K is for keme, kempet, kemps, etc. --Keri na? At yan ang ieeexpect mo sa blog kong ito.
SRSLY, matagal na akong walang kempet. Siguro ang pinakahuling matinong kempet ko eh si Joshua pa, pero that was like ages ago na. HAHA. After him, mga dumaang kempet lang na nagpapalipad hangin. Tapos may isa pa na nagse-seryoso na talaga kaso sorry, di ko sya bet eh, "the girl who cant be moved' pa ang peg ko nun.
Moving on, dalawang kempet lang ang ita-tackle ko dito bilang sila ang pinaka-recent. PAUNAWA: Meron bang attorney o judge dito? Kung wala, okeygopushforit tayo.
First: He's a good friend of mine na matagal ko ng crush. Medyo lumamlam nga lang ang ilaw nya sakin nung nagka-kempet ako at after few days eh nagka-kempet na rin sya. Pero aaminin ko, crush ko pa rin sya. :) Come October at waley na akong kempet nun, gusto ko pa rin sya (di ko pa alam na may kempet sya nun).
I admit, mababaw na pagka-crush lang yun nun kasi nga madalas kami magkasama, in and out of school (okaaay, may idea na kung sino!). Di ko rin maalala kung paano kami nagkasundo ng taong to. The last thing I remember eh yung Welcome Freshmen pa na umabsent ako sa 1st day ko sa Rizal then magkasama kaming nag-iikot sa quadrangle.
Last night, nagbabasa ako ng entries ko ng january, and may napansin ako na usapan namin ni older brother about sa kanya.Kasi itong si older brother, may pinapakiusap sakin na medyo di ako sigurado kasi nahihiya ako. Then umabot pa sa tipong pati posts sa FB eh pinag-uusapan namin and kiber lang ako kasi wala kaming communication.
Come May 2012, HORRAY! He's back! At first he was asking me about something na connected sa kanya. I was really hoping na he would come back until nag-tweet etong si crazy friend tungkol sa pagbabalik nya. So balik dating buhay na naman kami, more bondings and more chikahan.
Everything changed nung early September when our older brother left. Parang that prompted him to speak and share his own part or story. That was also the first time I saw him crying. And I was like "uyy! wag kang umiyak! di kita pinapaiyak ha!". I think, anlaking part ng traffic nun na makapag-kwento sya ng super tagal.
I admit na madaldal ako pero I dont ask some sensitive questions right away. I respect their privacy. Pero minsanm di mo inaasahan na yung gusto mong malaman, sila na lang magkkwento sayo. Sa part ko, natutuwa ako na they trust me kasi syempre di madaling magkwento diba?
After few more days and weeks, mas napaparami na ng kwento, mas diverse na ang usapan and minsan sya na rin ang nag-oopen ng topic, tsaka yung mga bagay na bigla nyang maaalala. Honestly, I still act normal around him pero pag wala sya and friends ko lang kasama ko, mukha akong may epilepsy :D
Nitong last week na lang ng October medyo nagka-something. Di naman sya something na may quotations, pero iba lang kasi. Medyo di ko iniisip, not until the "cuddle time" thing came tapos yung sa Batangas pa! HAHA. Recently, sinamahan ko sya sa institute namin para mag-enrol sa isang subject nya. Habang nasa pila, kinwento nya sakin yung hardships nya, makuha lang ang subject na yun. Final na yung IN kasi punuan sa ITHM, kung san pumila sya from AM to PM tapos waley ganap. Nagshare din sya kung paano nya pinaglaban yung subject na yun sa parents nya. Clap clap lang talaga reaction ko. I know na he's doing his best para ma-achieve yung goal nya and alam kong kaya nya yun.
Complete package na sya eh, matalino, mabait, kwela, masipag, dedicated sa ginagawa nya, goal-oriented, talented, and marunong makisama. Isa lang ang medyo di ko bet-- maaga sya matulog. :P 12am tulog nya, ako naman 1am! Pero ayun, I like him as a friend. I really treasure him as one of my closest guy friends na comfortable akong magkwento ng mga ganap and hanash ko sa buhay. :)
Second: isang tao na kapangalan ni former kempet! hahaha, SMALL WORLD. It all started with BBM, and then yung simpleng banat and the rest is... nevermind. Balak ko talaga syang i-basted agad, kaso iniisip ko, sayang tsaka para may makausap din ako paminsan-minsan. Nung una, di talaga ako comfortable kasi bumabaliktad sikmura ko kapag magkausap kami sa bbm. EK! Ganun talaga!
Tapos nung medyo pumo-porma na sya ng "lhea ko", mas di ako naging comfortable. Natutuwa ako sa mga korning bagay, pero meron ding hindi. Sorry, masstereotype ko sya as someone na "player" kaya ayoko ring makipagclose masyado. Though I know he would be a good friend.
Sabi ko nga, imposible namang magka-gusto ako sa kanya kasi may gusto naman akong iba eh. Pero kapag naging something to, baka maungusan pa nya yung isa. HAHA. Which is ayokong mangyari.
Comment: Okey naman sya, keri lang. I cant comment more on him kasi di ko pa sya ganun ka-kilala. and di naman kasi sya nagpapakilala eh. Yung ayoko sa kanya, mabagal magreply, tapos binabasa lang bbm ko ng wlang reply. honestly, ayoko ng lame na kausap (lame sya). HAHA. Ayun!
---YES? May duty pa ako later tapos nagbblog pa ako then ka-BBM ko si Cindy then katext ko naman kanina si Ji Hoo. HAHA. Si Ji Hoo na maaga matulog (cant blame him though, he needs rest).
Good night! Sorry sa isang napaka-walang kwentang entry! Di ko pa masulatan yung diary ko kasi di ko pa tapos yung salaysay ko dun about sa October 12 na ganap ko :)
No comments:
Post a Comment