Sorry kung hindi organized tong post ko. Di lang talaga maayos ang diwa ko.
-----
Two days na akong absent sa review. Seriously, tamad na tamad na tamad na ako, pero takot naman ako bumagsak. Ano na Lhea? gusto mong maging topnotcher pero anong ginagawa mo? Gusto ko na magpahinga, feeling ko pagod na pagod na ko. Gusto ko munang lumayo sa Manila, lumayo sa social networking sites at mamuhay uli gaya ng dati.
------
Aminado akong inggit na inggit sa mga high school classmates ko na may jowa na ngayon. Pero wala tayong magagawa eh, aral muna bago ang lahat. Tapos eto na naman yung rule na bawal mag-jowa hanggat wala pang work. Why so harsh? Hay, since mabait akong bata, all I have to do is to follow orders. Well, medyo partly nanghihinayang ako. Andami kong tinanggihan (taray! marami!) dahil sa isang personal reason maliban sa studies ko. Di rin ako nagsisi na tumanggi ako dahil sa studies, pero yung sa isa pang personal reason, medyo mali lang talaga. Hindi kasi tama na ireserve mo yung sarili mo para sa iba. In that way, nagiging selfish ka lang,
------
Very wrong lang na may nami-miss ako ngayon. Ewan ko kung bakit ganun. Ilang beses ko na sya naiisip mula kahapon. Siguro dahil sa alam kong maiintindihan nya ko kasi nung mga panahong feeling ko eh down ako, isa sya sa mga umintindi at nakinig sakin. Gusto ko lang batiin si "motivation", hello there! I miss you (tapos sasabihan mo kong malandi. Bwiset!).
----
No comments:
Post a Comment