Thursday, June 7, 2012

Use the word SANA in a sentence

These past few days, puro guys ang mga nakakasama ko, either sa school or sa bahay. Since nasa apartment sina Tito, Kuya Jay and Kuya Jade (Kuya Jay's classmate), sila ang nakakausap ko ng madalas.

Any, lagi naming napagkkwentuhan nina Kuya yung mga tipo namin. And honestly, parehong gusto nila ang mga mahihinhin, sweet at yung ka-opposite ko. HAHA. Sad but true. Tinatanong ko sila kung bakit ganun ang gusto nila (well, mahihiya pa ba ako sa kanila?), kahit sila di nila maexplain.

Yes, di ako malambing, sweet, tahimik, simple, and kung ano pa man. Feeling ko tuloy, "friend" material lang talaga ako. The forever friend, sister, adviser, ate, etc. Naisip ko, "hey! wala ba talagang nagkakagusto sakin kahit minsan?". Sorry, naiisip ko talaga yan. Do I sound desperada na ba? Di naman sa ganun. Di naman ako nagmamadali eh. The thought of being unattractive yung pumapasok sa utak ko. Parang ganun, yet I dont feel insecured sa ibang tao dahil naniniwala akong may kanya-kanya kaming ugali.

I have this friend na ka-age ko lang na laging nag-gGM. And nabanggit niya sa GM niya kanina na "Wala ng babaeng sweet, mabait, at paggising sa umaga ako agad ang itetext". Napagtanto ko na, eksaktong hindi talaga ako yun, di ko ugali yun. Kahit nung mga kapanahunan ni Joshua, super bihira ko syang tinetext ng good morning, at di rin ako sweet, minsan bini-bitch ko rin sya. Di pala talaga ako isang ideal girl material indeed.

May mga rants din akong naririnig mula sa mga guys pag pinag-uusapan nila ang mga babae. Sabi nung friend ko na I consider as a younger brother, parang di raw naapreciate ng mga babae yung mga efforts nila. Kahit ako di ko maeexplain yun. HAHA, speechless na ako dun.

So parang... ewan, basta ang gulo! Sabi nga nila, dapat daw eh maging sweet na raw ako mula ngayon. Ek? Di bagay sakin maging sweet! I have this tough girl-slash-jologs-kenkoy-sophisticated-strict looks and attitude. So it really doesn't match. Di rin ako mahinhin, kasi di bagay sa isang nurse maging mahinhin. HELLO! Emergency case, MAHINHIN pa ako? Eh sa buong nursing life ko puro TOXIC pasyente ko and I dont have time to practice those mahinhin walks and practices, chos. At ang pinaka, DI AKO TAHIMIK. Pinanganak akong madaldal and no one could ever change me to be tahimik.

In short, wala talaga, I dont really suit to a normal guy. Pero sana naman eh may kumaya sa personality ko. May nakapagsabi sakin dati (i forgot already) na "You have that strong personality na mismong mga lalaki eh maiintimidate sayo. They see you as an established person already. They cant beat or even match you kasi para ka ng great wall of china sa pagiging matatag". In a serious tone, am I that INTIMIDATING? Accomodating naman ako ah. I have few guy friends ngayong college and most of them are from Advo. Sa klase naman, yung mga groupmates ko lang but be weren't that close that I even tell them the whole story, yung mga bagay lang which concerns within the group or in our course lang.


--Narecover ko lang to sa drafts ko. Nung april pa ata to eh :D

No comments:

Post a Comment