Saturday, December 3, 2011

Yung totoo?

Actually,  mula nung nagka-small talk kami nina Cindy at Ace, parang wala na ata akong maiblog. HAHA, parang ganun, nawalan ako ng ideas. EH? Sumama sa tears ko? While typing this, may mga pumasok ng kemeng thoughts sa utak ko na worth it namang i-blog, including yung 11 thou na pamasahe at nadamay pa yung allowance ko (hehe, thank you pala kay Mommy sa pinadala niya), yung epic na pag-ubos ko ng Cranberry White Chocolate Mocha Frappe mula Robinsons Ermita na tumagal hanggang City Hall lang (partida hindi traffic tapos ambilis pa ng jeep), yung ANALYSIS na ginawa ni Cindy sakin (number 3,5.7!), yung pag-iyak ko nung nakita ko yung nakahandusay na kabayo sa may kanto ng Maria Orosa and T.M. Kalaw St. (yes, iyakin po ako pagdating sa mga kawawang hayop. Si nanay lang ang nakakaalam ng hanash kong yan. Kahit asa libro nga eh iniiyakan ko noon eh). Ayun, yan yung mga supposed to be na iba-blog ko, though medyo maiiksi lang yung iba. :))

Okey, madaling araw ako hyper na hyper. HAHA. Fencing pa yung keme ko later at mukhang waley akong kasama. Yung makakasama ko naman eh umuwi ng Pampanga (harujuskupo ineng, lagi niyo na lang sinasabi na di niyo nabasa yung text or post sa FB, or kung ano pa yan. Nakakarindi po, okey. I've been into your shoes so kahit anung rason pa man yan, alam na alam ko dahil 2nd sem ako nagsimulan. K?). Haaaayh, SOLO FLIGHT and FOREVER ALONE mode later. KGo :)

1 comment: