Friday, June 15, 2012

Boys will be BOYS

HAHA. Fine! Usapang boylet to guys :D So 2:40 na sa  watch ko at di pa ko natutulog. Napa-blog lang ako kasi gusto kong tumawa. HAHA, wala lang. Deh, gusto ko lang i-document yung mga keme sa buhay ko.

You know me guys, kung ayaw ko sa tao, FRIENDZONED, SIBLINGZONED and worse! STRANGERZONED! So kanina, nagtext sakin yung isang kakilala ko from FEU-FERN na nagco-college ngayon sa Adamson. Bale former Baby Tam sya and teammate nina Mike and Russel before. And another trivia, he also wore jersey #7 before TR. Hahaha. Sa kagustuhan ko mang ilagay dito yung naka-printscreen nyang text, kaso tinatamad na ko. Pinabasa ko na yun kay Ate Reich kanina and tawang-tawa sya.

Nagstart from Hello, Kumusta, hanggang sa paboritong linya ng mga boys na "baka may magalit" and sa punto na "anong gusto mo sa isang lalaki". I just played safe na lang kanina kasi alam ko na yung mga ganung flow ng usapan. HELLO? lahat ng binasted ko nung HS, ganun yung umpisa. Haha. Imma bitch, babe! Tapos nung sinabi ko na NBSB ako, (which is totoo naman), sabi nya sya na lang daw maging boyfriend ko and kemekemekemekeme..... Then may sinabi pa sya na gusto nya ng simple, na kaya mag-sacrifice, na maiintindihan yung pagiging maluho nya, na parang mag-asawa na yung turingan nila and so on.

Juskupo, AMBILIS DRE! Pero wala eh, basted. Sorry! Andami ko pang inexplain sa kanyang keme, na dapat mag-aral muna sya, kasi 4th year na rin sya and focus lang ako sa sarili ko and sa org/studies. May pahabol pa sya na di raw sya gwapo and so on, tapos haha lang reply ko kasi no comment ako. Pa-humble pa ang potek. Yan ang isa sa ayoko eh. Sinabihan ko rin sya na wala syang mapapala sa pagmamadali sa mga ganung bagay. Dapat pinaghihirapan and dapat ineeffort-an yung bawat liligawan (di ko naman sinasabing ako yun kasi wala syang pag-asa sakin OKEY!). Kaso mas naloka ako sa sinabi nya na EXPERT  daw sya dun (sa pagkuha ng babae ng mabilisan), kaya nagreply na lang ako ng "Oww, Yun pala yun". HAHAHA.

Galing ko ring bumasa ng lalaki ano. Uy! Basa ko na moves nyo mga tol. Sabi ko tuloy kanina "Lord, di naman ako kakarmahin sa ginawa kong to diba? Tsaka mas okey na tong single ako, atleast masaya naman ako." Haaayh, kailangan talaga nating magdesisyon sa mga bagay-bagay ng mabilisan minsan para di tayo magsisi sa huli.

--
Then nitong gabi naman, nagchat sakin si Joshua. Nagkakagulo na naman sila nung GF nya. Seloso pala ampotek. HAHA. Napapa-tengene nga ako eh. Nagjo-joke pa  ko nung una kaso sabi nya seryoso daw sya. So ayun, bilang si very dependable friend and best-est love adviser na walang experience, inilabas ko na lahat ng talino ko sa love problem nya. Actually, napaka-petty lang nung problema nya. Sus!

Kasi raw yung gf nya tsaka yung ex-bf nya nagco-comment-an sa FB. Eh eto namang si former keme todo selos. Then, walang cp ngayon si gf kaya hirap sila magcontact. Katatapos nga lang daw nila mag-away tapos may misunderstanding na naman. Edi nanghingi sya ng advice kung bibigyan daw ba nya ng space si girl o hindi. Eh ang sabi ko HINDI, kasi may chances na umextra si ex-bf at matuloy yung iniisip ni Joshua na baka maakipag-break si girl.

Nung first part, medyo tumatawa ako at napapa-"karma's a bitch!" kaso never pa nagpatulong sakin tong si Joshua before  sa mga love life nya. And naloka ako kasi sakin pa sya nagtanong eh alam nyang wala akong naging experience sa lovelife (maliban na lang sa mga "almost there" episodes ng buhay ko). Im happy na rin na he appreciated what I've said. Maybe he realized na Im an indispensable friend. He can always ask help lalo na kung kaya ko naman. Di ako after sa paghihiwalay nila (in case na hindi magiging effective yung advise ko) kasi wala rin akong balak na umepal dahil masaya na ako sa estado ko, its just that gusto ko rin na makahanap sya ng matinong lovelife nya. Im happy na rin with Michael kasi na-beat nya yung distance nilang mag-jowa and whenever we talk, feel kong masaya sya. From a certified chickboy, nagbago na rin si BFF #3 :)

Ewan ko kung naiisip lang ako ni Joshua ngayon dahil may problema sya pero wafakels, okey lang yun. Role ko naman as a friend yun diba? Well, im an effective friend naman eh. May mapipiga ka pa rin sa utak ko kahit wala ka ng maisip at ubos na yung CSF mo :)))

--
Bilang boys ang topic nung blog ko, naalala ko yung sinabi ng tita ko sakin. Bale kausap nya yung pinsan ko na 1st year ngayon sa IN (idol daw ako nung pinsan ko and ako raw yung example nila, hihi). Sabi nya kay Joy (pinsan ko) "Tignan mo si Ate Lhea mo, malapit na syang gumraduate, parang kelan lang diba? Gayahin mo sya na focus lang sa studies nya. Alam mo naman na busy din yan sa writing nya pero kaya pa rin nya. May mga crush-crush din yan si Ate mo, and may mga nagkakagusto rin sa kanya o nanliligaw pero di nya iniisip yun, kita mo  wala pa rin syang boyfriend ngayon kasi yung pag-aaral lang nya iniisip nya. Edi tuloy walang problema sina Papa, Lola and Mommy nya sa kanya".

halos pumalakpak yung tenga ko sa mga narinig ko kay Tita eh. Sinabi ko naman na NBSB ako and may mga kina-career din ako kaso di sya umaabot sa punto na pati studies ko apektado. Never pa naman nangyari na bumaba grades ko pag may keme ako, TUMATAAS pa nga eh. Kaso pag heartbroken ako, LAGOT ka, parang blood pressure na shumu-SHOOT UP yung grades ko. HAHA. Kahit paano, maganda naman yung epekto sakin. Ever since High school. HAHA. Pero mas effective pa rin pag walang jowa, atleast walang problema.

Iniisip ko, mabenta ata ako pag 1st sem. CHAROT! Or pag final year ko. Ewan ko nga kung bakit eh. hahaha. Di pwedeng wala akong keme. Pero meron naman, crush lang naman eh, INSPIRASYON :)

O sya, matutulog na ko. May sports meeting pa kami mamaya tapos hahagilapin pa namin yung thesis adviser namin.

GOOD NEWS! Baka wala na kaming lecture keme sa thesis! YEAHBAAAH! :)

No comments:

Post a Comment