rin yung gastos ko dun but I wanna thank Cindya nd Don na rin. Ambabaw ng kaligayahan ko kanina plus pictures pa. Enjoy naman din kami sa pagsstay sa coffee shop dahil nakapagbonding din kaming tatlo. Before 6pm, umalis na rin kami ng Starbucks para umattend nung GA.

Pagdating namin, wala pa namang GA na nasisimulan sa office. Nilagay ko na rin yung daily advice ko sa may door and pinakita ko na rin yung planner. HIHI. Ako na talaga masaya. Nung inumpisahan na yung GA, kalahating nakikinig at nag-iinternet ako nun. Kaso nung sinabi na ni P'Shone kung sino mga sasama sa mga anak niya, natuwa ako kasi sasama ni GA (basta si Very Bet!) kaso nung nagsalita si Meyor na di sasama si Ji Hoo, nalungkot ako dun. Syempre naman, buddies kami ni Ji Hoo eh. Sa mga guys, bet ko kasama yun. Ewan ko lang ah, pero gusto ko siya kausap eh, mahirap iexplain but very swak siya sa bucketlist ko.

Then, pinagplano kami ng mga kemeng gagawin namin sa Friday. Ayun, masaya naman kahit konti kami. Puro tawanan lang sa Pavilion 2 eh. Tapos dumaan pa yung super ultra mega kaduper CRUSH ni Beatty na former blockmate ko na VERY BET din. Kumbaga, parang cuter and good boy version ni ex blockmate si GA eh :"> And pansin ko lang, pare-pareho kami ng bet nina Beatty at Dairen. Well, epekto ng magpipinsan kami eh!

Haaayh, kababawan and everything! Masaya talaga ako, super! :))

Kay Ate Clar naman, napangiti mo ako dun sa sinabi mo na mamimiss mo ako pagka-graduate mo. :))) Mamimiss din kita ate. Kahit na medyo tahimik ka sa office, may inner kadaldalan ka rin po pala. Dapat next year, may boyfriend ka na ah! Keep the passion burning, alam kong magiging successful ka sa magiging career mo. Good luck po ate! Kung bored ka at kelangan mo ng kakwentuhan, andito lang po ako. Love You Ate Clar! I-push natin ang NBSB Circle with D,ACM,FN, and others :">

Tuesday, December 13, 2011

Travel blogs...

I'm kinda fond of reading travel blogs nowadays, maybe because Im so bored with FB and Twitter. While checking Mga Cuyonon FB Group, I found these entries that made me a lot more proud of my place, and aside from that, missing my hometown too :|

http://www.dutchpickle.com/philippines/misc/milagrosa-j-shipping-iloilo-to-palawan.html
http://www.dutchpickle.com/philippines/palawan/cuyo-island-palawan.html#comment-6187

Im really proud to advertise our place, you'll not just gonna love the island but also the people. Our place may not be as beautiful as others, but we can boast the natural wonders that we have. Calm sea, trees, silence, jolly and hospitable people, and also very safe. I can say that we have a zero crime rate, no snatching, no kidnap or holdups. Aside from that, people from our place knows each other! You can roam the whole town proper by just walking, maybe in 1-2 hours then go to the other municipality in just 2-3 hours. You can ride a boat, tricycle, motorcycle or even walk! :))

Cuyo Island Coastline

cuyo port at night

ticket price :))

I really want my orgmates to visit our place, yeah, and that's my dream :)) Accomodation, my treat! Hehe. Well, here's the ticket price for the ship :))

On Freedom..

Ever since I entered college, ngayon ko lang masasabing naging "free" ako in terms of going out. Going out is not equal to dates, night outs and other chevers. Yung mga biglaang lakad, may kasama man o mag-isa, yung hindi ako magwoworry na kung papayagan man ako o hindi, parang ganun.

I grew up with Nanay and Lola sa province, which means medyo mahigpit sila especially sa mga lakaran. Well, sa liit ba naman ng Cuyo at nasa town proper kami, may mga lakaran pa ba? Free naman ako umalis ng bahay anytime, just be sure na uuwi ako ng maaga regardless kung sino kasama ko kasi mga friends ko naman talaga mga kasama ko lagi. Kaso, super BIG NO NO kapag magdi-disco ako na hindi naman sa school. I remember, nakapagdisco lang ako ng biglaan kasi nasa Pawa ako nun (barangay nina Papa) and ininvite ako ng mga relatives ko. Kapag may importante akong lakad, kailangan kong magpaalam ng 1 week before the said date and syempre hindi gagawa ng mga bagay na magiging dahilan ng di ko pagpunta :)

Fast-forward to 1st year college, kami lang ni nanay ang mgakasama sa mga lakaran o malling pa. Ayaw kasi niyang mag-isa ako kasi baka raw may i-meet ako sa mall o baka maligaw/mawala ako. Nung katagalan, di na naging problema sakin yung mawala kasi matandain ako sa mga lugar na napupuntahan ko, and besides sa Espana lang ako nakatira and very accessible pa sa mga sasakyan. Nung second year, dun na ako nagsisimulang maglakwatsa with friends pero same process pa rin with High School, magpapaalam at kelangan pang tawagan si Lola, to the extent na dinala ko pa sa bahay si Ate Chin para ipagpaalam ako na manunuod kami ng game sa San Juan Arena.

Nung sumali na ako sa Advo, dun na naiba ang takbo ng buhay ko.. Lalo na't sa Sports, laging outside school ang covers at yung iba, biglaan pa. It started with Arena and Ateneo then Xavier and Araneta Coliseum. Mga Advo-mates ko naman mga kasama ko kaya di na siya natatakot, basta uuwi lang ako ng maaga at hindi super late na. Nasanay na rin kasi si Nanay na umuuwi ako ng mga 8-9pm dati. Then nakakapaglakwatsa na rin kami ng mga high school mates ko and Faye. But take note, only them kapag lakwatsa. Hihi.

Nung namatay si Nanay, ibang-iba na. Una, ako na ang nagma-manage ng lahat ng bagay, kasama na oras ko dun. Wala ng limit, at tanging ako na lang yung bahalang maglimit sa sarili ko lalo na kung anong oras ako uuwi. Nung una, naninibago ako kase wala ng nagtetext sakin na "Umuwi ka na. Anong oras na? Gabi na. Ingat". Halos minu-minuto chine-check ko yung phone ko nun. Ngayon eh nasanay na rin ako. Nung first sem, 9pm dapat asa bahay na ako. After game, nagtataxi na nga lang ako mula LRT Recto pauwi para lang humabol sa 9pm na limit ko. Ganun talaga, pinahahalagahan ko yung oras ko, di bale ng gumastos, wag lang ma-late (sa klase, duty,cover).

2nd sem, 8:30 na ako nakakauwi gaya nung 1st sem dahil late na magpauwi mga profs namin. May isang beses na 10pm na ako nakauwi dahil galing akong SM North with Meyor, Don, Dai, Ney, Beatty, and Kuya Tud. Nagtaxi na nga ako pauwi nun eh :))) And ang pinakamalala kong uwi EVER..11pm with Ate Clar. Ewan ko ba at di kami mapaghiwalay that time, parang gusto ko na nga siyang isama sa bahay nun eh.


Pero eto na talaga, yung FREEDOM. Di siya Freedom Park o anumang tambayan, alam niyo na kung ano yung tinutukoy ko, parang LIBERTY --pwede ring Statue of Liberty na kahawig nung Colossus of Rhodes (anlayo ng konek). Wala namang masama kung hindi tayo napagbibigyan ng mga parents natin, syempre dahil concerned sila. Madadaan naman lahat ng bagay sa mabuting pag-eexplain at tamang timing. Malaking factor yung timing din eh, secondary factor na ang mood nila. May mga chances na di ako pinapayagan noon, so kapag di pumayag si Lola, kay nanay ako tatakbo, then siya na mag-eexplain kay Lola. Kung tutol naman si Nanay, edi kay Lola ako :)) Pero kapag pareho silang tutol, kay Papa na ako sasaklolo! :)))) Minsan si Mommy na rin. These people are my PARENTS. Nanay, Lola,Mommy and Papa. Sa lahat ng bagay, dapat updated sila, at ako mismo uma-update sa kanila dahil sa kadaldalan ko and kwento na rin.

But since nasa edad ka na (we all know what it means naman diba?), siguro kelangan maging maluwag na rin yung parents mo. We guys must not always be grounded in our own rooms. Hello? We have a big world to be explored, and we can learn many things from our experiences. We commit mistakes, have friends along the way, learn something and experience what we did not expect. I can say, Im lucky to have parents like them, hindi sila nahuhuli sa mga bagay-bagay, very bagets 'ika nga. Si Lola, puro teenage issues including pregnancy yung inuulit ulit sakin every dinner, to the extent na nakakapikon na kasi since grade 5 pa niya yun sinasabi. But I find her advices as very useful, mas lumawak yung pagkakaintindi ko sa mga ganung issues. Si nanay naman, everyday experiences. Very random lang napag-uusapan namin, then kwento-kwento na rin. Pareho kaming detailed magkwento but hindi time-consuming, para kaming mag-inang magbarkada magkapatid magtita mag-pinsan, bestfriends, girlfriends, NAME IT! Halos wala kaming generation gap nina Nanay and Lola. Maybe dahil na rin sa may boarding house kami ng puro teenagers then nakakakwentuhan nila lagi. Si papa naman, the silent one, and gusto niya na parang barkada lang kami. Di man lang niya ako napapagalitan kaya mas gusto kong magpakabait. Alam naman niyang maganda ang pagpapalaki sakin eh. Si mommy, the girl-friend! Updated din sa uso, and very motherly :)

I think, the freedom that I'm experiencing right now, hindi siya luxury (wala akong maisip na ibang term), I see it more of a challenge. Una, wala ng gumagabay sakin araw-araw, so literally mag-isa na lang talaga ako. Ngayon ko na rin maiaapply yung natutunan ko mostly kay Nanay. Gusto kong alagaan yung tiwala na binigay sakin ng 4 parents ko, ayoko silang biguin. Naging strict man sila sa akin sa una, inintindi ko sila, nakuntento ako dun at inenjoy ko ng bonggang bongga dahil naging way na rin yun para mas magbonding kami.


FREEDOM... :)

Monday, December 12, 2011

So random #1

I was checking the account of my acquaintance from The La Sallian when I saw his article for the Soccer Central. While reading it, the way he writes was same as mine, kinda straightforward with a bit of adjectives but his article was really good. I was thinking, kelan ko ba maiimprove yung pagsusulat ko? Napapansin ko, parang naging stagnant ata ako nitong huli. Ewan ko lang kung pati pagsusulat ko eh nakikisali sa acads ko na nagiging malamya especially this prelims. Gusto kong iimprove yung kelangan ko pang iimprove habang nasa college na ako. Yes, gusto kong gawing career yung pagsusulat ko dahil sa masaya ako sa ginagawa ko. 

This coming January, back to busy life, annndddd, Football season na naman, which is also my another favprite sport kahit na di ko siya naiintindihan way back High School pa. I gotta manage my time wisely to avoid late articles. Gaya ngayon, late na article ko. Today, Volleyball muna ang iwo-work on ko before Fencing. Haaayh. Good luck sakin!

Good morning everyone!

Saturday, December 3, 2011

Yung totoo?

Actually,  mula nung nagka-small talk kami nina Cindy at Ace, parang wala na ata akong maiblog. HAHA, parang ganun, nawalan ako ng ideas. EH? Sumama sa tears ko? While typing this, may mga pumasok ng kemeng thoughts sa utak ko na worth it namang i-blog, including yung 11 thou na pamasahe at nadamay pa yung allowance ko (hehe, thank you pala kay Mommy sa pinadala niya), yung epic na pag-ubos ko ng Cranberry White Chocolate Mocha Frappe mula Robinsons Ermita na tumagal hanggang City Hall lang (partida hindi traffic tapos ambilis pa ng jeep), yung ANALYSIS na ginawa ni Cindy sakin (number 3,5.7!), yung pag-iyak ko nung nakita ko yung nakahandusay na kabayo sa may kanto ng Maria Orosa and T.M. Kalaw St. (yes, iyakin po ako pagdating sa mga kawawang hayop. Si nanay lang ang nakakaalam ng hanash kong yan. Kahit asa libro nga eh iniiyakan ko noon eh). Ayun, yan yung mga supposed to be na iba-blog ko, though medyo maiiksi lang yung iba. :))

Okey, madaling araw ako hyper na hyper. HAHA. Fencing pa yung keme ko later at mukhang waley akong kasama. Yung makakasama ko naman eh umuwi ng Pampanga (harujuskupo ineng, lagi niyo na lang sinasabi na di niyo nabasa yung text or post sa FB, or kung ano pa yan. Nakakarindi po, okey. I've been into your shoes so kahit anung rason pa man yan, alam na alam ko dahil 2nd sem ako nagsimulan. K?). Haaaayh, SOLO FLIGHT and FOREVER ALONE mode later. KGo :)