Sunday, May 20, 2012

My so-called WEAKNESS

After 2 months, heto ako at excited na excited nang magsulat ng Volleyball. HAHA, akala mo eh baguhan lang. To tell you honestly, eto talaga ang kahinaan ko, Volleyball. IDK kung bakit ganun, kasi yung combined article ko, na-overhaul nung Jan-Feb ish. Since then, I considered writing volleyball as my primary weakness.


Trivia: Volleyball yung pinaka-unang ginawan ko ng full-length article bilang homework namin kay Nanay Lora yun. Sa TV lang ako nagcover nun and.... wala talaga akong alam sa sport. Good thing, alam ni Nanay (Nanay Moeng) yung skills sa volleyball (batopkors! athlete kaya si nanay!). Hindi ko naisip nun na mahihirapan ako sa pagsusulat, basta ang naaalala ko, EXCITED AKO MAGSULAT.


Siguro, nasa volleyball na lahat ng 1st ko. 1st FLA, 1st cover (with Tita Cha), 1st SOLO COVER (with Sherra), 1st interview (Coach Nes). So kung iisipin, memorable talaga yung sport na to. Kaso, ewan ko, compared sa basketball, di ako matino magsulat sa sport na to. Ewan ko talaga, as in ewan...


Habang binabasa ko yung past articles ko, both BB and VB, nahihiya ako sa sarili ko, kasi mas okey pa yung dati kesa ngayon. Feeling ko tuloy hindi ako nag-improve. Sophomore (???) jinx ba ito?


Basta, magsusulat na ako. Tanggalin na ang negative vibes sa katawan and magsulat muli. :)

Sunday, May 13, 2012

It's been a while :)

HA! Kumusta blogspot? Anyare? Anong ganap? KGOPUSHTHATBUTTON.

Ang baliw-baliwan ko lang diba? So ayun nga sabaw pa rin ako. Two consecutive days na akong nagccover. HAHA, ako na busy ngayong summer. Kaso, ewan ko, parang di ko bet magsulat or di pa pumapasok sa sistema ko na gumawa ng article. Dedbols ako neto kay Madam SE :)))

Ayun, bilang patapos na ang summer classes, feeling ko eh busy pa rin ako. Bakit kamo? Kasi nga... Busy ako :))) In some way, kelangan kong i-enjoy tong busy-busyhan peg ko. HALAAAA, last 2 sems ko na sa FEU teh!

Bilang ngayon pa lang eh pinagpaplanuhan ko na ang upcoming life ko after grad (GAGRADUATE AKO,K!), feeling ko eh busy pa rin ako. Siguro ako na yung taong excited gumraduate pero di ko kayang iwan ang FEU. If ever kasi na di ako aalis ng FEU, ganito ang ganap ko.

1. Magma-masteral ako sa IN. (Batopkors!)
2. Kukuha ng units for masscom.
3. Keme pa rin sa sports or uaap (let us not define keme as of the moment)
4. Magwwork sa FEU (haha, wala akong maisip)

And if ever na di ako mag-aaral ulit...

1. Will look for a media-related work (writing, etc. Sana naman sports related pa rin!) Pwede na rin sa mga teen magazines or Sports mag na rin (but before that, kelangan ko munang tapusin yung sophomore  jinx ko. K)
2. Work as a nurse sa Palawan (pero pwede naman ding sa Manila. Jusko, mamimiss ko buhay ko dito!)

Ngayon pa lang, puno na check list ko. Any, I dont wanna work agad as a nurse (pero syempre mag-eexam muna ako, kukuha ng BLS and IVT license ) kasi gusto ko munang maexperience yung ibang trabaho. Kumbaga, eto yung BAKASYON ko. Si papa naman kasi, gusto akong maging certified bum after college. Helooo? Magtatamad-tamaran ako for 2 years? NAMAN! Eh atat na akong gumastos ng sarili kong pera. HAHA, pera agad iniisip ko eh no.

Sa ngayon, marami na agad plano si Mommy para sakin and happy naman ako na atleast may sure job na ako. Pero sana kahit 2 years man lang eh makapagstay pa ako rito :)

Moving on, dahil sa masyado akong excited gumraduate.. ANAR na TE? Yan ba leader ng CASE PRESS at THESIS? San na yung gram staining kemper mo? Kumusta na yung pathophysio? EK? 9pm na! I must sleep na mamaya dahil 4am ako magigising tapos duty pa ng 6am- 2pm. Tapos  kung kelan pauwi na kami, dun pa dumarating yung pasyente! HAHA.

Share ko lang, ansaya ko last week sa duty, kasi 2 kami nung groupmate ko na nag-explain ng lahat ng keme dun sa Emergency Room. Napalaban kami sa english! RN-slash-CI-slash OB Gyne yung bisita namin from China :) Tapos nakapag-ECG twice! Yung una, kasama ko pa si Ana dun sa private ward. Tapos yung sunod naman, emergency case! So ako na lahat, from vital signs then ECG! Kelangan pala mabilis sa ER. ANd Im quite enjoying ER na rin. Dati kasi bet ko yung Delivery or Operating Room :) MAhilig ako sa madugo eh.

So guys, bye bye na. Ittry ko gumawa ng article tonight and kukumustahin ko muna mga staffers ko, este groupmates ko. HAHA. BYERS! :D

Monday, April 2, 2012

MEMA lang

So ayun nga, second night na akong nag-iisa sa bahay and it's now 4:45am in our clock. Since nag-iisa lang ako sa bahay, I have to make sure na vigilant ako lagi. Baka may pumasok bigla at *insert creepy or horrible situation here*. I know that Lola's really worried kasi ngayon lang ako naiwang mag-isa sa apartment lalo na't for 2 weeks.

And to keep me awake, nagbo-browse na lang ako ng old pics sa Facebook ko and nakikipagdaldalan na rin sa Twitter. And for tonight, si Kuya Mosh O. yung kakwentuhan at kakulitan ko. HIHI, crush ko yun eh, di lang pahalata, kunwari kumu-Kuya :)) He's really mabait, makulit and a man with a substance. Pwede ko na bang sabihin na kagaya ni Kuya Mosh ang ideal man ko? LOL again. :))) And while tweeting, nakikinig naman ako sa favorite late night-slash-early morning radio show ko, The Morning After sa RX 93.1. Cool sya kasi they're playing cool songs and halos lahat eh bago. So medyo updated na rin ako sa mga new songs ko. Last week, nakinig din ako dito and fun sya. DJ Alven is the man! Kanina, twice nabasa yung post ko, yung sa Facebook and sa Twitter. Binati pa yung Advo (ewan ko lang kung may taga-Advo pa na gising nun) :) Last week, binasa rin yung post ko. hihi. Nakakatuwa lang yung pagkakabasa ng name ko kanina, kung last week eh Lheajane Socrateees (slang syempre), kanina eh Lheajane Socrates (Soh-khreeyhts) :)))) COOL! Tapos kaloka pa yung @tweetnirizal, ni-like ko lang yung isang tweet nya na nakita ko lang sa news feed tapos nagtweet ssakin ng quote ni Socrates. HAHA. Define my night: COOL. :D

----
Kahapon, napaka-pasaway ko lang. Pinapapunta ako ni Cindy ng 2pm, nagreply ako, then nakatulog ulit and dumating ng FEU ng 5:30 pm. HAHA. Ako na late diba? tapos nung pauwi, nagke-crave ako sa SISIG. :)))) Naglilihi teh?


Any, ilang araw pa akong magtitiis ng ganito. Later, pupunta ako kina Tita para bumisita :) KGOPUSH!

Sunday, April 1, 2012

Backpacking with Ate Reich

Last Saturday, Ate Reich and I went to Tagaytay just to escape the city and to have fun :) We met at Recto Station as early as 8am and rode a bus to Tagaytay in Lawton. We kept on talking and sharing stories until I fell asleep (di ko tuloy nakita yung Imus :P) We arrived in Tagaytay past 10am, the bus dropped off passengers at Olivarez and rode a jeepney to Picnic Grove.

Since I was really hungry that I had headache already, we had our early lunch at a nearby resto. Then went straight to Picnic Grove and took lots of pictures. I missed that place and still reminds me of our roadtrip with Mommy, my cousins and most especially Nanay. We didn't tried zipline yet we walked around and explored the place. After that, we went to People's park in the Sky. Actually I've already been there before that's why I know the place. It was really cold while on the way yet it's cool since you gotta experience the breeze of the wind and made my hair messy. It was the highest part of Tagaytay so we've seen some fogs and enjoyed the cold air in spite of wearing summer attire (knitted sando and shorts), good thing I brought my favorite jacket with me. Going up to the park was a bit tiring and it took us almost 7 minutes to be up there, while going down took us only 4 minutes or less.We had an ample time there to sit down, relax, and continue all the talking. Seeing and feeling (yes! we felt the fogs' coolness with our flesh) the fogs was quite fun. And I was like a 5-year old kid saying "foooooooogs!" :)))) And the place down the PPS was really cool. It will remind you of Forks (Twilight) because of those trees which are similar of that of the film. Since mommy is planning to visit Tagaytay Highlands on June, probably we'll drop by the area, YEAY!

After People's park, we decided to go to Tierra de Maria Shrine in front Developmental Academy of the Philippines. It's a sacred place where you'll see a 50-feet tall statue of Our Lady of Manaoag. People from different places go there and pray for their adorations or wishes. Some things had changed in the place since I last June 2010. Ate and I bought rings with the crucifix in it. Unluckily, the ring that I was able to buy only fitted in my pinkie finger :)) Since we're hungry again, we went to Starbucks near Silang crossing and a beautiful view welcomed us again. It was a lot better if you want to see the volcano closer. The area was as cold as the PPS. To be able to have a better thermoregulation in our body, we had coffee and some bread to feed us. I had signature hot chocolate and my ever-favorite cinnamon swirl while looking at the beautiful scenic view. How I wish I could go  near the volcano's crater. I've been interested in geology since I was young. Well, I cant deny that since I have those set of books bought by my mom when I was only a year old then, kept by Nanay and Lola til 4 and discovered those treasures (I mean books) by myself (pakialamera :P). I spent my time lying on my bed with closed door and silence all over then concentrated with my reading. So when Ate and I talked about those stuff, and our geeky selves were unleashed :))

After we ate, we took some pictures and also roamed the place. Then we sneaked in a nearby family resto just to have those photo opts with the place. HAHA. The place was cool and relaxing and there came the fog again so it's cold again. Then, we waited for a bus at 6pm and we're back in Manila by 9pm. And I was sleeping all throughout the trip and Ate Reich, as always, was vigilant and widely awake :))

That was my first time to have a roadtrip by means of commuting. We really had fun :)

Enjoy!

in front of Picnic Grove

with Ate Reich



People's Park in the Sky

the breath-taking shot!

And Ate hugs Spongebob's haven

At Tierra de Maria

Taal's view at Starbucks Tagaytay. Much closer than PG

Very Glee?

Outside Starbucks Tagaytay. Much better picture with the volcano





At Leslie's resto :)

Thursday, March 15, 2012

Eto na naman tayo

KUMUSTA na Lhea Jane Socrates Bagona, the future RN?

AAAAAAH! Eto na naman ako sa pagiging fail ko. And for the nth time this sem, LATE na naman ako sa pagpasa. EEEEEEEEEH :(

Anyare sayo Lhea? Nagawa mo na lahat, kumain, natulog, nagpahinga, at nagmall ka na, pero waley ganap pa rin? Gawa-gawa din, okey?

Sunday, March 4, 2012

Decisions

HELL WEEK? Naaah. :)

First, bakit ba Decisions ang title ng blog ko? Umm, wala lang :D

IDK kung alam ng lahat na dream ko mag-CSR for FEU kaso maraming di pwede. First, NURSING ako: hectic sked, thesis, plus acads. Second, Di talaga pwede, FOR NOW.
 
That CSR dream started when I was still in 2nd year, then 3rd year 1st sem, and ngayong birthday ko. Me and my bestfriend were watching UAAP, then biglang nag-commercial for CSR auditions. So my BFF insisted that I should give it a try; send resume and hope that I would get a call back. I told her na di pwede dahil nga sa mga reason na nabanggit ko. Pero sabi niya, i-try ko lang daw, wala namang masama and experience naa rin once naka-graduate na ako and mag--aapply ako. 

I told Sir Ian about this thing (dahil tinanong niya ako dati kung gusto ko raw sumali) and asked me to come to his office. He explained to me the drills on the courtside and showed me some videos in the huddle and some practice reports by Andy before. He asked me to make a short report and deliver it. Medyo ma-technical yung gawa ko, more likely parang article (siguro dahil sanay ako sa ganun). And then, he also took a video of me while doing the reporting (di ako comfortable magsalita sa harap ng camera. HAHA). Ang awkward tignan nung mukha ko eh, naka-duty uniform ba naman. I know that its really difficult to speak in front of camera and make a report right away. Aminado akong mabagal akong magsulat :D And the way I delivered the report, kulang sa confidence and parang di ko pa "performance level". Maybe I should practice more in front of the mirror.

Nung nalaman ko na yung pre-screening, which will be on Wed, di na ako umasa. Yeah, may duty ako. And besides naalala ko na "Oo nga pala, sasali alng ako sa pre-screening pero wala akong balak sumali ngayon. I'll be attending the pre-screening for 'experience'". magkaganun man, nag-practice pa rin akong magsalita kanina. HAHA. The last time I did some reporting was way back Sept 2010 for our Speech class. It was a Sports reporting and I got 100%. Nakalimutan ko na nga lang yung comment ni Mam pero she was happy  that our team did very well.

This week, sabay yung Revalida and Editorial Exam plus NOL pa. Basag na utak ko nun panigurado. It'll be my second time to take the Sports editorial exam and medyo expected ko na yung mga tanong dun (if ever di magbago :D) Actually, wala akong planong mag-sign up for the exams (teka, di naman kami nag-sign up last year eh!) dahil sa andaming aasikasuhin next year. Di niyo ako masisisi kasi ako yung tao na mas iniisip yung mga mangyayari if ever (ugaling namana ko kina Lola at Nanay, ganun mag-isip yung mga yun, ADVANCED!). At dahil nga sa explanations ni Ate Reich, nagkaroon ako ng second thoughts. Napaisip ako sa sinabi ni Juneys na "yung ginagawa mo yung isang bagay tapos di mo alam kung ano ba talaga yung dahilan kung bakit mo ginagawa yun", (parang ganun). Iniisip ko, bakit ko nga ba ginagawa/gagawin to? Wala pa rin akong maisip na dahilan actually. Magte-take na lang ako ng exam, bahala na kung may maiisip ako na dahilan o wala. Maybe preoccupied lang talaga utak ko sa acads dahil sa bebe NCA ko, tapos dumagdag pa si Thesis lecture (partida isang fail na quiz lang at 2% decrease sa exam yung ganap dun?)

Kaya ko sineseryoso yung acads ko kasi ayokong iwan yung tinuturing kong 2nd home and family ko, and ayokong tumagal pa sa FEU, gusto ko na gumradweyt! Iba pala talaga yung pressure pag malapit ka na sa finish line. Kaya naiintindihan ko na sina Dairen, Kuya Bill, Beatty, Nikko at lahat ng mga graduating ngayon.


Oh well, EXAMS (acads), REVALIDA, and DEFENSE na muna aatupagin ko  ngayon. Next year na si CSR at sa saturday na lang si ED EXAM. HAHA :D
 

Saturday, March 3, 2012

Hey MARCH!

KUMUSTA naman MARCH?


Grabe, feel na feel ko na ang buwan na to. Kung last month eh emotional ako, ngaayon naman eh NGARAG. Kelangang mag-double time para humabol sa grades. Ganun talaga! :)

So ayun nga, sinimulan ko ang buwan na to sa NOL. Feel kong tagilid ako dito, aminado ako, kaso kelangan kong gumalaw na. Eto yung consequence dun sa katamaran ko eh. Sana kahit matapos ko na lang yung Fundamentals, MCN and Psych Nsg. May time pa naman ako. Wala akong masabi sa session kanina, di ako inantok! :))))

Sa Nursing Research naman, nagkakagulo na kami. Sorry naman, 3 groups na raw kami. HAHA. Mabuhay si Azel! :)) Medyo nakakainis lang yung group leader namin, imba yung pagka-authoritative. Nag-eeffort akong maintindihan  siya pero iba lang talaga ugali nun. Di siya madaldal pero iba trip niya sa buhay (pake ko sa trip niya sa buhay), tapos madali maimpluwensiyahan, pero matigas ang ulo, taklesa, akala niya siya lang nag-iisip.Pasensiya naman daw, parang hindi mga GC yung mga ka-grupo niya diba? Then, paagkatapos mong magpakapuyat sa &*%$+@!?^ thesis, sasabihan ka pang di nag-iisip? eh &*%$+@!?^ ka! Siya kaya utusan kong gumawa ng article, tignan natin kung makakagawa siya nun. Wagas lang umasta eh. Tapos isa pa, grabe makapag-reklamo, mapa-member man siya o leader. Ewan ko ba, dinadaan sa TANDA yung pagli-lead ng grupo namin pero kung sino pa yung umaastang MATATANDA, yun pa ang kulang sa MATURITY. Grow up KIDDOS, learn to adjust to your members, BITCHES.

Kung di  lang ako busy sa ibang bagay, ako na talaga yung magle-lead ng grupo namin. Kaso, how will you lead a group na maraming nagmamagaling, nagpapaka-leader, na utang na loob pa namin na ginagawa niya lahat. Buong buhay ko, leader na ako sa grupo na kasama ako, pero kasi ni minsan di ako nagmalaki na AKO YUNG GUMAWA NG LAHAT. Kahit ako man gumawa, GROUP EFFORT pa rin paningin ko dun. Kumbaga, wag mong solohin ang lahat, kaya nga group eh. Tapos yung iba nagmamalinis pa, nakakainis diba?

MOVING ON!

Nursing Research lec naman, 2.75 ako dun. From 81.6, naging 76.9 (75 kasi base namin). Kainis diba? isang bagsak na quiz at exam lang, bumaba ng ganun? Tapos sasabihin pa ng group leader na ibabagsak niya kami sa peer eval? Subukan niya!

Yung NCA lec naman, tinulugan ko  na naman kanina. Buti lang nung hapon, nag-Moonleaf ako kaya di ako inantok sa NOL. HAHA, gising diwa ko eh :D Sayang lang nung nag-exam kami, 1 na lang at 50 na ako. :|

Kahit gusto ko ng BB, iPad, D&G Light Blue perfume, hindi ko na hiningi kina Mommy, Papa at Lola, PRAYERS lang yung hinihingi ko. Alam ko namang darating din kami sa regaluhan part pero kasi mas importante to, STUDIES to eh. I dont wanna falter kung kelan malapit na ako. Konting kembot na lang eh! Tsaka maraming maaapektuhan pag bumagsak ako eh. Alam mo yung may babalikan akong subject, yung nag-iisang subject na di ka makakagraduate kung di mo maipapasa yun. BASTA! Kelangan kong pumasa, PAPASA AKO! :)

Wala na rin  akong problem sa section namin maliban lang dun sa nai-confide ko kay Tito Juneys last time. Yung exam na ite-take ko for the second time yung hot topic ngayon. Buti lang di na kelangan magreview dun ah :DD

Dumako naman tayo sa usapang lovelife. EH? Magkatext na naman kami ni Joshua. EK? Nagsimula to nnung birthday ko, tapos natapilok siya kagabi at tinext ako to seek help. PERSONAL NURSE?? Pasalamat siya mabait ako. Sinabihan ko naman kung ano gagawin niya dun sa sprain niya. Ke malas na tao, kung kelan niya balak makipaglaro sa FEU Gym kinabukasan, dun pa natapilok ang loko. HAHA. Paraan na ni God yun na kami maaksidenteng magkita around Morayta. Aba, awkward yun ah. Pero mass masaya lang talaga pag nakasalubong ko siya na may kasama ako, kahit sino basta boylet. HAHA :D Bitterness aside (BITTERNESS ASIDE???), di naman ako apathetic sa kanya nung nagkakatext kami, siguro mas iniisip ko yung mga itetext ko sa kanya. Mahirap na,  baka isipin niya eh pinapatulan ko kalandian niya  sa katawan. Pasensya na, di kasi ako malandi eh :">

Tapos, eto yung balitang mainit-init pa. (Para sayo 'to Dairen! :'> ). May nakakagulat na tanong lang kasi si Dairen sakin kahapon, kung crush  ko raw ba itong si friend (hulaan kung anong institute to). :D So natawa lang ako kasi wala talaga, siguro dahil lang sa kinukulit ko yun nung nakaraan. Eh mas natawa ako kasi ibinalik niya yung time na tinanong niya ako about JH, eh medyo aminado akong di ko sinabi yung totoo kay Dairen :)))) Kinwento ko sa friends ni friend  yung sa tinanong ni Dairen, (ang daldal ko lang diba? sorry naman daw, di ako nahiyang i-share kasi di naman talaga totoo). Yung sinagot nung mga friends niya "Di naman si friend yung gusto mo eh, yung FRIEND nung si friend", HAHA, tapos sabay kain sa Hepalane :)))


Pagkatapos nung exam and revalida, papagupit ako ng bangs (di na full bangs ah!) at magpapa-rebond (kung may extra money) :))))


Si Lord  na bahala sakin, magpupursigi  ako this finals :)