IDK if you're still checking on my blog or not. These past few days made me realize a lot of things, especially your so-called worth in my life.
One time, I found myself reading some thick nursing books. Super hopeless na ako to get a passing score in NCM-ABC concept kaya binasa ko na lahat ng libro na meron ako. Andami ko ng ginawa para mainspire lalo sa pag-aaral kasi halos sumuko na ako. And then I checked my facebook profile and I saw you. I browsed thru your photos and found a picture of you with that mala-toothpaste commercial smile .
No pun intended, you really have that wonderful smile that only few people would recognize. I mean, your smile can brighten anyone's day. So, I continued reading my book with your photo facing my direction. Parang yung dati lang, while reviewing, kausap kita and mino-motivate mo ko to study harder. Kung alam mo lang na isa sa mga nicknames mo sakin eh "Motivation". :)
You really did a great job to encourage me to study more. Di naman sa hindi ko inspirasyon sina Papa and Lola sa studies ko, parang may bagong force kasi na andyan sa likod ko para alalayan ako. Kahit nagka-keme ako ng sandali, it really didnt have a bad effect in my studies. Dapat nga maging thankful tayo kasi dahil sa happiness and heartbreak ko eh 2.2 ang GWA ko (lechugas na NCM lang, paniraaa!)
The next day, we took up that "shotgut exam" and I got a passing grade! Wow! May mga lumabas sa mga inaral ko! thank you lord. Even before, I know that Joshua can do wonders pagdating sa acads ko. Nung down ako sa RLE, after we talked the night before, halos perfect ako sa quiz and mataas nakuha ko sa bandaging. Kitams? :)
Come Saturday, I told Ate Chin what I really feel. This <3 of mine still belongs to him. Yes, I do have a lot of crushes, pero sya pa rin eh. Kahit na andami ng nangyari, di pa rin sya mawala sa trono nya.
Seeing a picture of him and his girl pierced what's between my 4th and 5th ICS. Yes, it really did hurt. Nakakabitter kasi eh. Aminin natin yan. I didn't had a chance to have a picture with him while watching last year's basketball finals. I thought magkikita pa kami kaso last na pala yun.
I tweeted "Sayang at di man lang tayo nagkaroon ng picture ng magkasama, wala tuloy nagpapaalala sakin kung gaano ako kasaya nung panahong yun na kasama kita". Totoo naman yun eh. Nakakabitter.
Then kaninang umaga, nag-chat pa kami. Parang wala lang, parang acquaintances lang. So ganun na lang ba yun? Mas nalungkot lang ako actually eh. Masaya naman ako kahit na di nya ako kinakamusta, pero yung totoo eh miss ko na sya. Kaya ko na syang tiisin pag malayo sya, pero pag andyan na sya, sige Lhea, gora ka na, minsan lang yan.
Nakakahiya man pero finriendzone nya ako. Naguguluhan ako sa totoong rason eh, pero ang sinabi nya sakin " Ayokong matulad ka sa mga ex ko na nawala na lang. Alam kong dito tayo magtatagal". He also tagged me as his "best friend" and "ate".
Fine, I now accept the fact that we're just bound to be friends, maybe in our entire life. Pero ayoko lang maging kaibigan nya kapag may problema lang sya, pero pag masaya sya, nakakalimutan lang. Ano ako, CALAMITY FUND na laging andyan pag binabagyo ka? Friend mo naman ako sa lahat ng oras eh, pero hindi naman ako laging andito para saluhin ka sa kalungkutan mo.
Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan kapag nalalaman kong di ka naaappreciate nung gf mo. masakit sakin yun kasi bakit di nya kayang makita yung mga bagay na nakita ko sayo? tsaka sana wag mo akong babalikan kapag nagkakalabuan kayo ng gf mo at humihingi ka ng tulong sakin, kasi pati ako nahihirapan din. Remember, di ako tagasalo mo.
And lastly, siguro hanggang picture mo na lang ako. Yung tititigan ang picture mo na nakasalamin ka at nakangiti. Minsan, naimagine ko dati na aayusan kita ng buhok mo, yung ako yung pipili ng bibilhin mong damit (bilang dream kong maging stylist), at rarampa tayo! :P Imagination na lang siguro yun, di na magkakatotoo. Sa ngayon, kakausapin ko na lang picture mo lalo na kapag naiinis ako. Pero wag kang mag-alala, babalikan ko pa rin ang picture mo kapag gusto ko ng kukumpleto sa araw ko.
No comments:
Post a Comment