Friday, August 16, 2013

Back

Note: Isang walang kwentang post. Bow.

I actually planned to keep this one as a secret, but in the end, bakit ko nga pala kelangang i-sikreto to? Ano to? Buhay ng high-profile na tao? XD

Last Wednesday, I was with Joshua. Yes, you read it right. Just click the Joshua tag to know more about him. Pero kung lagi kang nagbabasa dito, malamang alam mo na.

Moving on. Last week pa namin napagpasyahan na manuod ng game, syempre suporta naman sya sa childhood friend nya. The day before the game, nag-usap na kami kung san kami magkikita, which was Baclaran Church (bat kase anlayo?!).

Nung mismong day na yun, around noon, eh nagtext sya na ayaw daw syang payagan ng girlfriend nya. (Teh, wag masyadong magnet kay jowabels okey? Pasalamat ka eh martir sayo yang jowa mo kahit na... Nevermind!) So I told him na bahala naa sya umeskapo sa girl friend nya. Ayoko naman maki-join sa di nila pagkakaunawaan. After an hour, nagtext na si Joshua na paalis na sya. So pumunta na rin ako ng FEU para kunin yung tickets at nag-LRT papuntang Baclaran.

At nauna syang dumating sa simbahan kesa sakin, at late ako ng lampas 30 minutes. Aba, galit pa na late ako? May 'wtf' pa sa dulo ng text. Aba, walang murahan dre!

Any, pagdating ko ng simbahan eh nakita ko agad sya. Well, naka-white v-neck shirt (gaaah, kahinaan ko ang vneck shirts!) and acid-washed pants plus sneakers. Pagkakita ko sa kanya eh hinatak ko sya papuntang simbahan bilang magpe-pray muna ako bago umalis. Di na ko nakabalik uli dun after exams.

Since ambilis ko maglakad (at ang kupad nya), nauna na ko sa kanya pero paglingon ko eh andun naman sya sa likod ko at pa-ngiti-ngiti pa (medyo abnormal na ngiti lang). Pagkatapos nun eh naglakad na kami papuntang sakayan. Jusko, bat ba antagal maglakad neto? halos masunog na balat ko sa init. Ang hirap pa eh geographically-challenged pa tong kasama ko. Medyo masarap isumpa kasi ke-lalaking tao, di marunong mag-commute!

Pagsakay namin sa jeep, kwento agad sya about dun sa jowa nya na ayaw syang payagan at ginawa na nya lahat ng paraan para payagan sya. Hay, ganyan talaga pag medyo desidido, gagawin ang lahat. Sabi ko nga eh sana nagpaalam na sya agad nung nagsabi sya na manunuod kami. At dagdag ko pa "Ako nga eh, nagpaalam ako agad kaya pinayagan ako!" (Tunog may jowa kuno!) HAHAHAHA.

Pagdating ng MRT, kinawawa ko na naman sya sa kahahabol sakin sa paglalakad. Ayoko kasi ng makupad na tao. Makupad ako gumalaw pero mabilis ako maglakad. -_________- Hanggang papunta dun sa mismong sakayan eh halos hingalin sya sa kakahabol.

"Hahawakan na nga kita, baka mawala ka na naman eh." (Jusko, bat kinilig ako sa parteng to? HAHAHA) Ang bilis ko raw kasi maglakad. Medyo 10x nya ata inulit sakin na ambilis ko. So hinawakan nya yung bag ko habang naghihintay kami sa tren. (Jusko MRT Taft, bat lagi akong kinikilig pag napupunta ako dito? LOL)

Nung andun na kami sa tren, magkausap pa rin kami at medyo magkaharap kami (parang nangyari na to dati? Kaso medyo "close" ata yung nauna dahil siksikan to death sa LRT 1). Super random lang ng usapan namin, minsan inaasar ko sya na ang tanda na nya dahil 21 na sya at dapat eh nung 2012 pa sya graduate pero ngayon di pa rin sya graduate, tapos yung height nya na naungusan ko na, at yung pagiging martir nya (dinaig nya ko sa pagka-martir! Wag ka! XD). 

Nagku-kwento rin naman sya tungkol sa studies nya, sa OJT, sa buhay-jowa nya, at ibang bagay about sa childhood friend nya. Yung ibang mga chismis na nababasa ko sa twitter, medyo sa kanya ko vine-verufy. At sa sobrang tanong ko, nasabihan pa ko na " Stalker ka talaga ni Terrence no? Alam mo lahat lahat!" Excuse me, may ibang tao na mas may alam no! Ang pinagkaiba lang eh part ng work ko ang mag-research. Chos! :P

Pagdating ng Cubao Station, andami nyang pinagsasasabi. Haha, nakakainis yung kadaldalan nya. "Bat ba ang adik adik mo sa FEU? Oo nga pala, "alumni" ka nga pala." "Sorry ah, puro FEU kami sa pamilya eh," sagot ko naman. Nung dun na sa Farmers, hinihingal na naman sya sa kakasunod. "Ano ba, ambilis mo maglakad. Para tayong hinahabol o may hinahabol." Hello? Eh kung alam lang sana nya kung pano mag-commute eh di nakapanuod pa kami ng 1st game! Walanjo naman to!

Hay, mula Baclaran hanggang Cubao, di ko mabilang kung ilang beses kami nag-away. Jusko, di talaga fit ugali namin. Teka, di naman sya ganito katigas ang ulo dati (DATI) at di naman ako mapang-asar at mainitin ang ulo. Nagagawa nga naman ng 2 years na away-bating friendship na may kasamang isnaban.

Nung nasa loob na kami ng Araneta, napagkwentuhan naman namin yung last year na nagkita kami, at kung pano ko sya tinalo sa basketball, pano nya ko tinalo, at kung pano rin sya tinatalo ng gf nya na nakaka, 100+ points pa. Ikaw na te!

Medyo patapos na yung game nung dumating kami. Buti na lang eh nag-overtime!

Nung FEU na yung nagwa-warm up, andami nyang kwento about dun sa childhood friend nya. Wala eh, sya na maraming alam. Nung nag-start na yung game, halos di ko na sya makausap, masyadong tutok sa game, at tutok sa pagte-text kay jowa sabay share sakin kung ano pinag-usapan nila. (Bat kasi walang nagte-text sakin???!) Moving on again, pag may gusto syang ikwento, bubulong sya lalo na't di kami magkarinigan. Ang lakas ba naman ng drums!

Pagdating ng halftime, iniwan ko sya dun sa inuupuan nya at lumipat ako dun kay Kuya Kit. Hahaha, bat ba? Ang boring nya. (Though medyo nag-iimprove sya everytime na nagkikita kami, which was one in a blue moon, or once a year).

Nung second half, medyo dikdikan na yung laban. At nung nagpe-pray na ko, aba! nagpe-pray na rin ang loko. "Pag natalo kami, lagot ka sakin." Ayun nga, natalo kami. JINX! At in-enumerate ko yung mga games na nanuod sya at natalo ang FEU. 2010 PCCL Semis, 2011 UAAP Finals, 2012 FEU-DLSU KO game, then ngayon naman. Jusko, jinx nga!

Paglabas namin, kinukulit nya ko na ihatid sya sa MRT. My goodness, mas lalaki pa nga ata talaga ako kesa dito. Buti at nakita ko yung daddy ni Terrence at may makakasama na sya pauwi. Hay. Bago kami nagkahiwalay, may picture pa kaming dalawa. Thanks to Jocas! 


(Wala eh, mukha pa naman kaming bagay dito sa picture na to! HAHAHAHA. Pero in all fairness, mas matangkad na ako ng kaunti sa kanya.)

Ayun, nagkahiwalay na lang kami ng walang good bye o kung anuman. Oh well, sanay na ako dyan.

(Hello there Joshua Enrico! HAHAHA. Putek, ang boring mo pa rin kasama! Next time yung gf mo na lang isama mo sakin, baka mag-enjoy pa kami. I'm so proud of you! Pinaka-martir na friend, ever!)

After one year, ngayon lang kami uli nagkita. Medyo nakakatuwa lang yung feeling na nakita mo uli yung isang friend mo na kahit medyo hindi kayo in good terms eh mukha naman kayong close friends. Mukha lang. Kahit na medyo hindi okey ang nakaraan ko dito (at di ko naman pinagsisisihan yun), nakalimutan na rin namin yun.. Actually sya, parang wala ng maalala, medyo ako na lang ang may naaalala pa.

Matagal man naayos yung friendship namin, bilang andami kong tanong ssa utak ko, eventually naayos din :) Sana naman maayos ko na rin tong sarili ko at nang maayos ko na rin yung isa pang friendship na medyo na-spoil ko ng kaunti dahil sa gabundok na pride at pag-ooverthink.

hay friendship!

2 comments:

  1. This is so wrong in many ways I can't even count. HAHAHAHAHAHAHA! Siiiiiiiiiiib!

    ReplyDelete
  2. Hahaha. San banda yung pagiging "so wrong in many ways I can't even count" sib? Hahaha :)))

    ReplyDelete