Ever since I entered college, ngayon ko lang masasabing naging "free" ako in terms of going out. Going out is not equal to dates, night outs and other chevers. Yung mga biglaang lakad, may kasama man o mag-isa, yung hindi ako magwoworry na kung papayagan man ako o hindi, parang ganun.
I grew up with Nanay and Lola sa province, which means medyo mahigpit sila especially sa mga lakaran. Well, sa liit ba naman ng Cuyo at nasa town proper kami, may mga lakaran pa ba? Free naman ako umalis ng bahay anytime, just be sure na uuwi ako ng maaga regardless kung sino kasama ko kasi mga friends ko naman talaga mga kasama ko lagi. Kaso, super BIG NO NO kapag magdi-disco ako na hindi naman sa school. I remember, nakapagdisco lang ako ng biglaan kasi nasa Pawa ako nun (barangay nina Papa) and ininvite ako ng mga relatives ko. Kapag may importante akong lakad, kailangan kong magpaalam ng 1 week before the said date and syempre hindi gagawa ng mga bagay na magiging dahilan ng di ko pagpunta :)
Fast-forward to 1st year college, kami lang ni nanay ang mgakasama sa mga lakaran o malling pa. Ayaw kasi niyang mag-isa ako kasi baka raw may i-meet ako sa mall o baka maligaw/mawala ako. Nung katagalan, di na naging problema sakin yung mawala kasi matandain ako sa mga lugar na napupuntahan ko, and besides sa Espana lang ako nakatira and very accessible pa sa mga sasakyan. Nung second year, dun na ako nagsisimulang maglakwatsa with friends pero same process pa rin with High School, magpapaalam at kelangan pang tawagan si Lola, to the extent na dinala ko pa sa bahay si Ate Chin para ipagpaalam ako na manunuod kami ng game sa San Juan Arena.
Nung sumali na ako sa Advo, dun na naiba ang takbo ng buhay ko.. Lalo na't sa Sports, laging outside school ang covers at yung iba, biglaan pa. It started with Arena and Ateneo then Xavier and Araneta Coliseum. Mga Advo-mates ko naman mga kasama ko kaya di na siya natatakot, basta uuwi lang ako ng maaga at hindi super late na. Nasanay na rin kasi si Nanay na umuuwi ako ng mga 8-9pm dati. Then nakakapaglakwatsa na rin kami ng mga high school mates ko and Faye. But take note, only them kapag lakwatsa. Hihi.
Nung namatay si Nanay, ibang-iba na. Una, ako na ang nagma-manage ng lahat ng bagay, kasama na oras ko dun. Wala ng limit, at tanging ako na lang yung bahalang maglimit sa sarili ko lalo na kung anong oras ako uuwi. Nung una, naninibago ako kase wala ng nagtetext sakin na "Umuwi ka na. Anong oras na? Gabi na. Ingat". Halos minu-minuto chine-check ko yung phone ko nun. Ngayon eh nasanay na rin ako. Nung first sem, 9pm dapat asa bahay na ako. After game, nagtataxi na nga lang ako mula LRT Recto pauwi para lang humabol sa 9pm na limit ko. Ganun talaga, pinahahalagahan ko yung oras ko, di bale ng gumastos, wag lang ma-late (sa klase, duty,cover).
2nd sem, 8:30 na ako nakakauwi gaya nung 1st sem dahil late na magpauwi mga profs namin. May isang beses na 10pm na ako nakauwi dahil galing akong SM North with Meyor, Don, Dai, Ney, Beatty, and Kuya Tud. Nagtaxi na nga ako pauwi nun eh :))) And ang pinakamalala kong uwi EVER..11pm with Ate Clar. Ewan ko ba at di kami mapaghiwalay that time, parang gusto ko na nga siyang isama sa bahay nun eh.
Pero eto na talaga, yung FREEDOM. Di siya Freedom Park o anumang tambayan, alam niyo na kung ano yung tinutukoy ko, parang LIBERTY --pwede ring Statue of Liberty na kahawig nung Colossus of Rhodes (anlayo ng konek). Wala namang masama kung hindi tayo napagbibigyan ng mga parents natin, syempre dahil concerned sila. Madadaan naman lahat ng bagay sa mabuting pag-eexplain at tamang timing. Malaking factor yung timing din eh, secondary factor na ang mood nila. May mga chances na di ako pinapayagan noon, so kapag di pumayag si Lola, kay nanay ako tatakbo, then siya na mag-eexplain kay Lola. Kung tutol naman si Nanay, edi kay Lola ako :)) Pero kapag pareho silang tutol, kay Papa na ako sasaklolo! :)))) Minsan si Mommy na rin. These people are my PARENTS. Nanay, Lola,Mommy and Papa. Sa lahat ng bagay, dapat updated sila, at ako mismo uma-update sa kanila dahil sa kadaldalan ko and kwento na rin.
But since nasa edad ka na (we all know what it means naman diba?), siguro kelangan maging maluwag na rin yung parents mo. We guys must not always be grounded in our own rooms. Hello? We have a big world to be explored, and we can learn many things from our experiences. We commit mistakes, have friends along the way, learn something and experience what we did not expect. I can say, Im lucky to have parents like them, hindi sila nahuhuli sa mga bagay-bagay, very bagets 'ika nga. Si Lola, puro teenage issues including pregnancy yung inuulit ulit sakin every dinner, to the extent na nakakapikon na kasi since grade 5 pa niya yun sinasabi. But I find her advices as very useful, mas lumawak yung pagkakaintindi ko sa mga ganung issues. Si nanay naman, everyday experiences. Very random lang napag-uusapan namin, then kwento-kwento na rin. Pareho kaming detailed magkwento but hindi time-consuming, para kaming mag-inang magbarkada magkapatid magtita mag-pinsan, bestfriends, girlfriends, NAME IT! Halos wala kaming generation gap nina Nanay and Lola. Maybe dahil na rin sa may boarding house kami ng puro teenagers then nakakakwentuhan nila lagi. Si papa naman, the silent one, and gusto niya na parang barkada lang kami. Di man lang niya ako napapagalitan kaya mas gusto kong magpakabait. Alam naman niyang maganda ang pagpapalaki sakin eh. Si mommy, the girl-friend! Updated din sa uso, and very motherly :)
I think, the freedom that I'm experiencing right now, hindi siya luxury (wala akong maisip na ibang term), I see it more of a challenge. Una, wala ng gumagabay sakin araw-araw, so literally mag-isa na lang talaga ako. Ngayon ko na rin maiaapply yung natutunan ko mostly kay Nanay. Gusto kong alagaan yung tiwala na binigay sakin ng 4 parents ko, ayoko silang biguin. Naging strict man sila sa akin sa una, inintindi ko sila, nakuntento ako dun at inenjoy ko ng bonggang bongga dahil naging way na rin yun para mas magbonding kami.
FREEDOM... :)
we all have our own definitions of freedom. nice take Awoo! XD
ReplyDeleteThanks Kuya Bill! :)
ReplyDelete