Sunday, May 12, 2013

Going solo

Living independently isn't all about fun and carefree life, this will test you if you're to survive, alone. Yes, starting today, mag-isa na lang ako sa apartment. This is it, ang araw na kinakatakutan ko noong bata pa ako. Honestly, I don't want to live alone dahil isa akong "linta" (based on our psych review, which is "dependent'). Many people couldn't believe that I'll be able to continue life even without Nanay because I really depend my life on her. She does everything for me, like waking up early to prepare my breakfast and so on. Gaya nga ng sabi ko kanina, eto yung araw na kinakatakutan ko, yung araw na iiwan na ako ni Nanay dahil matanda na ko at kelangan ko ng mabuhay mag-isa dahil kelangan ko ng magtrabaho. Well, in my present case, medyo napaaga ata. 

It's not the first time na namuhay ako mag-isa sa apartment. Last year, I was left alone here dahil umuwi ng Palawan yung kasama ko dito dati. So, mga 3 weeks akong nag-isa rito. Actually, nag-enjoy ako mag-isa, and dun ko lang nalaman na OC pala ako pag mag-isa sa bahay. Pag may konting kalat, walis agad at kelangan naka-ayos lahat ng bagay :) Medyo di nga lang nakakatuwa na tulog ako sa umaga at gising ako sa gabi bilang paranoid si Lola na baka pasukin ako ng magnanakaw o di kaya atakihin sa puso. As far as what I learned, RHD will not result to heart attack, unless sepsis. Haha. And for the first time, biglaang nag-overnight ang EB 11-12 bilang gabi na sila umalis ng school nun. Haha, inuman agad sa bahay. Then nag-overnight din si Ate Reich after nung Tagaytay trip naming dalawa. :)

Struggles: Di ako marunong magluto. Prito maybe? Hahaha. Sain, prito, laga ng itlog, luto ng noodles lang alam ko. Nagsisi talaga ako na di ako nagpaturo kay Nanay magluto nung bata pa ko dahil confident ako na makakasama ko pa sya ng matagal. Next, mahirap maglaba. Nung bata pa ko, gustung-gusto ko maglaba kasi ginagaya ko si Nanay dati. At bilang sakiting bata ako, konting babad lang sa tubig, sipon na agad. Poor me. Buti na lang may washing machine kami, unluckily sira yung dryer. Then isa pang struggle sakin eh yung pagkakahiwa-hiwalay nung mga damit base sa kulay. Hay jusko! Marunong naman ako sa ibang gawaing-bahay maliban lang sa dalawang yan.

At dahil sa mga nakwento ko, pwede na ring sabihin na buhay prinsesa ako mula pagkabata. Haha. Medyo ganun na nga. Ang kelangan ko lang gawin noon, mag-aral. No choice, nakakapagod kaya maglaro, and take note, di ako pwede sa mga sports eme dahil sakiting bata ako. Pero di naman ako yung bata na kelangang may breakfast in bed at kelangan pa ng seremonyas. No, normal din naman akong bata noon. Since pagsasaing at prito lang ang alam ko, yun yung kadalasang pinapagawa sakin. Tapos ina-assist ko rin si Nanay magluto at si Lola pag nagsasaing (Pag si Lola ang nagsaing, parang pagkain ng maysakit, Lugaw). Ako rin yung taga-tikim sa bahay, haha, pinakamasarap na trabaho ever. Nagwawalis din ako, at required na ako yung maglinis ng kwarto ko kasi ako lang nakakaalam ng mga ganap dun. Ang masasabi kong "dirty job" ko dati, ang magpa-apoy nung uling or kahoy kapag nagsasaing (Buhay probinsya at it's finest). Every summer, ako ang naka-toka sa pagsasaing, pamamalengke, paglilinis ng kusina, paghuhugas ng plato, pagwawalis ng bahay, at pagpapakain sa pitong pets namin (cats, dogs, fishes, love birds). Since around 11am eh ready na yung lunch, as early as 9am eh nagpaparikit (tama ba yung nagpaparikit? haha, di ko alam! basta nagpapaapoy yun!) na ko sa kahoy (swerte kung uling!). Jusko, halos mamaga na mata ko sa kaluluha kasi ang sakit sa mata nung usok at ihip ako ng ihip. At bilang dakilang tamad ako, binubuhusan ko na lang ng gaas. HAHA. Minsan naman pinapaypayan ko nung nigo (Nigo din ba tawag sa tagalog nung ginagamit na pantalop sa bigas?), eh pinagbawalan ako ni Lola kasi *insert pamahiin here*. Halos isang oras ang struggle ko ha! Well, nung una lang yun no! Sa pamamalengke naman, naka-budget na mga bibilhin ko. Madalas ako bumili sa mga suki namin kaya madali na lang yung pamimili. Gusto ko yung humihiwa ako ng bituka ng isda tsaka nung gills. Haha. Kunwari duguan yung daliri ko :P

Present struggle: Ang magising ng maaga at i-budget ang 500 pesos (hangga't di pa dumarating yung next allowance ko). Struggle magising ha, maliban sa stressed ako sa pagrereview til dawn, eh feeling ko ngayon pa lang yung "inupang" days ko ("inupang"-basta yung period na lumalaki ka. Yun! Basta, mahirap i-explain!). Saan aabot ang 500 pesos ko? Actually di ko alam! Maghihigpit na lang ako ng sinturon sa mga susunod na araw.Huhu, eto na ba yung buhay-unemployed? Eh kung pwede lang di mag NLE, malamang may trabaho na ko no? Di naman ako makapamalengke kasi mahal yung bilihin at di ako marunong magluto. Worse, may Galunggong Ban! Di ako makakaprito ng favorite fish ko :( So buhay-karinderya to death ako. No Starbucks, and fastfoods muna. Siomai rice everyday na lang, pantawid gutom. Huhu. This is the reality of life. Uy ha, di porke prinsesa ako eh di ko kaya mag-cope sa ganito? Pano pa't naging taga-probinsya ako? Haha. :)

Okey, bilang wala akong makausap, dito ko na lang binubuhos yung kadaldalan ko. Eh ganun talaga eh. :)) Hello nga pala sa mga fans ko, lol. Miss ko na yung mga fans kong sina Ate Clar, Dairen, Janice, Cindy at sa mga non-Blogger friends ko na binabasa yung blog ko lalo na pag may gusto ako ikwento na na-blog ko na :)

No comments:

Post a Comment